Sakura's Pov
Habang naghuhugas ako ng pinggan nakarinig ako ng pagsigaw mula sa labas ng mansion kaya lumabas ako para tingnan.
Nagtaka rin ako dahil wala man lang mga katulong sa loob ng mansion kaya naisipan kong lumabas.
Pagtingin ko sinisigawan ni Ezekiel ang mga katulong pati na rin ang mga chef, lumapit ako para tanungin kung anong nangyayari.
Hinawakan ko ang balikat ni Zeke para pakalmahin siya, tumingin naman ito saakin.
"what happened?" malambing kong tanong para maibsan ang galit niya.
"You didn't tell me who did that" sabi niya sabay turo sa sugat ko, hindi ko naman basta basta sasabihin kay zeke kung sino ang may gawa nito.
"So I asked everyone in this household why you were injured and hindi ka tinulungan " sabi niya na galit parin, grabe ang tapang niya pag galit.
"Someone told me that one of the maids broke a glass and didn't help you put away the mess she made" sabi niya saka tiningnan ang kasambahay na nakabasag ng baso.
Nakita ko ang nagbabadyang luha galing mga mata nito, masyado ring makapal ang mukha nito pinag chichismisan nila ako kanina tapos iiyak siya ngayon.
"ok na ako see" sabi ko at pinakita ang nanghihilom kung sugat.
"no your not, So I'll ask again who's that woman and leave my house now" sabi niya at naglakad naman yung dalawang babae na nag chichismisan kanina.
"No one can hurt and gossip about my wife, do you understand?"
Lahat naman sumagot at pinabalik niya na ito sa kaniya kaniya nilang gawain.
Napaisip ako sa sinabi niya, sumasayaw na sa saya ang mga brain cells ko. Napatigil sa paglalakad si Zeke ng mapansin niyang hindi ako sumasunod.
Naglakad na ako kasunod niya dahil sa saya napakagat ako sa aking labi.
Pumasok na kami ng bahay at kita ko ang mga bagahe ng mga kasambahay na pinapaalis ni Ezekiel.
Kita ko ang mga masasama nilang tingin saakin na parang ako ang may kasalanan kung bakit sila napaalis.
Kahit nagmamakaawa sila kay Zeke ay hindi parin nito mababago ang ginawa nila, kahit hindi naman iyon ganoon kalaki.
Na a awkward ako habang nakatayo kay naisipan kong mag lakad lakad sa labas o kaya bumili ng makakain ko dahil pag boring ako ay nagugutom ako kahit wala naman akong ginagawa.
Kinuha ko lang ang wallet ko at lumabas na hindi ko na inintindi ang suot ko dahil wala namang mali doon.
....
IKSW 🫶🏻Hello! don't forget to vote and follow me para makita ang mga bagong update about sa mga stories na gusto niyo thank youuu!🌷🫶🏻
-Welcome July!!🌷
YOU ARE READING
𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐁𝐎𝐒𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟏 : Mafia's Wife (COMPLETE)
Azione🔞#5 BILLIONAIRE Ezekiel Gallagher Sakura Ximenez 09-01-22 05-30-24