It's the time of the year!! may outing ang buong tropa. sama sama ang lahat sa paghahanda
sinundo niya ako sa bahay at siya mismo ang nagpaalam kay mama. kase close naman sila. close as in yung tipong pagpasok niya ng bahay, kusina agad siya pupunta para buklatin yung kaldero namin at kumain (kapal lang din siguro talaga minsan)
..
pagdating sa bahay, pumasok na sya agad at kinuha na mga gamit ko at sabay kaming umalis. "tita, akin muna anak niyo ha" paalam kay mama.
at ang hindi niya alam, kinikilig ako kapag lagi siyang ganun..
____________
ay, nakalimutan ko nga palang ipakilala sa inyo yung epal na taong nagderetso sa kusina namin pagpasok.
siya nga pala si Mark Deniel Chiu. 16 years old na siya. kababata ko siya, kalaro, kasama sa mga kalokohan pagtapos ng eskwela. magkakapit bahay lang kami dati. lumipat na kasi kami before ako maggraduate ng elementary but still same place pa din. lumayo lang ng konting lakad. haha!
hindi siya talaga taga dito sa Pilipinas, hindi siya ipinanganak dito. as you can notice naman in his surname. malamang half half din siya. pero syempre dahil matagal na siya dito. fluent na siya magsalita ng tagalog. umuwi sila ng Pilipinas grade 4 kami. schoolmate din kami nun. high school at college lang naghiwalay ng school. pero close talaga kami noon pa man.
yun tipong nung una siyang nagkacellphone, kami yung magkatext. grade 5 pa kami nun eh, and i can still remember it hanggang ngayon.
hindi ko alam kung bakit ba ganun na lang kami kalapit sa isa't isa. pero siguro nga dahil na din sa magkababata kami, kaya yun.
..
matagal na akong may gusto sa kanya. at hindi ko alam kung aware ba siya, nang biglang isang araw sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko for him..
and.
and..
.
..
hi! ako nga pala si Eladen Yu, 16 years old. half Chinese half Filipino. Pinanganak ako sa Pilipinas, bumibisita lang ako sa China kapag minsan. hindi kami mayaman, at hindi rin naman mahirap. kumbaga, sapat lang.
Ako ay nagtetake na ng Medicine sa Denmore University. First year college. yes! magiging doctor din ako!! #Manifesting
____________________
*yawn* haaaaaaaaaaaaaaaaay!
kagigising ko lang, at pagtingin ko sa orasan, waaaa! 6am na. nagpanic ako. *panic panic panic*.
pagtayo ko sa kama, bigla ko naisip, ayyyy. nasa bahay pala ako, wala ako sa dorm. saka lang nagsink in sa utak ko na sembreak pala. tss.. babalik sana ulit ako sa pagtulog ko ng biglang..
"elaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! gumising ka na jan, at hinahanap ka na dito" pasigaw na tawag ni mama.
ano ba yan! sino kaya yun. tss. lumabas ako ng kwarto at nakita ko na andun si cess at jom.
"oh bakit" tanong ko sa kanila.
"ano ba yan, ngayon lang gigising, diba may lakad tayo", sabi ni cess
"ay, oo nga pala. nakalimutan ko, sige una na kayo. susunod na lang ako. teka yung mga pagkain ba?" panic kong tanong. may outing nga pala kami ngayon.
biglaang lakad ito kaya sa ilog na lang kami magsswimming. tutal naman, walking distance lang. ang proproblemahin lang naman namin ay ang pagkain. halos lahat sa aming magbabarkada namin ay may kaya pero hindi kami yung tipo na maglulustay ng pera ng basta basta, minsan lumalabas din naman kami, minsan mas malayong outing. pero kahit saan okay kami. masaya na kami sa mga simpleng tambay lang sa aming tambayan which is yung bahay nina cess, wala kasi yung parents nila dun eh, nasa Paris.
BINABASA MO ANG
Saving Hearts
RomanceMy childhood friend, my first crush, my first love. Timing is very important in admitting your feelings and it's so risky admitting it to your bestfriend for a long time. But is love worth taking the risk?