Nang makarating kami ng Hospital, hinalikan ko sa pisngi si Ash at bumaba na nang sasakyan.
Nakita ko ang sunod sunod na ambulansya. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong wala na naman akong pahinga.
"Doc! Kamusta? Tapos na operation?" tanong ni Doc Louisa.
"Oo. Nakakapagod." sagot ko sa kanya at naupo sa tabi niya.
Sobrang daming pasyente ngayong araw dahil sa banggaan na naganap. Miss ko na si Ash. Hay, sana maaga ako makauwi ngayon.
Napalingon ako sa entrance ng hospital, napakunot ang noo ko ng makita ko si Ash na may buhat na babaeng walang malay. Hindi ako nag-dalawang isip na lapitan sila.
"Love. Anong ginagawan mo dito? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"May banggan kanina, tapos nakita ko siya na duguan. Muntik ko na nga siya masagasaan, pero bigla na lang siya nawalan ng malay."
Lumipat ako sa kanila. Tiningnan ko ang babae. Ang dami niyang sugat at pasa. Gulo gulo ang buhok pati ang dumi niya, hindi mo maintindihan ang itsura pero ng tingnan ko siya sa mukha ay maganda siya, pata siyang prinsesa na natutulog.
Itinuro ko kay Ash kung saan niya pwedeng ihiga ang babaeng bitbit niya. Agad ko naman inasikaso ang babae dahil baka ma-infection ang mga sugat niya. Nilinisan ko na din siya at grabe ang ganda niya lalo nakakatibo. Lumabas ako ng silid upang makausap si Ash.
"Good job Love." sabi ko sa kanya at yumakap.
"Wala yon Love." sagot niya.
"Sige na ako na bahala sa kanya. Pumasok ka na." he kissed me in my cheeks.
Kumaway siya sakin at saka umalis sa hospital. Napatingin ako sa kasama ko na nakatingin din sa palayong si Ash. Sinilip ko yung babae ng mawala sa paningin ko si Ash. Grabe para siyang sleeping beauty tsaka ang gaan ang loob ko sa kanya unang tingin ko palang. Lumabas ako ng ward upang bumalik sa pwesto ko. Nakita ko si Louisa at Harold sa iniwanan kong pwesto kanina.
"Sino yung babae kasama ng boyfriend mo?" naka-kunot na tanong ni Isa sakin habang si Harold na nakakatitig sakin ng malalim.
"Nakita lang ni Ash malapit sa banggan kanina. Muntik na daw niya masagasaan at nawalan ng malay." ani ko sa kanya.
"Oh akala ko babae niya." natatawang sabi ni Harold.
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Loyal sakin yon no tsaka mukha bang babae niya yon?"
"Osya oo na loyal na siya. Lagi mo nalang pinagtatanggol samin yan. Binibiro ka lang naman." sabat naman ni Isa.
Hinayaan ko na lamang sila sa pang iinis sakin. Walang araw silang hindi ako ininis. Parang di sila mabubuhay na hindi ako inaasar.
----
Makalipas ang maghapon kong duty binalikan ko yung babae sa ward. Nakita kong gising na siya tsaka ako lumapit."Hi. My name is Doc. Gianna." nakangiti kong bati sa kanya.
"H-hello" nahihiyang bati niya at base sa expression niya nagtataka siya sa paligid niya.
"Nasa ospital ka. Pwede ka ng maka-uwi mamaya dahil na-gamot ko na ang mga pasa at sugat mo." sabi ko at naupo sa tabi niya.
Nagtaka naman ako sa inasta niya. Napansin ko din na nanginginig at kinakabahan siya.
Hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat siya at nahihiyang tumungo.
" Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kanya.
"U-uhmm, p-pwede bang sumama muna ako sayo? Doon ko na lang sasabihin kung bakit?" mahinang sabi niya.
"Hindi ka ba hahanapin ng magulang mo?" tanong ko sa kanya.
Umiling lamang siya. Tatayo na sana ako ngunit kumapit lang siya sakin. Tiningnan ko siya at nakikita kong natatakot siya sa paligid niya.
"Sige. Doon ka muna sa bahay. Sabihin mo lahat sakin para matulungan kita.
"Salamat." lumapit ako sa kanya para alalayan siya.
Naglakad kami papalabas upang sumakay sa jeep. Tinanong ko kung anong pangalan niya at edad niya habang bumabyahe kami. Nalaman ko na mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon kung 27na ako 25 pa lang siya at Lorraine ang name niya. Pumara ako ng makarating kami sa kanto.
"Anong gusto mong ulam?" nilingon ko siya habang hinahanap ang susi ng bahay.
"A-adobo" sagot niya.
Tumango ako sa kanya at binuksan ko ang pinto para makapasok kami. Ibinaba ko ang bag na dala ko at dumiretso sa kusina para magluto. Matapos akong magluto ay tinawag ko na si Lorraine para makakain na kaming dalawa at makapag pahinga.
Tahimik kaming kumain dahil parehas kaming gutom at pagod. Matapos kaming kumain nagsabi siya, na siya ang maghuhugas ng kinainan namin. Tumango ako at pumunta sa kwarto upang bigyan siya ng extra kong damit at underwear na di pa nagagamit.
"Lorraine ! Eto mga damit hindi ko pa yan nagagamit pati yang underwear. Maligo ka na, para makapag pahinga ka. Dito ang kwarto mo katabi ng kwarto ko. Kapag may kailangan ka, kumatok ka lang "
"Sige, salamat " sagot niya at dumiretso sa banyo.
Nilingon ko ulit siya at tinawag "Lorraine! Bukas nalang tayo magusap tungkol sayo ah? para makapag pahinga ka muna." sabi ko sa kanya.
"Sige Gianna. Maraming salamat." nakangiting sabi niya.
Pumasok ako sa kwarto upang makapag linis din ng katawan. After a few minutes of taking a shower, lumabas ako ng bathroom. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Ash.
"Love!" sabi ko ng sagutin niya ang tawag.
"Yes love?"
"Uuwi ka ba ngayon? or sa condo ka?" tanong ko habang nagpapag-pag ng higaan.
"Sa condo muna love. Parang di ko na kaya mag drive sa dami ng inasikaso ko ngayon." sagot niya. Nahihimigan ko talaga ang pagka pagod niya ngayong araw.
"Okay love. Ingat ka. Kumain ka din ng dinner okay? I love you."
"Yes po love. I love you too."
"Okay. Goodnight Love."
"Goodnight Love. Sweet dreams." at binaba ko na ang tawag pagtapos.
Hay mahaba habang trabaho na naman bukas. Inayos ko na ang higa ko. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
-----
✨
YOU ARE READING
Till My Heartaches End
RomanceHi! This is my first time to write a story. I hope you like it. Gianna Madeline Ortiz is a nice and very kind doctor but can she handle her heart? Kakayanin niya ba ang mga pagsubok na dadating sa buhay niya? She wants to be love but everything wen...