Prologue

21 2 10
                                    


Bakit nila nagawa sakin to! Naging mabait naman akong kaibigan at girlfriend pero tangina bakit ganito?

Nakita ko yung babaeng kinaibigan ko dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya, pero niloko lang pala ako pati ang taong minahal ko.

Nakita ko sila. Hinalikan ng boyfriend ko yung kababata niya na first love niya. Kitang kita ko din ang mga kaibigan ko na masaya sila sa nakita nila.

Sinubukan ko tawagan si Ash, nagring ang kanyang cellphone, kinuha niya ito at tiningnan lamang niya ito hanggang matapos mag ring.

Lumabo ang paningin ko dahil sa luha na lumabas sa aking mga mata.

Tinawagan ko di si Adam, Ivan, Jordan at Tine pero di din nila sinasagot nakita na pinatay nila ang cellphone nila dahil di na ako nakatawag pang muli.

Hindi ko kinaya yung pang loloko nila sakin. Ano bang naging kasalanan ko sa kanila? para gawin nila sakin to!

Lumayo ako sa bahay na yon. Yung bahay na yon yung ipinangako sakin ni Ash kapag kinasal na kami pero sa ibang tao niya pala tutuparin.

Ano bang mali sakin? Lahat nalang ng taong mahal ko iniwan ako. Sobrang sakit. Akala ko sasaya ako ngayong araw dahil birthday ko ngayon. Ang ganda ng surprise nila. Ang sakit nila magmahal.

Till My Heartaches EndWhere stories live. Discover now