CHAPTER 1

11 2 0
                                    

Hindi magkamayaw si Celine sa pag-aayos ng kanyang gamit sa bus na kanilang sasakyan. Ilang oras na lamang ay makakauwi na siya sa probinsya na kinalakihan. Matapos ang anim na taon na pananatili sa Maynila, sa wakas ay makakapiling na niya ang pamilya. Puno ng anticipacion ang mukha ng dalaga ng magsimulang umusad ang sinasakyang bus. 

Bumalik sa balintataw niya ang mukha ng lalaking iniibig. Si Damian ang kanyang bestfriend at kababata. Tatlong taon ang tanda nito sa kanya. Silang dalawa ay sabay na lumaki at nagkaisip, palibhasa'y magkapitbahay. Marami silang masayang alaala na pinagsaluhan bilang matalik na magkaibigan. Dahil sa madalas na magkasama at halos di na mapaghiwalay ay pareho silang nagkaroon ng damdamin sa isa't isa. 

Damdaming higit pa sa magkaibigan. Pagtuntong niya sa tamang edad ay nangako sila sa isa't isa na maghihintay ito sa kanya. Sa panahon na natupad na nila ang pangarap ng bawat isa at wala na silang masyadong responsibilidad ay bibigyan na niya ang lalaki ng pagkakataong patunayan ang damdamin nito. Kaya ngayon nga ay handa na siyang papasukin ang binata sa buhay niya. Hindi na bilang magkaibigan ngunit higit pa roon.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Wala silang relasyon ni Damian bukod sa pagiging magkaibigan at tanging ang pangako lang nilang dalawa ang pinanghahawakan niya. Inaamin niyang natatakot siya na pagdating niya sa probinsya ay nalimutan na nito ang pangako nila sa isa't isa. Meron naman silang komunikasyon ng binata ngunit matapos ang tatlong taon ay tumigil na ito sa pagbubukas ng usapin tungkol sa ginawa nilang pangako. 

Samantalang noon tuwing magkakausap sila ay lagi nitong ipinahahayag ang labis na pananabik nito sa kanyang pagbabalik. Wala pang pangako sila sa isa't isa ang hindi natutupad kaya gayon na lamang ang pag-asa ni Celine. Isang mahinang pag siko sa tagiliran ang gumulo sa kanyang pag-iisip. Nang lingunin niya ang katabi ay malapad ang ngiti nito habang inaalok siya ng chichirya.

"Celine ha, masyado kang nag-iisip ng hindi maganda. I see it in your face. You look so bothered. I am sure na di ka pa nakakalimutan ng first love mo. Sa ganda mong yan na pati mga crush ko ikaw ang gusto." Pagpapalakas ng loob sa kanya ni Georgia. 

Celine get Georgia's junk food and eat it by herself. Inirapan naman siya ng lalaki st kumuha ulit ng panibagong supot. Georgia is tall, mestizo, handsome man but women in heart. His real name is George but he likes to be called Georgia when there are only two of them. Closeted gay kasi ito at takot na mabuko ng tatay niya na member ng Armed Forces of the Philippines. She met Georgia when she still studying at the University of the Philippines Diliman.  

Napakaswerte niya na nakapasa siya sa UPCAT ng paaralan kaya di na niya pinalampas ang pagkakataon na mag-aral doon. Meron naman siyang tiyahin na may bahay sa Maynila kaya naman di na niya kinailangan na mangupahan ng kanyang titirahan. Mula ng makilala niya si Georgia ay naging instant bestfriend na niya ito. Pagka graduate kasi nila ay di na sila nagkahiwalay pa pati sa trabaho ay magkasama silang dalawa. Both of them are now business consultant and successful on their chosen career.

"Georgia, Hindi mo naman ako mapipigilan mag-isip. Ang tagal na ga naming hindi nakikita. Aba'y malay ko ga kung me damdamin pa iyon sa akin. Kung makapag-usap at magkita laang naman kami ay sa cellphone na laang. Ay iyon ngang asawa ay naaagaw pa. Si Damian pa gang nangako laang naman sa akin." Sabi ni Celine sa diyalekto ng Batangas. 

"Hay naku ewan ko sayo sis! Napaka nega mo. Oh ayan kainin mo ng mawala ang negative vibes sa iyo." Georgia said and put a lot of crackers in Celine's mouth. Dali-dali naman itong iniluwa ng babae.

"Ang sama ng ugali ng baklang ire! Kita mo naman aring isinubo mo sa akin ha, at pagkahalang." Pagtukoy ni Celine sa junk food na nasa sariling kamay. "Ay oishi naman pala aring chichirya. Susko George! Alam mo namang ayaw ko sa mahalang, pasak ka ng pasak sa bibig ko. Isud nga diyan at ako ay kukuha ng tubig sa bag. At ng maitapon na din aring aking hawak. Pambihira ka naman George eh!" Natatawa namang umisod si Georgia para bigyan na espasyo ang dalagang nagkukumahog sa pagkuha ng tubig. 

After Celine remove the spiciness on her mouth. Their whole ride to Calatagan Batangas was full of banter and her stories to Georgia. She share what's she always do when she still a kid and many more things about their locality. Nakinig naman si Georgia sa kanya kahit na alam na naman nito ang kinukwento niya. Hinayaan lamang siya ng kaibigan na dumaldal ng dumaldal buong byahe nila. Nang makarating sa DLTB Terminal Calatagan Batangas si Celine at Georgia ay dali-dali agad na bumaba sa bus. Si Celine naman ay excited na excited nang makarating na sa kanila.

"Sis ang ganda ng ngiti natin diyan ah. Miss mo?" May pang-aasar sa boses nito. Nakuha na naman ng dalaga ang gustong iparating ng kaibigan pero nagpanggap siyang hindi ito naunawaan.

"Oo naman Georgia! Miss ko na sina inay, tatay, si Cherry, Cassey, lomi, at ang dagat. Talaga namang susulitin ko aring aking bakasyon pamihado." Masaya niyang turan na inirapan ni Georgia. He knows na umiiwas ang babae sa kaokrayan niya.

"Hala sige magpakasaya ka. Baka naman mamaya di ka na bumalik sa Maynila. Look at your baggage. Inampake mo na yata lahat ng damit mo eh. Sinasabi ko sayo Celine five days lang itong bakasyon na ito at may naiwan pa tayong trabaho sa syudad." Reklamo ni Georgia sa kanya. Ang gusto kasi nito bago magbakasyon ay tapusin muna ang commitments nila. Pero dahil sobra na ang pagkahomesick niya ay napilit niya ito na sumama na agad sa kanyang bakasyon.

"Heto naman, huwag ka nang magtampo sa akin sis. Gagalingan ko naman ang trabaho pagbalik natin sa Maynila eh. Sure ako na di pa aabot ng two months ang contract natin. Makakahanap ka na ulit ng bagong kliyente. Ewan ko ba naman sayo ang yaman mo na at marami ka na ding ipon. Kung makapag trabaho ka parang may asawa at mga anak ka na." Turan ng dalaga at umabrisiyete sa lalaking nag-aayos ng may kahabaan nitong buhok.

"Heh! Ewan ko sayo, pasalamat ka at malakas ka sa akin." Sagot nito sa kanya na sinuklian niya ng ngisi.

"Ay siya! Tayo na pumara ng tricycle at talagang miss na miss ko na nga!" Sabi ni Celine na tinutukoy ang kababata. Binuhat nito ang bagahe na puno ng mga pasalubong. Daig pa nga nito ang nangibang bansa sa dami ng iniuwi para sa pamilya.

"Akin na nga ang bagahe mo. Kalandian lagi ang inuuna."

"Kita mo aring si bakla! Hoy, Georgia iki mas kiri pa sa akin ha. Baka pag ikaw ay nagkita doon ng pogi na may abs sa dagat ay lumabas na iyang buntot na itinatago tago mo." Nanlalaki ang matang sabi niya. Inirapan lang naman siya ng lalaki at humawi sa imaginary long hair nito.

Hay kahit kailan talaga ang arte ng bakla na ito.

"Manong para nga ho! Sa Barangay Sta. Ana laang po kami." Celine said and both of them rode in the tricycle. 

Back Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon