Chapter one: HIM
CINDY MADRID'S POV
"Oh bakit tulala ka dyan?"
"Hey cinds."
"Yuhooo. Di mo ba ko naririnig?"
"Hey!" nagulat nalang ako nang biglang sumigaw si megan. Napatingin ako sa kanya.
"B-Bakit?" tanong ko. Kumunot lalo ang noo niya.
"Kanina pa kita kinakausap. Winagayway ko na yung kamay ko, kinalabit na kita, di ka pa din sumasagot. Ano bang meron?" nagtatakang tanong ni megan habang tinititigan ako.
"W-Wala." umiling ako at binalik ang tingin sa bintana.
"Baba muna ako sis. Pahinto mo yung kotse. Next time nalang kita samahang mag-mall." sabi ko. Mukha naman akong narinig ng driver ni megan kaya bumaba na ako.
"Wait sis! Baka wala kang masakyan dyan." habol pa nito pero di ko nalang pinansin. Dali dali akong naglakad palayo mula sa sasakyan niya at naghanap ng masasakyan. Lutang na lutang ako. Di ko alam kung bakit ako nanghihina ng ganito.
Nang may dumaang tricycle sa harap ko ay agad ko itong pinara. "Sa vicente subdivision kuya." sabi ko tapos pumasok na ako sa loob.
Buong biyahe ay wala akong ginawa kundi ang tumulala. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Ang lalaking nakabungguan ko kanina. Ang lalaking natapunan ko ng kape.
Siya yung lalaking minahal ko at tinaboy four years ago. Siya si CHARLES MERCADO.
Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa din ako. Bukod kasi na di niya ako kilala ay mukhang napakayaman pa niya!
--
"Bakit ba--- IKAW?!"
"IKAW?!"
sabay pa namin sigaw. P-Paanong nangyari yun?! Anong ginagawa niya dito?!
Galing sa pagkakakunot ng noo niya ay tiningnan niya ako ng blangko. At parang kinikilala ako. Napakalakas ng tibok ng puso ko at kung bakit ay dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon.
"Miss, alam mo ba kung sino ako?" mahinahong tanong nito sa akin pero napakatalim ng tingin niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto kong tumango at sabihing 'Oo. Kilala kita. Kilalang kilala. Kasi-- ikaw yung taong mahal na mahal ako four years ago'
"Damn! Im charles garcia! And look what you did to my shirt! You ruined it! You stupid!" malakas na bulyaw nito sa akin. Nakapako lang ang tingin ko sa kanya. Napakagwapo niya pa din. Pero sa tingin ko-- ngayon, mas gumwapo pa siya. Mas lumaki ang katawan niya. Mas naging maporma. At amoy na amoy ko ang mamahaling pabango na sigurado akong galing sa kanya. Pero teka-- siya daw si charles garcia? Hindi garcia ang apelyido niya kundi mercado. P-Paanong nangyari yun?
"What? Titingnan mo nalang ako?! Tsk." sermon pa muli nito sa akin. Sandali pa niya ako pinukol ng galit na tingin pero saglit lang din ay umalis na siya. Iniwan niya ako dun at nilagpasan na parang wala kaming relasyon noon. Nanatili akong nakatulala lang sa kawalan at nakatingin sa lugar kung saan siya nakatayo kanina.
--
"Miss miss, dito ka na." nakasilip na sabi sa akin ng driver. Napabalik ako sa realidad. Kumuha ako ng barya sa bag ko at nagbayad na. Nang makapagbayad, ay bumaba na ako sa tricycle.
Agad agad akong pumasok sa bahay. Wala pa sila mommy and daddy. Syempre, 4pm palang. Malamang wala pa talaga dito yun. Maya mayang 7 or 8pm pa darating yun.