Day 10

5 0 0
                                    

51029050
--
Hindi na ko nakapag kwento ng madami kahapon, nasa messages ko naman na din yung sasabihin ko pati dito e.

5:46pm
*Ako: I love you karl :* :* Hi baby. Sorry no text or anything since morning. Di ko pa nga natatapos yung text ko kagabi. Di ko na na send yung kasunod. Naka tulog na kase ako nun habang nagta type ng ise send ulit so yun. Sorry :( As much as possible nga hindi ko na hinahawakan tong phone ko kase alam ko namang wala akong message na mare receive galing sayo pero syempre iba pa din yung alam mo yung mga bagay bagay na ginagawa ko at nangyayare sa paligid ko kahit hindi tayo magkasama. These past few days nahihirapan na ko magki kilos. Ewan ko. Nasabe ko na ba to? Pahina na ng pahina yung resistensya ng katawan ko. Sooner or later babalik na naman yung sakit ko. Ayoko ng ipa alam to kila mama. Tutal wala na din naman ako balak ipa doctor o ipa gamot kung ano mang meron yung katawan ko. Nakakapagod din namang magpa balik balik sa iba't ibang doctor tapos iba din yung sasabihin sayo. Kung ano anong ire reseta at ipapabiling gamot. Kung ano anong papabayaran. Ahhh basta. Ayoko na. Pati kaya ko pa naman. Ako pa ba? Madami dami na din akong naranasan sa buhay kahit bata pa ako. Itutuloy ko na yung sinasabi ko kagabi na hindi dapat tayo sumuko kase malayo na yung narating ng kung anong meron tayo. Sabi nga nung tropa ko, baka daw di ka seryoso sakin kase diba nung andito ka pa nga lang pala di mo na ko tinetext. So yun, baka daw kako di ka seryoso. Sabe ko, "Sinong taong hindi seryoso ang pupuntang Pagsawitan mula Calamba para ihatid lang ako ng Cavinti? Sinong hindi seryosong matutulog ng Cavinti at mag uubos ng gasolina para maka ikot lang ng Caliraya at makasama ako ng matagal kahit byahe lang? Sinong hindi seryosong tao ang hahanapin ako sa kalagitnaan ng feb fair sa madaming tao? Sinong hindi seryosong tao ang pupunta ng kalagitnaan ng gabi sa Pagsawitan mula Spc At sinong hindi seryosong tao ang papa abutin ng ganto katagal yung pagiging ewan ng relasyon namin, walang label, walang commitment pero masaya kami sa kung anong meron kami? Walang hindi seryosong tao ang ganun."

5:59pm
*Ako: Yon, tapos sabe nya wala naman daw ganun kaya nga baka seryoso ka sakin. Tapos di naman na sya nagsalita pa bukod don. Ba, nag away pa kami nun dahil don sa mga nasabi nya. Hahahaha. Sorry ang war freak ko baby. Tapos yun nga, kahit malayo ka, malayo ako sayo, ediba nasa iisang mundo tayo? Magkikita at magkikita pa rin tayong dalawa kung yun ang itinakda at yun ang naka tadhana. Kahit sobrang miss na kita baby aantayin ko nalang na bumalik ka sakin tutal alam ko namang babalik ka sakin. Ako pa ba? Ang ganda ko kaya para iwan mo ko sa ere. Saka hindi ka naman piloto kaya alam kong di mo ko iiwan sa ere. Haha kung sakali magpa parachute nalang ako para naman safe ako pag landing pag iniwan mo ko. Pero alam mo yung masakit don baby? Na kahit may parachute yung katawan ko, yung puso ko mararamdaman at mararamdaman ang pag kawasak ng pagkatao ko kapag iniwan mo ko. #Ediwow. HAHAHAHA Ewan baby. Wala na kong masabing matino baby. Nakaka pagod mag ubos ng oras ng di ka kasama. Mas okay pa yung nakaka ubos tayo ng oras sa gitna ng field ng uplb na magka yakap lang sa ilalim ng maraming stars at maiilaw na paligid. Tapos kakain lang tayo ng sandamak mak na isaw. Hahahaha baby sobrang nami miss ko na yung mga times na ganon. Sobra. Hayyyyy. When will I be able to hug by you so tight again? Wala na ata akong pinaglalaban baby. Di ko na alam kung may pinaglalaban nga ba talaga ako o wala. Para na kong ewan. Ano baby, nababaliw na ba ko? Ano sa tingin mo? Ediba baby matagal na kong baliw sayo? . Deee, baka kiligin ka lang e. Hahaha basta mahal na mahal kita baby. Distance doesn't matter baby. Distance doesn't matter. Nasa ilalim tayo ng iisang langit. Nasa iisang lupang tinatapakan tayo. Lupa ng pilipinas. Hahaha alangan lupa ko, eh wala pa nga ako nasu sweldo. Pag na sweldo na ko ayun, madami akong bibilhing lupa baby. Lupa sa paso. HA HA HA HA HA HA. Ang korni ko no baby? Ang korni na ba? Di bale na, mahal naman kita. Mahal na mahal kita. :* :* :* :* :* :*  Mehehe.

