Chapter 1

7 1 0
                                    

Chapter 1

"Ma, ipacheck up mo na kasi."

Napakamot ako sa batok ko. Nagrereklamo kasi si mama na masakit pa rin 'yung batok niya atsaka 'yung likod niya. Noong biyernes kasi, naaksidente kami. Nabunggo kami ng truck at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala 'yung sakit sa batok ni mama at likod.

Sinabihan ko na siya ng ilang beses na. Sabi ko, kung may nararamdaman siyang kakaiba, ipa-check up na niya. Huwag na niyang asahan na gagaling ang lahat sa eficascent oil lang kasi hindi!

"Oo, sege. Magpapacheck up ako, pero alam ko mawawala rin 'to, eh."

Kumunot ang noo ko. "Doctor ka ba ma? Mas may alam ka pa sa doctor, eh."

Frsutrated doctor yata itong mama ko.

"Heh!"

"Ipacheck up mo na 'yan ma." sabi ko.

"Oo nga." she sighed. "Uuwi ba kayo ng kuya mo bukas?"

Wala kasi kaming pasok bukas dahil holiday. Tiningnan ko ang relo ko at tumingin sa labas ng bus. Medyo malapit na ako sa school.

"Depende pa ma if wala akong gagawin."

"Okay sege."

"Sege ma, bye na. Malapit na ako sa school."

"Sege, mag-iingat ka."

Pagkapatay ng tawag ay sakto namang tumigil ang bus sa may kanto ng Real. Kaagad akong tumayo at bumaba. Naglakad pa ako papasok sa Real at lumiko nang makarating sa gate 2 para makapasok sa loob ng GSU.

"Bella, 'yung sa assignment sa oral com, meron ka na?"

Binungad ako ng mga kaklase kong nangangalap ng mga sagot para sa assignment namin sa oral com. Honestly, hindi pa rin ako gumawa. After recess pa naman 'yun.

Umiling ako sa kaklase ko. "Mamaya pa."

Due later, do later.

Malaki ang expectation ng adviser namin sa amin. He wants us to be really responsible of our studies. Pero lately, napapansin ko ang disappointment niya sa amin. We've been very neglectful.

May mga kaklase akong palaging absent, atsaka may mga kaklase naman akong sa umaga, hindi pumapasok, pero sa hapon naman ay pumapasok na. Without proper excuse letter. I don't know, they might have some family problems, or issues.

Moreover, hindi rin kami nagpapasa ng assignment kapag nakakalimutan ni teacher. Like, there was this time na may assignment kami sa oral com pagkatapos ay we're going to recite what we've written on our paper. Tapos the next day, nakalimutan ni Ma'am. So, no one ever tried to remind her, kasi hindi rin naman namin gusto magrecite sa harapan. We're all a bunch of shy persons.

Kaya ayon, award kami kay sir. Then, sir also told us na palagi kaming usap-usapan sa faculty. Pinagmumulan kami ng chismis kasi 'yung teacher namin sa 21st Literature ay may galit yata sa amin. I don't know. Hindi rin naman namin siya gusto kasi ang hirap ng exam niya.

Nang maghapon ay kaagad akong lumabas ng classroom. Pumunta ako sa library para kumuha ng libro kasi nangangamote na ako sa gen math at precal kasi wala akong libro.

Noong makuha ko na iyong mga libro ko ay deretsong uwi na ako. Ang hassle pa kasi agawan talaga lalo na at rush hour. Sabay-sabay kasi nagsisilabasan ang mga estudyante ng alas singko ng hapon, at itong GSU ang last na madadaanan na eskwelahan ng mga jeep. Bale, pagdating ng jeep dito sa GSU, punuan na kasi ang dami nang mga estudyante ang sumakay.

Ganon ang routine ko sa bawat araw. Gigising ng maaga para pumasok at uuwi naman ng alas sais ng gabi. Ganon lang.

Habang naghihintay sa mga damit ko na matapos sa pag dryer, tiningnan ko ang cellphone ko. May message sa group chat naming magkakaibigan.

It Doesn't MatterWhere stories live. Discover now