Chapter two: Punishment
CINDY MADRID'S POV
"Ma! Para po!" sigaw ko nang matanaw na ang university. Huminto ang jeep. Bumaba agad ako at nagmadaling pumunta sa gate ng aming university. Itinapat ko ang id ko sa isang machine dun, bumakas ang gate at patakbo akong pumasok.
Napaka-aga pa para ma-late ako. Sinadya ko lang talaga na maagang pumasok. Natatakot kasi akong baka magtagpo muli ang landas namin dito. Base pa naman sa id na suot niya kahapon nang magkita kami ay mukhang dito na siya nag-aaral.
Naglalakad ako ng mabilis nang may humawak sa braso ko. Hinila niya ako. Tiningnan ko ang likod niya habang hila nya ako. At kung hindi ako nagkakamali ay siya ito. Si charles garcia.
Napakunot ang noo ko. Bakit niya ako hinihila? Saan niya ako dadalhin? Tiningnan ko kung nasaan na kami. Parking lot. ANONG GINAGAWA NAMIN DITO?!
Nasagot ang tanong ko nang bigla siyang huminto at ipinasok ako sa isang ferrari na kulay pula. Dinala niya ako sa shotgun seat. Umikot naman siya at pumunta sa driver's seat.
Naguguluhan ako sa nangyayari. Pero kung bakit di ako pumapalag sa ginagawa niya, ay hindi ko alam.
"So.." narinig kong sabi niya. Napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa harap ng sasakyan pero di niya ito pinapaandar. Sa tingin ko, di naman niya gagawin iyon. Nakahawak siya sa manibela at mukhang iniisip ang sunod na sasabihin. Tumingin siya sa direksyon ko dahilan upang mag-iwas ako ng tingin.
"What's your name stupid woman?" nakataas na kilay na tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko sa tanong niyang iyon.
"D-Di mo ko kilala?" sa wakas, nahanap ko na din ang boses ko at nakapagsalita na ako. Mas lalong tumaas ang kilay nya ng marinig ang tanong ko pabalik.
"Shall i?" iritang tanong nito sa akin. Yumuko ako at marahang umiling.
"Hindi ka man lang ba sasagot?" irita muling tanong nito sa akin at inis na tiningnan.
"Im cindy.." sagot ko kasi ayaw ko ng mas magalit pa siya sa akin.
"Cindy? So lame." parang nandidiring sabi niya. "Well by the way, i want you to know na nakaisip na ako ng punishment for you." nakangising sabi nito. Pero hindi yung dating ngising nakakapagpakilig sa akin noon. Ang ngising iyon ay mapanganib.
"W-What?" nagtatakang tanong ko. Kumunot ang noo ko at hinarap siya.
"Are you deaf? Sabi ko may naisip na akong punishment para sayo." naiinis pa niyang ulit habang pinaglalaruan pa din ang manibela ng sasakyan niya.
"Punishment? Para saan?" tanong ko pa ulit. Inis niya akong hinarap. "Remember? About your coffee?" naiinis na paalala nito sa akin.
Tahimik akong yumuko ulit at nanahimik. Mukha namang naramdaman niya na hinihintay kong marinig ang sinasabi niyang parusa kaya napatikhim siya.
"Be my slave for one month. Then we will be quits." seryosong pahayag nito. Napalingon ako sa kanya.
"ANO?!" sigaw ko nang mag-process sa utak ko ang sinabi niya. "Hell no!" dagdag ko pa at pinag-ekis ko ang mga braso ko at ginusot ang noo ko.
Gagawin niya akong alipin?! IN ONE MONTH? Nababaliw na ba siya?! Nang dahil sa natapunan ko siya ng kape, paparusahan niya na ako ng ganun?!
"Hell no? Haha. Bakit di ka papayag?" sarkastikong sabi nito sa akin.
"At bakit naman ako papayag ha?" hinarap ko muli siya at tinaasan ng kilay. Porket mahal ko siya papayag akong magpa-alipin sa kanya? Teka-- mahal ko siya? Ugh. Wala akong inisip na ganun ha!