JANICE'S POV...
Nandito ako ngayon sa likod ng mansyon, anong ginagawa ko dito? Tatakas, ulit. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses ko na nga bang tinangkang tumakas. Nag tagumpay na ba ako? Syempre hindi, nandito pa din ako eh. Pinagpatong patong ko ang mga nakatambak na lumang kahoy mula sa mga lumang upuan at lamesa. Hinintay ko talaga na tuluyang maitambak ang mga ito dito sa likod para may magagamit akong akyatan. Mag hihinala kase sila pag nakita nila akong may dalang hagdan at isa pa, ilalagay nila ang mga hagdan sa mga lugar na alam nilang hindi ko matatagpuan.
Ngayong araw ang pinaka perpektong araw ng pagtakas. Wala si daddy nasa importanteng business meeting sya, busy ang mga maid dahil schedule ngayon ng pag papalit ng mga lumang gamit sa bahay. Halos 1/4 lang ng body guards ang naiwan dito sa mansyon dahil kasama ni daddy ang iba. Sa sobrang big time ng tatay ko ay anytime maaaring may mag tangka sa buhay nya. Kaya naman tuwing may big event na gaya nito ay marami syang kasamang body guard. Ang mansyong ito ay nasa tagong lugar alam ko iyon dahil mula sa rooftop ay kitang kita ko ang makakapal na puno sa labas ng bakod. Sa sobrang lawak ng kagubatan ay hindi ko na makita ang hangganan nito.
Dahan dahan akong umakyat. Isang maling galaw ay babagsak ako. Kailangan kong mag ingat dahil bukod sa maaari akong mabalian o masugatan ay maaari ding malaman ng mga kasama ko sa bahay na mag tatangka na naman akong tumakas. Ang buong akala nila ay nasa kwarto ko ako.
Kamuntikan na akong malaglag sa gulat ng may madinig akong putok ng baril. Ang isang putok ay nasundan pa ng maraming putukan. Ang bilis ng pintig ng puso ko. May nadinig akong ilang sigawan, nag kakagulo ang lahat. May mga nadidinig din akong nababasag, nilingon ko ang mansyon. Sa palagay ko ay sa labas ng bakod nang gagaling ang putukan. Nasa harap ng mansyon ang sentro ng barilang nagaganap. Anong gagawin ko? Tutuloy ba ako? Pano pag nadamay ako sa barilan? Mamamatay na ba ako? Hindi! Hindi pede! This is my only chance! Wala nang second chance, this is the perfect chance para tumakas. Sasamantalahin ko ang kaguluhang ito. Muli akong humakbang pataas.
"Tigil" natigilan ako ng may mag salita sa bandang likuran ko pero hindi ito malapit. Hindi ko sya nilingon, hindi ko sya kilala. "baba" Sabi nito, pero hindi ako kumibo. "Delikado ang binabalak mo mam Janice, bumaba na po kayo" mam? Isa sya sa mga body guards namin. Dahan dahan akong lumingon, yung butler ko! Yung matanda! Anong ginagawa nya dito? Akala ko kasama sya si daddy? Ibigsabihin andito na din si daddy? God! Anong nangyayare? Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ako baba.
Dali dali akong umakyat, halos malaglag ang puso ko ng bigla nya akong paputukan. My god! Binaril nya ang parte ng upuan na hahawakan ko. Marahas ko syang tinignan.
"Anong ginagawa mo?!" Inis na tanong ko sa kanya
"Bumaba ka na po mam Janice. Mas mapapahamak ka pag lumabas ka ng bakod"
"Wag mo akong pakialaman!" Sigaw ko
"Magagalit po ang daddy mo sa ginagawa mo"
"Wala kang pakialam!" Sigaw kong muli. Nangangatal ang katawan ko, natatakot ako. May tyansang makatakas ako dito dahil panigurado namang di ako babarilin ng Butler ko. Pero pag labas ko ng bakod na toh, hindi ko nasisiguro ang kaligtasan ko. Hanggang ngayon ay nadidinig ko pa din ang putukan.
Buo na ang desisyon ko. Tatakas ako ng lugar na toh.
"Huwag nyo pong intaying daanin ko sa marahas na paraan para lamang makinig ka sakin" anya pero di ko sya pinakinggan.
Isang malakas na pag sabog ang naganap napalingon ako sa pinanggalingan non at nakita kong nawala sa akin ang atensyon ng Butler ko. This is my chance to scape. Konti na lang ay makakalabas na ako, dali dali akong umakyat at ang sumunod na nangyare ay hindi ko inaasahan.
Parang nag slow motion ang lahat, kasabay non ay ang pag usbong ng galit at takot sa aking dibdib. Makalipas ang ilang segundo ay nasa sahig na ako at namimilipit sa sakit. Binaril ako...ng butler ko.
Hawak hawak ko ang braso kong nag durugo. Namimilipit ako sa sakit, daplis lamang iyon pero sobrang sakit hindi ko mapigilang mapaluha. Hinila ako ng butler ko patayo. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya iyon. Ang paraan ng maghila at paghawak nya sa akin ay hindi nababahiran ng respeto. Labag man sa loob ko ay nagpadala na lamang ako sa kanya.
Kung saan saan kame nag suot para lamang maiwasang makaengkwentro ng kalaban. Makalipas ang ilang minuto ay nasa loob na kami ng mansyon. Mula sa paghila nya sa akin ay inalalayan nya ako, kasunod non ay ang humahangos kong tatay na papalapit sa akin.
Napuno ng pag aalala ang buo nyang muka. "Anong nangyare sa anak ko?!" Galit at nag aalangan tanong nya
"Dad s~~"
"Natamaan po sya ng ligaw na bala" unahan ako ng butler ko, pinutol nya ang sasabihin ko. Masama ko syang tinignan at mukang wala lang yon sa kanya.
"Dad~"
"Bakit ka nasa labas?" Tanong sakin ni daddy. Natigilan naman ako. "Ang sabi sakin ng mga katulong ay nasa kwarto mo ka"
"Dad"
"Janice! Anong ginagawa mo sa labas!" Sigaw nito, galit sya. Dahil alam nya na ang dahilan. Hindi ko mapigilan ang hagulhol ko, hindi ko na alintana ang sakit ng sugat ko .
"Dad, gusto ko lang naman maging malaya eh"
"You're getting yourself killed!"
"But dad~~"
"Go to your room"
"Bu~"
"Just go!" Napalayo ako ng sumigaw sya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nagkasalubong ang tingin namin ng butler na yon, masamang tingin ang ipinukol sa kanya habang dumadaloy ang luha ko. I really hate you.
TO BE CONTINUE~~~
YOU ARE READING
Hidden
RomanceI believed that the outside world is the most beautiful place but who would though that it's the most cruel place.