Unang Date?

29 1 0
                                    

So Yes! Natapos na ang IT Week. Pero hindi talaga yon yong reason kung bakit ako nanghihinayang, biruin mo yon! Nag papalate ako always maayos lang sarili ko, nag hahanda sa destiny bump kung mangyare man, o kaya at least pag nagkita kami maayos yong itsura ko. Pero hindi! mygad destiny bat ganon? Hahaha He see me at my worst!? -.-


**Lumipas ang weekend having 9999 Calls and texts with him :) It seems na nageenjoy siya saken. Oh diba? hindi ako olats. Pero hopia ako forevs haha


Kinahapunan ng araw na yon, mga 3PM tumawag saken na nasa mall daw siya sinasamahan niya lang daw yong tropa nya na si Jennis at pauwi nadin. E na saktong pauwi narin ako non so naisip ko na ihatid ko na siya pauwi.


Nafeel mo na ba yong tropa ni crush na kalog? yong aning aning pero nakakatuwa na kaibigan nya? Haha yon si Jennis. Ang dali lang paki samahan, shemayy sana lahat ng tropa niya ganon :) Konting oras palang kami nag kakasama pero feel ko part na kaagad ng buhay ko yong tropa niya.


Siya pa nga yong unang nag approach sakin! Sabi niya "Oy diba classmate kita dati sa Bowling?" Hahaha pero realtalk hindi ko siya kilala. Sabi ko "Ay haha nakalimutan ko na 'di ko na matandaan". Sinabihan pa ako ng "Wow famous".

Pero natutuwa ako sa kanya. Ang light niya kasama, sino ba ang ayaw ng ganon diba?


Hindi ko alam pero mahilig pala si chris sa ice cream! Nag cracrave siya sa DQ so tara sa DQ. Then chat kami ni chris with jennis.


Naka tayo kami non e bigla ba naman akong nahilo, hindi ko alam kung bakit pero promise nahilo ako. So hinawakan ko yong ulo ko, binully ako ni Jennis sabi wag daw akong iiyak tapos napansin yong kuko ko! Haha Most embarrassing moment with crush (Facepalm). "Turn on, turn on" biro niya kay chris kasi nakita niya na naka nail polish ako. Pero para sakin turn off yon haha. Natural Shade lang naman yon kaya ayos lang pero nakakahiya parin.


Lakad lakad konti hanngang sa nag paalam na si Jennis. Omg! Kami nalang dalawa????! 😱 Hindi ko alam kung papaano to? Pano ba to!? So ito na ba yong date? mygad.


**Nakaupo kami sa harap ng Taters non. Bigla dumating tong mga sossy tropa ko. So asahan mo na, naki gulo sila. Nag gigirls talk sila hindi ko maintindihan 😠. Si Chris tawa lang ng tawa hanggang sa napansin ko nababagot na siya. Sinabi niya naman saakin na nag paalam naman daw siya na late na siya uuwi. Pero feel ko na naboboring na siya so nag insist ako, "Iuwi na kita".


**Parking lot - Nag lalakad na kami non bigla nagsalita si tropa #1 "Bat ba tayo nandito uuwi na ba tayo?" bigla sumagot si Chris "Malay ko dito kay Kyle!?". Mygad! Mygad again! Why Crush!! Why didn't you tell me na gusto mo pa pala mag gala? So ayon tara sa dancing fountain 😩 Cross finger.


Mahilig ako sa dog promise. Nasakto nga na napadaan kami sa Pet Salon kung saan may napaka cute na aso. Bigla ako napa tanong kay Chris. "Ako pag nagkaroon ako ng pet gusto kong name fubu, ikaw ba Chris may pet ka?" sagot niya "Meron, dog din" - "Anong name niya?" - sabi niya "Spencer" - "Bat spencer?" ang pinaka mungago kong tanong - "Malay ko don kila mama yon yung pinangalan nila". **Ah so family pet pala kala ko sa kanya talaga (Bulong sa mind).


So umupo nalang kami sa grass buong mag hapon. Wala e sorry 'di ko talaga alam kung saan ko siya dadalhin 😫 Hindi ko talaga inaasahan na date ek ek na pala ang labas neto, sabi ko ihahatid ko lang ih tsk.


Ayoko ng ganto natatapos yong araw ko mga beh! Gusto ko palaging cool, palaging good shot kay crush. Ang bilis ko pa man din pang hinaan ng loob 😖. Sobrang mahal na mahal ko na siya non, gusto ko siyang ivalue more than anything else, even more than myself. After ko siyang ihatid, tinext ko kaagad 😧 "Sorry chris ang lame ko masyado, hindi tayo suitable for each other im not worth it. Im sorry"


Kinakabahan ako sa magiging reply niya non pero kikiligin pa pala ako 😍

"Ano ka ba kyle! Parang pinapamukha mo naman na parang di mo ako kayang panindigan. Nag enjoy naman ako e so dont worry :)"


Pwede bang sumigaw sa bus? Pwede ba? Pwede ba? Hahaha! Kung pwede lang sa sobrang kilig ko sisigaw na talaga ako e. Heto pa, twineet niya pa shems!


"Kyle nag enjoy naman ako, nothing to worry about :)"


__________________________________________________________________

Lester John Antiller - May 08,2015


"Nako sorry hindi ako nakapag update kaagad. Medyo busy ako sa volleyball, may nakilala din nga pala ako don :) Nakakatuwa siya pero wag muna tayo umasa, feel ko pag nasaktan ulit ako ikamamatay ko na. Twitter nalang muna ang mundo ko ngayong araw kasi nasasaktan akong makita syang online pero walang chat :( Umaasa padin kasi akong kamustahin niya ako. Kahit Hi lang.


Ituloy pa natin yong experience ko wag mo muna ako ijudge"


Next Chap Please



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon