JANICE'S POV...
Kanina pa akong pauli uli sa labas ng kwarto ng butler ko. Hindi ko din alam kung bakit. Pero sa totoo nyan alam ko talaga kung bakit, ayaw lang talagang tanggapin ng utak ko.
"It's not my fault okay?! Besides it's his responsibility to protect me" kinagat ko ang kuko ko matapos kong sabihin yon sa sarili ko.
Nakailang pabalik balik na ko sa labas ng pinto tuwing tatangkain kong buksan ito ay kusang umuurong ang kamay ko.
For the nth time I attempt to open the door again. Di ko mapigilang mapalunok habang papalapit ng papalapit ang kamay ko sa doorknob.
Agad nanlaki ang mata ko ng ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwal non ang butler ko na daig pa ang mummy sa daming benda.
"What do you need young lady?" Tanong nito sa baritoreng boses, napalunok ako dahil don. Kalmado lamang sya pero aaminin kong mas takot ako sa kanya kesa kay daddy.
"U-uhh I just want to say that we're even" wala sa sariling sabi ko. Nakita ko naman ang biglang pagtaas ng kaliwang kilay nya. Animong kinukwestyon nya ang existence ko.
"Binaril mo ko last time, but after all you save me so we're even" taas noong anya ko.
Nanatili syang nakatingen saken na para bang isa akong nilalang na bago sa paningin nya. Nakakainsulto! Nanatili syang nakatingin at nilabanan ko naman ang mga tingen nya hanggang sa mapatingen ako sa kabuuan nya. Ang dami nyang benda samantalang ang ibang parte ng muka nya ay at balat na nakalabas ay namamaga. Di ko tuloy maiwasang makaramdam ng guilt.
Bakit naman ako maguguilty ako ba nanusok sa kanya?! Hindi ko kasalanan okay? At tsaka di naman ako humingi ng tulong nya, kusa nya akong tinulungan. Pero trabaho nya yon diba? Bayad sya, kaya tama lang na gampanan nya ang trabaho nya ng tama.
"Tama tama tama..." Sabi ko sa sarili ko habang tumatango tango. Napansin ko namang nakatitig ito sa akin. Kakaiba ang tingen nya, para bang nakakita sya ng alien na hindi green. Napatikhim naman ako para maibsan ang hiya. "Aalis na ko, chineck ko lang kung buhay ka pa ba."
"Nag aalala ka ba sakin young lady?" Ani ng matanda muntik na kong masuka. Sinabi nya yon ng walang emosyon kaya napalunok na naman ako. Nakakatakot talaga tong matandang to.
"No, naninigurado lang ako kung kaya mo pa mag serbisyo. Kase kung hindi mag papahanap na ko ng bagong butler kay daddy." Deretsong Sabi ko. Mas lalong dumilim ang mga mata nya na parang may mali akong nasabi. Mag sasalita pa sana ako pero bigla nyang sinara ang pinto.
"What the hell?!" Malakas na sigaw ko. "Arghh! I hate you! You hear me?! I really hate you tanda!" Sigaw ko ulit bago padabog na nag lakad paalis.
I'm currently at the hidden garden, well hindi na sya hidden kase magmula nung aksidenteng yon ay pinalinis ni dad ang parteng to. I mean yung labas ng garden para madaling makakapag labas masok. Nagtaka nga ako kase hindi den alam ni dad na may hardin dito. Ang Sabi nya baka pag mamayari ito ng mga tumira dito month a go. Kakalipat lang namin remember?
Madabog kong sinara ang libro ng mairita ako sa titig ng matandang yon. Ano bang ginagawa nya dito?!
"Can you stop looking at me?! I can't focus on reading!" Sigaw ko dito pero salip na sumagot ay iniwas na lang nya ang tingen nya tsaka pumikit habang nakacross ang dalawa nyang kamay sa dibdib nya. Tamo tamo arghhh! Kainis talaga!
Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng gutom kaya.
"Hoy tanda, nagugutom ako. Kumuha ka ng pagkain." walang modong Sabi ko habang nag bubuklat ng pahinga ng libro. Sinadya kong di sya tapunan ng tingen, duh sino ba sya?
Nadinig ko ang yapak nito palayo kaya naman sinara ko ang libro.
Tahimik kong pinag masdan ang kulay asul na kaulapan ang ganda.
Ilang sandali lamang ay sumalubong sa akin ang malakas na hangin. Naramdaman ko ang pag taas ng bistidang suot ko pero hinayaan ko na lamang yuon kase hanggang tuhod naman ang haba nito at nakapatong sa hita ko ang libro kaya naman hindi ako masisilipan.
"Ehem." Agad akong napalingon ng madinig ang tikhim ng animal.
Bumungad sa akin ang salubong na kilay nito, naglabasan tuloy ang wrinkles nya sa noo ews.
Tinaasan ko naman sya ng kilay, tsaka pinag krus ang dalawa kong kamay. Makailang ulit syang bumuntong hininga habang nakapikit. Naaaning na ata.
"Fix. Your. Dress. Young. Lady." Dahan dahan subalit may diing sabi nito.
"Excuse me?!" Taas kilay na tanong ko dito. Agad itong napahawak sa batok nya na animoy nag titimpi ng galit.
"Go to your room now young lady." Utos nito sakin, napairap naman ako sa inis.
"Ano na naman ba?!" Sigaw ko dito.
"Mahangin na po young lady."
"And so?! Kaya nga ako nandito e kase mahangin"
"Pumasok na po kayo"
"Ayokong!. Bawal na nga akong lumabas ng bakod pati ba naman paglabas ng mansyon bawal?!" Sigaw ko sa kanya
"Utos po ng daddy nyo." Anya, nangunot ang noo sa sinabi nito. Bakit naman? "And iwasan nyo na ang pag susuot ng ganyang damit young lady, napapaligiran kayo ng madaming lalakeng guardya, maganda nang nag iingat" napaismid ako sa sinabi nito
"So I assume that you should distance myself from you since you're one of those bodyguards. And given the fact that you're a man, it can be a good reason why we should increase our distance from each other" sarkastikong ani ko, bago sya ngitian ng nakakaloko.
"I'm an exception young lady"
"How come?"
"Because I was hired to be by your side all the time."
"Ohh really?" Nang aasar na tanong ko. "Would you mind if you go take a bath with me? I need someone by my side" nang aakit na ani ko. Agad dumaan sa muka nya ang inis, di ko naman napigilan ang pag tawa ko. Tinuturo ko pa ang muka nyang pulang pula na sa inis.
Lalong lumakas ang tawa ko ng sandaling nag walk out ito paalis.
"Priceless HAHAHAHAHHAHA"
TO BE CONTINUED ~~~
YOU ARE READING
Hidden
RomanceI believed that the outside world is the most beautiful place but who would though that it's the most cruel place.