KANINA pa ako hindi mapakali rito sa sasakyan at hinihintay ang kapatid ni Ali, si Clarence. Kasabay ko kasi ito pumasok ngayon. Ali and I are not in the same batch. She's in college while her brother and I are both in 12th Grade. But we go in the same school, though. Kung close kami ni Ali, mas close ko naman itong kapatid niya at dahil nananalaytay ang dugo ni Ali sa kaniya, parehas silang mabagal kumilos.
"Clarence, let's go!" Sigaw ko habang nakasilip sa may bintana sa passenger's seat. Takte kasi, almost thirty minutes na akong naghihintay sa kaniya pero hindi pa rin siya tapos sa pag-aayos ng sarili. "First day na first day ha, ayokong ma-late."
"It's still early, Lill. Chill ka lang," He butted and opened the door in the driver's seat. Maarte pa nitong hinawi ang buhok at tiningnan ang ayos ng buhok sa rear mirror.
"You look good na. So, drive?" Nginuso ko ang manibela, giving him a hint.
Natawa naman siyang tumango. "Okay, master," He joked and started the engine. "By the way, may kasabay pala tayo ah." He stated as he maneuvers the car.
Tumango-tango lang ako at sumiksik sa gilid saka sinandal ang ulo ko sa may bintana. Medyo makulimlim ang kaulapan at nagba-badya pang umulan. Ganitong first day tapos tag-ulan agad, tsk.
Binuksan ni Clarence ang radio to play some music. Pumikit muna ako at ninamnam ang bawat sandali sa loob ng sasakyan.
Bigla namang nag-replay sa utak ko 'yung mga ganap no'ng birthday ng tito namin, two weeks ago. It was a blast, indeed. After our performance, hindi na ako nagpakita sa tatlong magkakapatid. Todo iwas talaga ako sa kanila especially to Freen. I don't like the way I feel whenever she's near with me kasi. I get so nervous and there's always these weird feelings whenever she's around. Ay basta, hindi ko nagugustuhan 'yung mga early signs. I don't want that feelings.
Hanggang sa makauwi sila ay nalaman ko na lang na hinahanap pala nila ako para sana raw magpaalam pero hindi na talaga ako nagpakita pa sa kanila and when I got home, I received a friend request from ate Diana and ate Sheena. In-accept ko rin naman agad friend requests nila. Hindi naman ako famous para i-ignore sila 'no pero ba't hindi pa nag-send ng friend request 'yung isa? Hmp.
"Huy, Lill. Umayos ka na nga," Turan ni Clarence na tinatapik-tapik ako sa braso. "Ate Freen's already here, p're."
Para naman akong binuhusan ng tubig at hindi magkanda-ugaga sa pag-upo. What the ef? Siya ang kasabay namin? Huh?
"Hello again, Lillian." I heard a sweet voice that made my heart falter. I was just thinking about her and now she's already sitting at the back, smiling from ear to ear.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at ngumiti ng tipid. She looks adorable in our uniform. Black blazer, white long sleeve, black necktie, knee-length skirt, and black shoes. Wait-- same school kami ng papasukan? What the ef?
"Oh, h-hey." I replied, stuttering and blushing. BLUSHING?
Mabilis akong humarap at tinalikuran ito nang makasakay na rin si Clarence na agad ding nagmaneho matapos ang maikling batian naming tatlo.
Dalawa lang silang nag-uusap buong biyahe habang ako naman ay nagpapanggan na tulog pero nakikinig talaga sa kanilang dalawa.
"Are you guys going to stay here for good na ba, ate Freen?" Clarence asked with his eyes on the road.
"I hope so. Ang hirap din kasi ng palipat-lipat e. Buti nga't naihabol pa ako ni Ali sa enrollment kundi pahirapan pa ako sa paghahanap ng papasukan," Sagot naman ng isa.
Oh, Ali didn't mention that her friend, Freen will going to be our schoolmate. Sabagay, sa huli ba naman kasi naming pagsasama, kung umasta ako ay parang ayoko talaga sa kaibigan niya e.
YOU ARE READING
Right Here Waiting
Romance"Whatever it takes or how my heart breaks, I will be right here waiting for you." raw story.