6:35pm
*Ako: Nakaka bobo na ang facebook baby. Laging "Whats on your mind?" Eh alam naman nyang ikaw lang yung nasa isip ko! Ano, ipo post kita? Tapos ila-like ng iba? That's a big no NO! Pwee, hanggang comment lang sila!  Hahaha Sa tingin mo baby, ano ba talagang pinag lalaban ko dito? Para namang wala talaga. Haha. Wala naman ako balak makipag laban. Unless ikaw ang premyo at ikaw ang dahilan. Yieeee, nagiging cheesy na naman ako. Hahahaha lalanggamin ka na jan baby. Hahahaha ang sweet sweet na naman kase ng baby mo e. Hahaha. Kaninang umaga pagka gising ko nagsampay agad ako ng mga nilabhan ni mama. Ewan ko ba baby, pag nakakakita ako ng isa sampay eh automatic sinasampay ko na. Ako din naman magsa sampay nun e edi ginagawa ko na kesa naman iuutos pa. Edi magsa sayang pa ng laway at oras sa pag uutos. Kung ganun baby eh di hindi pa mapapagod si mama diba? I'm so brilliant talaga! Your baby is so brilliant! Hahaha mehehe. It's so nakakatamad here baby. I'm so conyo na. Hayyy Karleey. I'm missing you so bad na talaga. Jejejeje. Jejemon na ko baby. Hahaha. Pano kaya kung maging jejemon ako no baby? Ang astig ata non. Hahaha di tayo magkakaintindihan ng ayos non. Kase ikaw di ka naman magje jejemon. Ikaw pa. Eh jejemon hater ka nga ata.  Hahahaha malay din naman baby no? Pwede ka naman atang maging jejemon. Wala namang requirements at qualifications ang pagiging jejemon. Kung matatanggap mo ba yung panlalait at pang aasar ng iba okay na yun. Diba baby? Hahahaha. Parang pagbo boyfriend o paggi girlfriend ng panget. Okay lang naman talaga yun basta humanda ka sa tropa mong malakas manlaet. Hahahahaha ang kulet no baby? Sabihin mong makulet! Sabihin mo. Hahahaha oh well, alam ko namang di ka magre reply. Pero I just want you to know that i'm beautiful. As always. HAHAH. Kidding! Ayon, gusto ko lang malaman mo na mahal kita at nami miss na kita ng higit pa sa akala mo. Baby hindi porke't hindi kita tine text, tina tawagan or what eh nakalimutan na kita. Syempre hindi no.

6:51pm
*Ako: Hindi ko alam kung baket laging nade delay yung pagse send ko ng text pagkaka message ko ng isa. Nahihirapan ka na bang basahin pag ganto kaha haba? Pwes mag tiis ka. Hahahaha maliit na bagay lang naman baby e. Maliit na bagay lang to. Haha. Kanina pala sinamahan ko si mama dun sa pinapasukan nya tuwing saturday. Nakaka tuwa lang baby. Wala kase akong magawa kaninang mga 12pm. Sobrang tamad na ko tumanga sa bahay tapos ang init init pa. Sobra, ang init sa katawan. Parang gusto mo nalang magbabad sa drum na puno ng malamig na tubig para mawala yung init na nararamdaman mo. Tapos tinanong ni mama kung anong oras na, ang sabe ko, "1:06 na." Sabe nya, "Eh? Hindi nga? Ano nga? May pasok ako ng ala una ay." Tapos yun sabe ko, "Hindi, 12:06pm lang. Tano?" Tas sabe nya nga may pasok sya sa munisipyo. Yung libreng turo nila sa basic computer skills. Dagdag computer skills din yon. Haha. May certificate din ata yun galing kay mayor. Nakaka tuwa kase pinaka bata ako, si mama naman on the other hand ang pinaka matanda. Hahaha.Last last last year kase nagkaron din ng ganun. Yung sa mobile truck. Basta 2nd year lang ata ako nun, nag enroll kami dun ng mga tropa ko baby sa mobile na yun tapos ayon. Parang typical school baga. May quizzes, activities at syempre may graduation din. Guess what baby? I've become the first honor.  Yeaaa. Baby may medal pa yun. Tapos yung mga sumunod sakin na may medal mga teacher. Haha. Ako ang kabataan nun e. Hoho. Astig lang talaga pag mga ganun. Kaso di ko na alam kung asan yung certificate kong yun. Malay ko naman na kung san na napalagay e ang tagal na nga. Mga minsan pala hahanapin ko tapos itatago ko. Mag co comfile ako ng mga certificate na nakuha ko para wala lang. Trip ko lang. Hahaha de, ewan ko. Para sa future? Hahaha layo. Basta yun, para sa pagta trabaho ko. Ang alam ko kase kelangan din ng mga certificate pag magta trabaho eh. Haha. Ewan ko den. Kelangang handa para hindi ako kahanapan ng mga certificate pag dating ng panahon. Haha.

7:27pm
*Ako: Umuulan din dito baby. Nakiki sali sa lungkot ko. Hahaha kawawa naman yung mga taga Cavinti National High School. Grand Alumni pa naman nila ngayon dun sa plaza kaso ayon inulan naman sila. Andun din sila kuya baby e. First grand alumni pa naman yon. Hahahaha sayang di sila makakapag saya kase mababa yung iba. Di na din ako lalabas. Nakaka tamad e. Tinatamad ako pumunta kila Jen. Parang ang sarap sarap lang magstay dito sa bahay at humilata mag damag. Ang sakit na din kase ng ulo ko. 5hours yung klase dun sa Munisipyo. Edi 5hours din kaming naka harap sa computer. May mga activity din silang pinapagawa. Nagpa type. Eh baby ginagaya ko yung naka type sa google tapos ililipat sa Microsoft world. Ang ginawa ko ni copy paste ko nalang baby. Tinanggal ko yung mga high lights at mga underline words tapos binago ko yung font para mag match dun sa naunang kong ni type. Ang dame ko ng nagawa saka ko lang naisip yun. Nakaka panghinayang tuloy ng oras. Haha pero okay lang yun. Naisahan ko din naman sila e. Hindi nga alam ni mama yun e. Kaya nagulat sya bat ang bilis ko daw matapos. Di naman kase nila tinitignan o mino monitor man lang yung mga ginagawa namen dun. HAHAHAHAHAHAHA Hindi yun maganda baby pero ewan ko, natutuwa ako e. Hahaha walang paki alamanan pag dating sa kalokohan. Me so magaling. HAHAHAHA kung may course na puro kalokohan tyak yun ang kukunin kong course. Dun ako magaling e.  Hahaha. Deee, pero baby di naman kita lolokohin. Bagkus ikaw ay aking mamahalin.  Yebaaaaaa! Magma mahalan tayo hanggang dulo ng pinag duluhan! Kung asan mang lupalop ng mundo yan! HAHAHA biro lang, mahal kita at yan. Paniwalaan mo kase totoo yan. Walang halong biro o kalokohan. Iniisip ko nga kung ikaw ang bansang Pilipinas sa panatang makabayan, eh kase naman iniibig kita ng buong katapatan.  Hahahaha ang cheesy ko naman talaga oo. Punong puno ng sweet bones ang katawan ko eh. Hayy nako. Ang laki ng toyo ko sa utak. Hahahaha nita tamad ako magki kilos e. Haha.

7:29pm
*Ako: Mamaya na kita itetext byy. Wait ha? I love you. 

8:18pm
*Ako: Baby andito kami sa court kasama ko si Jen. I'll text you later. I love you. 

10:15pm
*Ako: Baby nakauwi na ko. Ang sakit ng ulo ko. Ewan kung baket. Pero mas masakit pag walang ulo. Hahaha mahal na mahal kita. :* Advance goodnight baby ko. Di na ko nakapag goodnight kagabi, di na din ako nakapag goodmorning kanina. Ayon. Sorry. I love you so much :* :* :* :*

Ina antok na naman ako byy. Miss na miss na talaga kita. Hayyy. Baliw na ata ako sayo. Haha. Sige na, bukas nalang ulit ha? Mahal na mahal kita Karl.

A Month of Waiting...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon