Prologo

84 2 0
                                    

CINDY MADRID'S POV

"S-Sinasagot mo na talaga ko?" napakagwapo talaga niya kahit saang anggulo mo tingnan. Napakaswerte ko talaga at ako ang mahal niya.

"Oo." tumatangong ulit ko. Kitang kita sa mata niya kung gaano siya kasaya. Mahal na mahal talaga niya ako.

"Yes!" binuhat niya ako at inikot ikot. Tumawa ako ng malakas habang ginagawa niya iyon.

"Ano ba! Ibaba mo na ako! Hahaha!" natatawang sabi ko. Sinunod naman niya ako at tinitigan muli.

"Mahal na mahal kita." namamaos niyang sabi nang may punong punong pagmamahal sa kanyang mga mata. Dinikit niya ang mukha ko sa mukha niya. Tinititigan lang namin ang isa't isa. Napangiti kami nang magtama ang ilong namin. Napakakulit talaga niya kahit kailan.

"Mahal na mahal din kita charles." pagkasabi ko nun ay hinalikan niya ako sa labi. And that was my first kiss.

--

Napabangon ako. Napaginipan ko na naman siya. Napangiti ako ng mapait. Ilang taon na ba ang nagdaan nang huli ko siyang makita? Apat na taon na ata. At miss na miss ko na talaga siya.

Napabuntong-hininga ako. At umiling. Napakatagal na nun pero di pa din ako nakakamove on. 'Dapat ko na siyang kalimutan' bulong ko sa isip ko. Pero may isang parte ng aking puso na tumututol na gawin ko iyon.

Tumayo na ako at tumigil sa pag-iisip. May pasok pa ako ngayon, kaya kailangan ko ng bumangon. Baka ma-late pa ako sa first class ko at magalit pa sa akin si prof santiago. Napakasungit pa naman nun! Matandang dalaga kasi.

Nagsimula na kong mag-ayos ng aking pinaghigaan. Na dati ay hindi ko ginagawa. Gawain kasi ito ng mga katulong namin dati. Oo, may katulong kami. Pero dati lang yun.

Four years ago, ako si cindy madrid na mayaman at bully. Noon, ako si cindy na anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong pilipinas. Pero ngayon? Ibang iba na ang buhay ko. Kasi ako na ngayon si cindy madrid na mahirap at laging inaapi. At anak na lamang ng isang janitress at waiter.

Paano nangyari iyon? Maniwala man kayo o sa hindi, bumagsak ang lahat ng negosyo ng mga magulang ko. Napakaimposibleng mangyari nun kasi ang mga magulang ko ay madidiskarte at matatalino. Nakapagtapos din sila sa magandang university. Pero sa isang iglap lang ay nawala lahat ng pinaghirapan nila. Nawala lahat ng pinagpagudan nila.

Hindi na rin sila matanggap sa kahit anong kumpanya kahit na college graduate sila. Banned sila sa lahat ng matataas na trabaho kaya hanggang janitress at waiter nalang ang nakuha nila.

Napasinghap nalang ako nang maalala ang mga nangyari sa amin sa loob ng apat na taon na iyon. Napakibit balikat ako nang matapos akong magligpit. Dumiretso na ako sa banyo at nagsimula ng maligo.

--

Naabutan ko si mommy na nagbibihis ng kanyang uniform pantrabaho. Akalain mo ba naman? Isang ginang na may-ari ng kumpanya noon ay ngayo'y janitress nalang. Ginang na sanay sa airconditioned na opisina ay tagapunas nalang ngayon ng sahig?! Napakaimposible talaga ng tadhana.

"Hi princess. Go eat now. There is your breakfast." turo ni mommy sa lamesa nang mapansin ang presensya ko sa likod niya. Naglakad na ako papuntang lamesa at nagsimulang kumain.

"Eat well, alright?" malambing na sabi ni mom. Kahit kailan talaga itong si mommy, english pa din ng english. Mantakin mo ba naman na isang janitress ay ganito kagaling mag-english?!

Tumango ako at ngumiti. "Nasaan si daddy? Pumasok na po?" nagpalinga linga ako para hanapin si dad pero mukhang wala na talaga siya dito.

"He's on work na." sagot ni mommy nang matapos sa pagtatali ng kanyang mahabang buhok. Sunod naman niyang inayos ang kanyang mukha. Naglagay siya ng light make-ups. Kahit janitress lang si mommy sa isang hotel, gusto pa din niyang magtrabaho ng presentable ang itsura niya. Dun kasi sya nasanay.

JUST THE WAY YOU ARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon