Chapter 4

0 0 0
                                    

JANICE'S POV...

Hindi nila ako ikinulong sa kwarto. Malamang ay dahil wala dito si daddy. Sya lang naman ang nag uutos na ikulong ako. Ngayon ay ako na mismo ang nag kulong sa sarili ko. Wala akong ganang kumain hindi din ako umalis ng higaan ko liban na lamang kung kelangan kong magbanyo. Hindi pa din nalilinisan ang mga sugat ko. Wala akong pinapasok sa kanila, iniiwan lang nila ang pagkain sa labas ng pinto pero hindi ko ginagalaw iyon. Wala akong gana.

Masyado akong naapektuhan sa nalaman ko kahapon. Ano pang saysay ng pagpaplano ko? Kung umpisa pa lang naman ay alam na nila. Wala na akong maiiiyak pa gustuhin ko mang umiyak ay wala nang natulo.

"Young lady" dinig kong tawag mula sa labas hindi ako sumagot.

"Young lady, papasok na po ako" hinayaan ko lamang ito.

Tuloy lang ang katulong na ito sa pag sasalita hindi ako sumasagot. Hindi ba nya alam ang rule sa mga trabahador dito? Pag may nakakita sa kanya na kinakausap ako paniguradong malalagot sya.

"Masakit pa po ba?" Hindi ko namalayang nasa harap ko na sya at nililinis ang sugat ko. Ni hindi ko naramdaman ang sakit palibhasa'y puno ng isipin ang utak ko.

"Pagpasensyahan nyo na po si Mang  Nat" napalingon ako dito, puno ng pag tataka ang muka ko. "Yung bago nyo pong butler" pag tuloy nya. Nat? Tsk panget ng pangalan ng matandang yon. "Nakita ko po ang buong pang yayari, sya po ang bumaril sa inyo nung araw na yon di po ba?"

"Kung ganon bakit hindi ka nag salita?! Nandon ka nung pinapagalitan ako ni dad, bakit hindi mo sinabi sa kanya?!" Galit na tanong ko sa kanya.

"W-wala po kase ako sa lugar para makisali sa usapan nyo ni senio~~"

"Get out."

"Young lady?"

"I said. Get. Out."

"P-pero hindi ko pa po tapo~~"

"Get out!"

"O-opo"

Galit ko syang pinanood mag ligpit ng mga gamot na ginamit nya sa akin. Naiinis ako, naiinis ako sa kanya. Nakita pala nya lahat pero hindi sya nag sumbong kay Daddy!

"Mabait po si Mang Nat young lady, intindihin nyo na lang po sana sya" napanganga ako sa sinabi neto bago tuluyang lumabas. Mabait? Hah! Talaga lang ha!

Kasalukuyan akong nandito sa Hardin. Nag tatanim, ganito ang ginagawa ko upang pumatay ng oras.

"Mabait po si Mang Nat, nyeh nyeh nyeh, sabi mo e. Kwento mo yan e." pagkausap ko a sarili ko.

Pagkatapos ko pag dukal ng lupa at tumayo ako para kunin ang buto ng mga sunflower na itatanim ko. Babalik na sana ako sa pinag tataniman ko ng may makita akong kakaiba.

Nag lakad pa ako papalapit sa masukal na parte ng hardin, bakit nga ba ang sukal dito? Naglakad pa ako ng naglakad pasukal ng pasukal ang daan. May kaunting pagasang sumibol sa puso ko, umaasang kung tatahakin ko to ay makakalabas ako ng matataas na bakod.

"Ano ba tong lugar na to?" Tanong ko sa aking sarili. Hindi ko maalala na may ganitong lugar dito, napakasukal dahil sa mga nag tataasang mga damo. Habang patagal ng patagal ay napapagtanto kong hindi ito basta ligaw na damo lamang. Halaman itong sinadyang itanim, sa likod ng matataas na halaman ay narating ko ang malawak na taniman.

"Bulaklak?"  bakit may ganito dito? Hindi ko ito napansin nung mga nakaraang araw, matataas ang mga sun flower na bulaklak, may puno den ng gumamela at santan at kung ano ano pang halamang may bulaklak. Mukang nandito na ito bago pa man din kame dumating dito.

Nilibot ko ang buong lugar, ang ganda mukang alaga sa dilig at pataba ang mga halaman. Sa gitna nito ay may mini fountain, namangha ako sa ganda nito sapagkat di ordinaryong tubig ang nalabas mula dito. Ang kulay ng tubig nito ay kulang green gaya ng karagatan ang mataas na sinag ng araw ay mas nag papaganda dito.

Umupo ako sa mini fountain at bahagyang sinawsaw ang kamay ko, napangiti ako ng mapansing may maliliit na isda dito iba't iba ang kulay nila at malikot na ng lalangoy sa kabuuan ng fountain.

Muli akong tumayo at nilibot ang kabuuan ng hardin, may nakita akong hagdan. Nag lakad ako papunta doon at mula sa kinatatayuan ko ay nakakita ako ng isang duyan, ang tali nito ay nakasabit sa isang malaking puno. Naupo ako dito at unti unting iniugoy ng marahan. Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang kabuuan ng hardin, napakaganda.

Mula sa pag kakaupo ay nakadinig ako ng kaluskos pero di ko iyon pinag tuunan ng pansin. Mula sa mahina ay lumakas ito dala ng kuryusidad ay tumayo ako at nag tungo sa kabilang bahagi ng puno. Mukang sa sanga nito nag gagaling ang ingay pero di ko makita dahil sa dahon. Pumulot ako ng mahabang kahoy tsaka ito ginamit para tanggalin ang mga nakaharang na dahon. Ng sandaling makita ko ang nasa likod ng mga dahong yon ay agad nanlaki ang mga mata ko.

"P-pukyutan?!" Kinakabahan bulalas ko. Nataranta ako ng bigla mag siliparan ang hindi normal na laki na insektong iyon. Mas malaki ito kaysa sa mga bubuyog na nakikita ko. Agad akong tumakbo palayo doon at sapag mamadali ko ay natalisod ako, naramdaman ko na lang na gumugulong ako pababa ng hagdan. Naramdaman ko ang pag hapdi ng ilang bahagi ng katawan ko indikasyon na nasugatan ako.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya ng sulyapan ko ang paa ko ay mapapaga ito. Naipikit ko na lang ang mata ko inaasahan kong ilang sigundo lamang ay tutusukin ako ng nag lalakihang bubuyog. Pero sahalip na masaktan ako ay nakaramdam ako ng malambot at mainit na tumama sa katawan ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko, sumalubong sa mata ko ang matang nag aalala ng matandang butler ko. Nakailang kurap ako bago mapansing mukang nahihirapan ito. Ilang sandali lang ay may lumabas na usok sa paligid, pakapal ito ng pakapal hindi na ako makahinga. May naramdaman akong basang tela na tumakip sa ilong at bibig ko bago ko maramdamang umangat ako sa lupa. Hindi ko magawang mag reklamo dahil alam ko sa sarili kong di ko na kayang mag lakad. Isa pa hindi ko na makita ang paligid sa kapal ng usok. Ilang minuto lamang ay nakalabas kami ng hardin at bumungad sa akin ang maliwanag na araw.

Dahan dahan akong ibinaba ng butler ko sa malapit na upuan. Nang makapag adjust ako sa liwanag ay don ko nakita ang kabuuan nito. Namumula at namamaga ang braso at muka nya. May mantsa den ng dugo Ang damit nya at may maliliit na butas doon. Mag sasalita pa sana ako pero pinutol nya ang sasabihin ko.

"Tatawagin ko na po ang personal maid nyo young lady" pagkatapos nyang sabihin yon ay naglakad sya papalayo saken. Hindi maayos Ang pag lalakad nito halatang may iniinda.

Nakaramdam ako ng guilt, pero pilit itong iwinawaksi ng utak ko.

"Trabaho nyang protektahan ako kaya normal lang yung ginawa nya. Tsaka binaril nya ko, we're even na!" Pakikipag talo ko sa isip ko pero di ko pa din mapigilan mag alala sa matandong yon. Sa tingen ko ay ilang hinga na lang ang itatagal nya.

"Young lady! Okay lang po ba kayo?!" Natatarantang tanong ng personal maid ko. Hanga den ako sa tapang ng babaeng to, hindi ba nya alam ang rule dito sa mansyon? Pede syang mapatalsik sa ginagawa nya. But her talking to me make me feel at ease.

TO BE CONTINUED ~~~

Hidden Where stories live. Discover now