Sa liit ng mundong ginagawalan naming dalawa (Mostly sa school pero yong route niya pauwi ay route ko din), imposibleng hindi kami mag kita. Pinapangarap ko padin minsan na sana maka destiny bump ko siya.
Destiny bump! Yong kunware mababangga mo siya nang hindi mo namamalayan, yong mga tipong malalaglag yong mga hawak niya tapos tutulungan mo siya tapos magugulat nalang kayong dalawa dahil sa hindi inaasahang pagkikita.
So para paghandaan ang bagay na iyon, gusto ko bago pumasok sa School well-groomed na well-groomed ako. Mas lalo na akong nacurious sa sarili ko.
Pogi na ba? Maayos na kaya? Okay na kaya to? Hindi ko namamalayan nacoconsume ko na pala yong time ng first class subj ko.
February 25 - I.T Week na namin! Mag eenjoy ka pag normal students kalang pero alam mo na ang kalbaryong hinaharap ng mga officers, lalo na dahil ako pa yong in-charge sa Cinemax!. Anong mga ishoshowing ko? Ang nasa isip ko lang si Crush, bakit hindi nalang si crush yong ishowing ko? Ayyy hahaha :)
Matrabaho talaga :/ Pawisan ako, pagod, mabaho yong hininga, walang kain, walang tulog, eyebags at pimples. Hindi ko inaasahan na sa gantong sitwasyon ko papala mameet si crush, how unfortunate I am. Ganto kasi yon ...
Its on second day of the event, February 26. Kinahapunan to e mga 3-6, hindi na nagklase yong computer prof nila kasi nga may event ang I.T. department. Yong prof na kaclose ko remember?.
So bigla siya nag text, "Kyle! :)"
"Oh Chris? :) Kukunin mo na yong flash drive? Busy pa ako" - reply ko
"Pinapapunta ka ni Sir dito sa likod, andito din ako" - reply niya
Sabi ko sa isip ko, "Nayari na" parang dead end boy :( No choice but to face the reality na magkikita na kami sa ganong sitwasyon. Sobrang kinakabahan ako non, in fact nag lakad pa ako nang naka yuko kasi nga nahihiya talaga ako. You know, torpe moves haha.
*Vision check - Naka form sila ng circle with Chris and prof facing each other and surrounded by tropas* - Hindi ba hell spot yon pag ganon? Hot Seat na to for sure.
"Oy sir! (sabay tapik ng kamay sa prof ko) then sinambit yong pinakasweet na "Hi (sabay abot nang kamay, makikipag shake hands ako!), I'm Kyle. (ayyyiiieee! Mygad kakilig na dito sa part nato) Sabay abot nang kamay niya, I'm Chris. Ay nako sinasabi ko sayo, yong kamay niya basa pero ang bango haha. Nginitian ko syempre!. Tapos sabay approach nang mga barkada niya saakin"Kuya pacopy nang 50 Shades? please". Kailangan maunang ligawan ang mga tropa ni crush bago siya. Lesson number three!
Konting Hi, hello, at mingle sa tropa at kay prof. Thanks prof! Alam niya kasi na crush ko si Chris, hinahanap din pala ako ni Chris sa kanya :) So may clue na si prof for sure :)
__________________________________________________________________
Lester John Antiller - May 06, 2015
"Nakangiti ako habang sinusulat to, ito kasi yong una :) Unang kita, unang hawak, unang kausap. Pero pinangako ko sa sarili ko na pag nasulat ko na, kakalimutan ko na. So salamat sa napakagandang memories Chris! :) Madami pa ha wag mo muna ako ijudge"
Next Chap Please!
BINABASA MO ANG
Ligaya
RomanceLigaya - Sa laro ng Pag Ibig, Ikaw na ang nagmahal, ikaw pa ang masasaktan. Ang librong ito ay naisulat base sa karanasan ng may akda na maaaring sumalamin sa sitwasyon mo ngayon. "Oo alam ko. Nang galing na ako dyan, at tutulungan kitang makaalis...