Chapter 1: Ang pasimuno

47 0 0
                                    

"Ang aga aga naman friend ng selfie mo, alas dos pa lang ng umaga oh" natatawa kong biro sa kaibigan kong si Keysha. 

As usual, andito kame sa paborito naming videoke bar sa Quezon City,  Mga once or twice a month kame dito, ang hilig kase mag-aya ng kantahan 'tong si Keysha ako lang naman lagi nyang pinapakanta, tapos sya panay status update at selfie inaatupag.

Hindi nya totoong pangalan yan, imbento nya lang yan nung isang beses na may nagpakilala samen sa bar.  Wala syang choice kundi palitan pangalan nya, eh ang gwapo nung nagpakilala.

Ang panget kase ng tunay nyang pangalan, Dionisia.  Haha.  Parang hindi napagisipan ng nanay nya nung iniluwal sya. 

Sabi ko nga sa kanya, Diona na lang, (pronounced as Di-yo-na) maganda naman pakinggan.  Eh ayaw talaga baka tanunungin pa daw kung anu full name.  Eh di rest the case na lang ang peg ko.

"Wag ka nga dyan magulo Armida Seguion Reyna, kumanta ka na lang.  Ayan oh, susunod na yung Aawitan kita" pang de-deadmang sagot nya.  Sabagay, maganda yung susunod na kanta.  Favorite ko to, excuse me hindi "Aawitan kita", Skyscraper kaya.

"Bessie, ano na? bukod sayo may umaawit din saken para mag committee sa reunion naten.  Samahan mo na ko" biglang sabi nya habang bumebwelo na ko sa chorus.

Eto naman ang time kong deadmahin sya.  Hello? Gusto lang nya ipag-drive ko sya.  Ginawa pa kong driver.

"Sige na, Lorraine, mga two hours lang yun.  Pag lumagpas dun ililibre kita ng Starbucks" makulit na sabi nya habang nakaharang sa TV.  Napatigil tuloy ako sa pagkanta.

"Ay naku, mahirap maging committee kala mo ba.  Magso-solicit pa kayo para may gastusin tayo sa program.  Wag ka nang mag committee, okay na yung aattend lang tayo" pangse-sermon ko sa kanya habang nasaken pa mic, sabay hawi sa kanya.....You can take everything I have, you can break everything I have, like I'm made of glass.... (hindi ako mapipigilan sa chorus na 'to!)

"Naka-oo na ko eh, Sali ka na lang din sa committee, Miss Junior ka naman dati.  Anu sinabi ni "Gigi the Valedictorian" sa Best in talent, Best in long gown, Most promising young girl award na nakuha mo lahat sa isang gabi lang? Nahanap mo nga si Crispin at Basilio, ang tagal hinanap yun ikaw lang nakakita" pang-aasar na banat nya. 

Hay pinaalala pa.  Eto ang ayoko sa highschool reunion eh, walang katupusang pag-uusapan ang mga kalokohan, kabulastugan at kagagahan nung bata pa kameng lahat.  Buti nga nagsawa na kame ni Dionisia, este, Keysha, na pag-usapan yun.  Adult na kame, marami nang nagbago.

Pero may isang hindi ako makakalimutan sa highschool,... Lahat naman siguro tayo may crush nung highschool, yung masasabi mong "the one that got away" (ang arte)

Crush sya ng karamihan.

Ang escort ko nung Miss Junior ako (pinilit lang sya ni Keysha)

Ang team captain ng basketball team, at higit sa lahat..

Ang Salutatorian sa batch namen.  Lahat nasa kanya na, bukod sa matalino sya, ang gwapo at matangkad. Or as we refer to, nung time na yun - tall, dark and handsome.

Pupunta kaya sya?

Maalala pa kaya nya ako? Napangiti kong pag-alala.

"Wait, bakit nakangiti ka? Naalala mo si "Michael Jordan" noh? Si number 23? Uuuuyy.. hanggang ngayon crush mo pa din sya?" ang sabi ni Keysha habang kinukurot nya ko sa braso. 

Masakit ang kurot nya ah, kaya tinulak ko sya ng palayo.

"Aray, hayup tulak mo ah, may bitterness" pangbubuyo ni Keysha.

Masama bang maala ang ultimate crush mo? Yung napapatigil ng oras mo pag nakita mo sya. 

Yung tipong kuntento ka na titigan lang sya habang nakikipag tawanan sa mga kaibigan nya. 

Pag napatingin sya sa dereksyon mo, bigla kang tutungo sa librong hawak mo pero yung mata mo sa di maintindihang kadalihalanan eh nakikita mo pa din na nakatingin pa sya sayo? 

Habang feeling mo nakatingin pa sya sayo may sasabihin ka sa katabi mo na wala namang ka kwenta kwenta sabay turo sa page ng librong hawak mo.  Tapos isasagot lang sayo ng kaibigan mo, "HUH? Baliw ka ba?" tapos tatawa ka para kunwari masaya ka. 

Baliw nga yata ako. 

Mula highschool hanggang ngayon, baliw pa din ako sa kanya.  Sana makita ko sya. 

"Huy, Earth to Lorraine??!! Or should I say Paul to Lorraine?" panlalaki na matang sabi ni Keysha saken, may point sya.  Nawawala ako pag si Paul Michael pinag-uusapan. 

The boy who got away. 

Arte. 

I don't even know kung naging kame.  Ang gulo I swear! Gusto nyo i-kwento ko? Madali naman ako kausap, ganito kase yun.

San na nga ba sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon