Part I: [1/4]

54 0 0
                                    

TAGAKTAK na ang pawis ko kabubuhat ng mga monoblock chair at ina-arrange ko pa ito. Birthday kasi ng tito ko kaya ito, busy'ng-busy ang lola niyo.

I wiped my sweat off before carrying another set of monoblocks.

"Hey, Lil. Why don't you take a break first? Haggard mo na e," My cousin Ali teased and threw bottled water at me, catching me by surprise. My goodness, this woman!

"Takte ka," Asik ko rito at naiiling na lang na binuksan ang bottled water. "Saglit lang ha. Hiyang-hiya kasi ako sa'yong fresh na fresh pa," Sarkastiko kong tugon at naupo muna sa sulok.

"Fresh pa naman talaga ako," Ngisi niya pa at maarteng hinawi ang buhok.

Totoo namang fresh pa rin talaga siya kahit kanina pa nag-aayos ng mga table at pabalik-balik sa loob. Pinaglihi ata 'yan sa Johnson's Baby Powder. Magka-dugo naman kami pero bakit siya fresh na fresh pa rin at ako mukhang pini-prito na rito? Unfair talaga ng mundo.

Kasalukuyan akong nagpapahinga nang may tumawag ng pangalan ng pinsan ko sa labas ng gate kaya agad nitong binaba ang hawak na kurtina at aspili para papasukin ang kung sino mang nasa labas. Siya kasi ang nagco-cover ng mga table at feeling birthday coordinator ang pinsan ko.

"You guys are too early. The party starts at 3 o'clock though," Sabi ni Ali matapos papasukin ang tatlong babaeng sa tingin ko ay hindi nagkakalayo sa edad namin.

"Your mom told us to come early to help you guys here," The woman with shoulder-length hair said. Halos masinag naman ako sa kutis nito na parang porselana. Wow, so pretty!

"That's so thoughtful of you guys," Ali mused, clapping her hands. "Saktong-sakto dating niyo, ate Sheena. Inutusan kasi sila Clarence kaya dalawa lang kami ng pinsan ko."

"Ano pa bang need ayusin?" Tanong naman ng isang babae na morena na sa tingin ko ay pinaka-matanda sa kanilang tatlo.

"Magpalit kaya muna kayo, ate? Para hindi mapawisan 'yang suot niyo," Ali offered.

I know all Ali's friends because we've been close since diaper but this is the first time that I met these friends of hers. Amoy expensive pa ang mga friends niyang 'to.

"Sheena and I are good but I think Freen wants to change. Kanina pa 'yan naiirita sa suot niya e," Natatawang pinagkanulo ng older sister 'yung kanina pang naka-busangot na maliit na babae sa likod. I just assumed that they're all sisters since I heard the mestisa girl called her 'ate Diana'.

I can't help but scan this cute size girl who's wearing a knee-length puff rosy dress. Morena rin ito at may pagkaka-hawig siya sa older sister pero mas maganda at sweet 'yung mukha niya. Kanina pa nito hinihila 'yung suot niya, siguro naiiklian. Mukha tuloy siyang bata sa inaasta niya.

Siya lang pala kasi ang naka-dress sa kanilang tatlo habang 'yung dalawa ay mukhang comfy naman sa suot nila.

I giggled when she stomped her feet in annoyance. She's so cute!

Napansin siguro nito na kanina ko pa siya pinapanood kaya tumingin ito sa direksyon ko kaya natataranta akong napaiwas ng tingin. Napatayo pa ako sa gulat kaya ang apat na babae ay napalingon sa'kin.

"Lil, come here. Pakilala kita," Ali waved her hands, motioning me to come.

Umiling naman ako at ngumiti lang ng tipid. Lalakad na sana ako palayo pero lumapit na ito at hinila na ako.

Gusto kong sikmuraan itong pinsan ko nang iharap ako sa mga friends niyang amoy balikbayan box.

Nahihiya naman kasi ako na mukhang haggard sa suot kong plain black spaghetti strap sando na naka-tucked in sa high-waist kong maong shorts. Idagdag mo pa na naliligo ako sa pawis tapos sila ang gagara ng mga suot.

Right Here WaitingWhere stories live. Discover now