Ang Sablay na Pagkikita

33 2 0
                                    

Umiisip pa ako nang idea kong paano ko mameet in person itong taong to e. So malapit na I.T. week namin, so bilang assumerong boyfriend edi syempre ininvite ko siya.


"Hi Chris, malapit na I.T. namin. May mga video games don, sings at cinema. Ako yong host sa cinema kung gusto mong manuod ng mga movies free na para sayo" - Oo promise free talaga para sa kanya. 10 Pesos each ang cost ng isang torrented na movie haha pero sa kanya free lang, for the sake of love :( #Whogoat


So usapan to sa facebook parin. Mahilig pala siya sa mga movies! Okay, first commonalities :). Inalok ko sya kung gusto nyang makicopy bibigyan ko siya, to spice up the offer, sabi ko may copy na ako ng 50 Shades Of Grey in HD quality haha, sabi nya sige pacopy ako. Naishare niya nga na 6 years old na lappy niya. Oo, ganon niya talaga tawagin ang laptop. Lappy :) okay cute haha


Syempre hindi mawawala ang place at time sa meet up diba? Haha klase niya daw ng 3-6 sa comp. lab which is kaclose ko yong prof nya, sakto kasi 1-3 yong officers meeting namin for the event. 3-6 PM ang time. Gusto niya sa mismong klase ko iabot yong flash drive ko kasi gusto niya ma excuse sa klase. Ang bad boy nya -.-


Okay, tomorrow. 3-6 PM at Computer Lab. Everything is set, makakatulog ako ng mahimbing :)


*Kinabukasan

Medyo nag palate talaga ako ng first subject ko kasi yun lang naman yong klase ko that day kasi nga may officers meeting. Syempre first meet namin yon so dapat well groomed ako no! Ugh. Universal Fragrance Perfume? Check. Shade 04 Matte Concealer? Check. Ma? yong uniform ko naplantsa niyo po ba? - "Oo anak, nasa kwarto mo na" and a lovely 1 peso coin in my shoes. Naniniwala ako don! Wag kang ano.


Nang nasa school na ako, tinapos ko muna yong lahat ng kailangan kong gawin pero umaasa ako na makasalubong ko siya o maka destiny bump ko siya around the campus kaso no luck, balik nalang ako ng Deans Office.


Meeting, meeting, meeting. Walang kwentang meeting, 'di nga ako naka suggest ng better plan sa event kasi siya lang nasaisip ko. Nag Cr ako ng twice pero 'di naman talaga ako najejebs or nawiwi, gusto ko lang talaga syang makita. Silip sa Comp. Lab, punta ng Cr para manalamin, at yong perfume! Ugh narerlex ako, wag natin I-take for granted si Mr. One Peso coin na nasa sapatos ko, well umeepekto siya.


Wala nang gagawin yong buong klase kaya nag yaya mag shot sa lagoon. E imemeet ko si Crush kaya sorry guys, dito muna ako campus.


3 PM - Nasa office parin ako, getting ready lang. Humuhugot nang lakas nang loob.

"Wag ka nang totorpe torpe pa". Naisip ko yong ads ng skyflakes, break mo na to kagatin mo na. Pag labas ko, bigla kong naisip "Sandali canteen muna ako". Bumili kasi ako non nang candy, baka maturn off si crush pag nagusap kami diba? salita pa naman ako ng salita don sa meeting masabi lang na tumutulong ako haha.


Pero na sad ako :'(


Wala siya sa klase niya. Sabi ko baka nalate lang yon or something


4PM - Wala parin siya. Tambay muna ako sa Drawing Lab, kadikit kasi yong ng Computer Lab so mas madali ko syang mapupuntahan.


6PM - Wala na talaga siya, namamawis nadin yong kamay ko kakahawak sa Flash Drive. Laman yong mga movies na sanang papanourin nya. Ifinolder ko pa naman sa "Para sa Pinakamamahal kong Crush" folder :(


**So umuwi na ako. Hindi ko din naman kasi naisip na kunin yong number niya. Ang tanga ko :'(


Pag kasakay ko sa bus biglang may nag text. Yong tropa kung saan ko nalaman yong name nya, "Hoy nasaan ka! Kasama ko si Christian ngayon dito kami SM kanina ka pa niya hinahanap", Alam mo kung ano ang itsura ko nang nabasa ko to? Halos mangitim yong screen ng phone ko sa sobrang diin ko magtype. "Kanina ko pa din sya hinahanap, nag paiwan na nga ako sa campus maibigay ko lang yong pangako kong movies sa kanya" reply ko.


"Tampo na siya, akala nya kasi sumama ka sa mga tropa mo sa lagoon".


Ang saklap nang walang immediate communication no? So lesson number one! Always hingiin ang number ni Crush pag makikipag meet. 


__________________________________________________________________


Lester John Antiller - May 05, 2015

"I feel better pag hindi ko nakikita yong mga tweet niya ngayon, ang hirap parin kasi isipin na may mahal na syang iba :("



Next Chapter Please

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon