Day 2

10 0 0
                                    

51021050
--
Iniisip ko talaga yung pwedeng mangyare. Hindi talaga ako makatulog.

2:30am.
*Ako: Hangang hangayon nag iisip ako ng what ifs. Hahahahaha gdmornight baby. I love you :* :* :*

Tapos nagtext ulit ako.

*Ako: Mahal talaga kita e. Hayyy. Hahaha

Nagtext ka ng 3:02am.
Ang sabi mo, ''Baby?''

At hindi ko alam na yun na pala ang huling text mo na matatanggap ko.

Nalulungkot lang talaga ako. Sayang. Pano nga kaya kung di ka natuloy jan? Are we able to be together again? Can I hug you unlimited again? Hayy Karley. I'm missing you so bad.

Gusto ko lang isulat dito yung mga nararamdaman ko. Ewan ko. Wala akong makausap. Mas gusto kitang kausap kesa sa mga tao sa paligid ko.

Nami miss ko na yung times na magjo joke ako tapos mumurahin mo ko pero tatawa ka at the same time tapos yayakapin mo ko.

Nami miss ko ng matulog sa dibdib mo na sobrang lambot habang yakap mo ko ng mahigpit.

Nami miss ko na yung kiss on forehead mo sakin.

Nami miss ko na yung times na magtetext ka ng cheesy lines noon.

Nami miss ko na yung 'holding hands while walking, may pa sway sway pa' natin sa uplb nung febfair habang tumutugtog ang bandang Chicosci.

Nami miss ko na yung pasimpleng hawak mo sa kamay ko habang nagda drive ka tapos si Jazel at si Albert nasa back seat.

Nami miss ko na yung pagkain natin ng malalaking isaw.

Nami miss ko na yung...

Nami miss ko na lahat.

Yung first time na nagkasama tayo nung debut ni bebot. Nakakaloka ka non. Di ko alam na tropa ka pala namen tapost yun nung paalis na kami nagkatapat tayo tapos makikipag shake hand sana ko sayo pero imbis na kamay braso mo ang binigay mo sakin. Tanda mo pa? Niyakap mo ko nun e. Hahaha.

Tapos pagtapos nun nagka chat tayo sa facebook tapos nawala ulit. Lumipas ang halos walong buwan nagchat ka naman. Nangangamusta ganon. Kinuha mo yung number ko through chat at binigay ko kase tropa naman tayo. Nalaman kong sa Letran ka pala napasok tapos HRM kinukuha mong kurso.

Natatawa pa ko nun kase pag kinu kwento kita kay Jen tinutuya nya ko sayo. Inaasar nya ko sayo. Baka daw mafall ako sayo. Sabi ko malabong mangyare yun kase di naman tayo nagkakasama. Internet lang nag uugnay satin. Sabagay, meron namang love story na umusbong through internet diba? Pero para sakin malabo talaga kung dun lang. Nasan ang feelings mo don? Ang love mo nasan pag ganon? Nasa network? Ganon? Hahahaha tawa ka dali, mga bente.

Tapos dumating sa time na nag aaya ka ng lumabas. Nagulat ako kase ang bilis mo gumawa ng move e halos di nga tayo nagka usap man lang nung debut ni bebot.

Unang nagkasama tayo hinatid mo ko sa Cavinti. Galing pa kong Nagcarlan non. Mapilit ka kasing ihatid ako. Ilang beses ka ng nag iinsist na ihatid ako pauwi mula school kase malayo din naman ang bahay namin. Nasa Sta. Cruz na ko nun, mga 3pm past na non pero nag iinsist ka pa din. Mejo nagalit ka na ata kaya pumayag na ko. Ayoko namang magalit ka at isa pa gusto din naman kitang makilala ng lubos.

Tapos yun nga, sa Pagsawitan tayo nagkita sa 7/11. May bali pa kaliwang kamay ko nun dahil sa skateboard. Hahahaha Tapos yun nga nagkwentuhan lang tayo ng kung ano ano sa daan habang pauwi.
First time yun pero parang ang tagal na nating magkakilala. Kung magmurahan tayo wagas na. Kung mag tangahan parang natural na natural na sating dalawa yung ganung usapan. Ewan ko. Sobrang komportable lang ng feeling.

A Month of Waiting...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon