Day 7

2 0 0
                                    

51026050
--
Kagabi nakatulog na yata ako pagka-send ko ng message ko sayo. Haha, ewan ko. Gusto ko lang talaga mag send muna ng message sayo bago ako matulog sa gabi. Syempre, alangan umaga. Hahaha

Pagka higang pagka higa ko ayun saka ko lang naramdaman yung pagod ko kagabi. Hayy, grabi ang sakit talaga ng paa at binti ko nun. Ang sakit din ng braso ko. Nakaka ngalay kase yung pag di dilig ko nung mga lintek na lupa na sing tigas ng bato. Hahaha.

Nung pauwi na naman kami kahapon galing sa Nursery, kung ano ano pang pinagawa. Eh hindi naman ako maka kilos ng ayos dahil nga butas yung pantalon ko.

Nakaka tawa lang. Ang hinhin hinhin ko kumilos kahapon. Parang anytime kase lalaki ng lalaki yung butas ng pantalon ko. Ayoko namang lumaki ng lumaki yun. Hahahahaha. Di ko na din naman magagamit yon. Sabe ni mama ipapatahi daw nya. Eh sa itsura nun mukang di na pwede talaga kahit anong gawin. Di na magiging okay pa kahit pilitin. #Hugot101. HA HA HA HA HA. Deeeh, Hahaha. Basta, yun na yun. Di ko na talaga magagamit yon. Nakaka panghinayang lang. Haha. Kung makikita mo lang ng harapan yung pantalon, ay nako. Haha.

12:45pm
*Ako: Karleeey! Ang dami dami naming ginagawa. Hahahahaha. Ay, kanina nga pala nag enroll ako don sa paaral ng Tesda na Welding. Hahaha. 20 days din yon, nakakatuwa lang. Gusto ko lang mag welding.  Para may magawa naman ako pagtapos ko nitong spes ko. Hahaha. Text kita maya ha? Papunta kaming Duhat later. Yung seminar tungkol sa 4H. Sobrang busy ko lang talaga kaya ngayon lang ako nakatext. Sorry :( I love you. :* I miss you. :* :*

Sa totoo lang, kaya ako nag enroll dun sa welding kase.

Kase....

Kase ano.....

Kase para sakin malamang! Alangan para sayo. Para namang makakatulong yun sa course mo no? HAHAHA Dee. Sabagay pwede din namang makatulong ang welding dun sa pag ta transpo mo. Pareho namang sa barko pwedeng gawin yon e. Haha. Mema talaga ako. Mema sabe lang. Hahahaha. Trip ko lang mag enroll dun. Isa pa wala naman bayad. Para din may magawa ako pag katapos ng spes ko. Matagal tagal pa kong te tengga sa bahay e. August pa naman pasukan namin so yun nga nag hahanap ako ng mapag lilibangan at mapag palilipasan ng aking gintong oras. Haha. Maka ginto e no? Kung ginto ito sana mai sanla ko para may pera ako. HAHAHA Bukas may orientation kami para dun sa welding. Wala pa ko mahanap na makakasama na kakilala ko don. Mamaya mga di ko pala kilala ang papasok dun e mahirap naman yung ganun. Mahirap kayang ma out of place. Yung pakiramdam na di mo alam kung saan ka lulugar. Hahahaha. Ang drama naman no baby? Humu hugot na naman ako e. Haha. Wala lang, mai segway ko lang.

Kanina naman dun sa Orientation sa 4H. Wala den. Naka katuwa lang. Ang start dapat nun eh 1pm. Kase yun ang naka sulat sa program. Gumawa kame ng program dun syempre para kahit papano maging maayos yung mangyayareng orientation saka may iba naman kameng kasama dun e. Mga galing sa Provincial office daw. Ewan ko don sa kanila. Haha pati yung mga kasama ko sa office. Pero yung iba naiwan naman dun. Ang kasama namen eh si Tita Malou, Tita Allen, Ate Vina at si Tita Dr.

Naging masaya naman yung Orientation tas yun nga. Ang daming pinaliwanag tungkol sa 4h. Ang daming maitutulong sa isang kabataan non. Nagkaron ng Activity tapos yun, ako ang nag represent ng grupo namin. Haha. Ang saya lang kahit mej konte lang ang dumalo. Ang dami pa naman naming dalang pameryenda. Haha 13 na kahon yung plus na dala namen tapos 13 na balot ng biscuit. Di tuloy naubos pero okay lang daw yun. Ayun naiwan sa office namin. May ref naman kase kami sa office.

Nung patapos na nagkaron ng botohan. Para daw sa mga mamumuno ng organization na itatatag sa Cavinti. Ayon. Si Julius yung president. Tapos ako yung vice. Nakakatuwa nga. Magpakilala daw kase isa isa. Tapos nung nagpakilala ako ang sabi ko e, ''E-----a C-----a po. Taga Barangay Bukal at maganda po ako." HAHAHAHA Tawanan yung mga tao dun e. Haha eh di naman ako nagpapatawa. Diba? Maganda naman talaga ko e. Diba baby? HA HA HA HA HA. Kala naman nila nagjo joke ako. Tapos pagtapos nun naki cr ako. May nakasalubong ako dun, sabe e, "Maganda ka nga pala talaga." Edi wow. HAHAHAHAHA Mga patawa e. Hahaha

A Month of Waiting...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon