CHAPTER THREE - Summer Song

2 0 0
                                    

Kinabukasan...

Ela's POV

Sunday na. Ang bilis lumipas ng sembreak na ito. Pabyahe na din ako going to Manila in a bit. Hmm. what if tomorrow na lang? I am excited to go back to school. But not to study. Haha. Grabe na yung katamadan ko sa katawan.

Kailangan ko na ng rotation 180! Focus on studies. Focus. Focus.

**Gusto kong tumalon, tumalon sa saya dahil ikaw ang kapiling
Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang ang puso ko
Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo sa ilalim ng araw**

-Nagring ang aking cellphone.

Silent sanctuary talaga, panalo! Nang dahil sa kantang ito, bumalik ang isang ala-ala. Viewing noon ng mommy ni Jom. Nasa may funeral home kami nun. Ofcourse, lahat kami nandun para sumoporta kay Jom. Kumpleto ang buong tropa.

*Flashback

Iniwan ko muna ang tropa sa loob at lumabas ako para magpahangin. Sobrang crowded din noon sa loob dahil dumating lahat ng nakikiramay sa pamilya ni Jom. Mga kilalang tao, mga politiko, meron pa ngang ilan na artista. Maraming malalakas na kapit ang pamilya ni Jom dahil na rin siguro ang tatay nya ay nasa mundo ng politika.

Nakarating ako sa may garden at naupo sa upuan duon. Actually maganda itong place ng funeral home kaso malungkot kasi dito ka nakakasaksi ng emotions na talagang bumubuhos.

"Hi, okay ka lang? Pwede ba kitang samahan dito?" narinig ko ang isang pamilyar na boses. Si Mark.

"Oo naman, come ,sit. I just want to have some fresh air. Medyo suffocating na din kasi ang mga ganap sa loob eh. Emotional and yung iba naman puro business and politics ang usapan. Ikaw, bakit ka lumabas?" tanong ko naman sa kanya.

"Nakita kasi kitang lumabas e kaya sinundan kita. Haha. Baka kasi gutom ka na kaya ka lumabas eh"

"Aysos!! Ang sabihin mo ikaw ang gutom dyan at naghahanap ka lang ng pagkain. They have catered food at the hall on the left. Why don't you eat?"

"I can't eat at viewing, funerals, hospitals. You know, it's hard to eat sa mga ganung locations noh. Lalo pa nakikita mo yung mga taong umiiyak"

may point nga naman si Mark dun. so tumayo ako at nagpunta sa inuupuan niya.

"Tara kain tayo. May bar diyan malapit. Grill and bar yun. Medyo maingay kasi for sure marami ng tao at this time. But at least, makakakain ka." sabi ko naman sa kanya habang nakatayo pa din sa may tapat ng inuupuan niya.

"Yaaan. That's why i like you eh. Hindi mo ako hinahayaang magutom. Tara na. I will drive." sabay niyang pagtayo at pag-akbay sakin. Palagi rin naman siyang ganun. Siguro wala ding malisya sa kanya kasi dati pa man ay mag-kaibigan na kami talaga.

Nakarating na kami sa bar and grill na kakainan namin. Actually, hindi rin naman gaanong kadaming tao. Napag-usapan namin yung nangyari sa mom ni Jom and how sad we are for him. Marami pa kaming napag-usapang mga bagay na nakaaliw samin nang sa hindi na namin mapansin ay dalawang oras na pala kaming nandun.

"Tara na, bumalik na tayo dun. Tagal na pala natin nawala. Baka hinahanap na nila tayo" sabi ko sa kanya sabay ang pagtayo. Tumayo na din naman siya at umalis na kami.

At nang makabalik na kami doon ay nakita namin ang barkada sa may garden. Dun na sila nakaupo.

"Oh hey, saan kayo dalawa galing?" tanong naman ni Rose. "Talagang sumasalisi kayo sa grupo ah!"

Saving HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon