Part III: [3/4]

23 0 0
                                        

WEEKS have passed, Freen and I are getting closer each day. Mas madalas ko na nga siyang kasama dahil ang mga pinsan ko ay busy'ng busy sa papalapit na intramurals.

Sa tuwing may training naman ako, madalas ay hinihintay niya ako o kaya naman tatambay sa labas para gumawa ng school works niya while waiting for me. Kaya kahit busy ako, may time pa rin kami to bond.

At dahil wala kaming training ngayon, I decided to wait for Freen. Nandito ako sa labas ng room nila at nags-scroll sa TikTok, pampalipas lang ng oras.

"Lillian?"

Agad naman akong napaangat ng ulo nang marinig ang boses ni ate Sheena. Nakasukbit ang bag nito sa kaniyang kanang balikat at nakangiti.

"Hi, ate Sheena." Ngiting bati ko. Oo nga pala, dito rin siya nag-aaral."Wala ka ng class?" Tanong ko pa.

Naupo naman ito sa tabi ko at umiling. "They decided to cut the class since most of the students are busy preparing for the acquaintance party," She replied. "Ikaw? Sinong hinihintay mo? Si Freen?" Sunud-sunod naman niyang tanong na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ha? H-hindi ah. Nagpapalipas lang ako ng oras," Pagsisinungaling ko at napaiwas ng tingin.

Tiningnan naman ako ni ate Sheena na may pagtataka at narinig ko na lang ang mahinhin nitong pagtawa. "Do want to grab something to eat? My treat," Tumayo na ito at hinintay ang sagot ko.

Pasimple muna akong tumingin sa bintana ng room nila Freen at mukhang may ina-announce pa ang teacher nila kaya tumango na lang ako sa paanyaya ni ate Sheena.

Tumayo na ako dala ang bag ko at bago pa man kami makaalis ay siya namang labasan nila Freen pero nagpatuloy lang kami sa paglalakad kahit na labag sa loob ko ang hindi ito makasabay.

"Ano nga ulit strand mo, Lill?" Baling ni ate Sheena sa'kin habang naglalakad kami palabas ng gate.

Pasimple pa akong luminga at hinahanap ng mga mata ko si Freen pero biglang nagsalubong ang kilay ko nang makita itong nakikipagtawanan kay Lowell na tinutulungan siya sa pagbubuhat ng ilang libro niya.

"ABM ba tinake mo?" Tanong ulit ni ate Sheena.

"HUMSS," Tipid kong sagot dito at nilingon ulit sila Freen na ngayon ay masaya namang nagku-kwentuhan. Happy 'yarn? Tss.

Napansin na rin siguro ni ate Sheena na kanina pa ako balisa kaya napalingon din siya sa direksyon na tinitingnan ko.

Bumalik ang tingin sa'kin ni ate Sheena na may nakakalokong tingin. Uh-oh, I don't like that smile.

"Crush mo?"

Muntikan naman akong madulas sa naging tanong nito. "What? No!" Taranta kong sagot at binilisan ang paglalakad. Ako? Crush ang kapatid niya? Pfft.

Akala ko nalagpasan ko na ang kalbaryo ko pero gusto ko na lang talaga magpalamon sa lupa nang tawagin ni ate Sheena ang dalawa with matching kaway pa ng kamay.

Nakuha agad ni ate Sheena ang atensyon nila at lumapit sa'min. Halata naman ang gulat ni Lowell nang makita ako at 'yung isa naman ay dinaanan lang ako ng tingin. Oh, bakit bigla siyang nawala sa mood? Panget kasi ni Lowell e.

"Sama kayo. Kain tayo sa labas," Paanyaya ni ate Sheena na ikinanlaki pa ng mga mata ko. Bakit bigla niya pang niyaya 'tong dalawa? Mukha naman silang nagkakatuwaang dalawa e.

"Hindi na ate. Ayaw naman ata ni Lillian," Freen snorted. Na-sense ko naman na mukhang hindi na maganda ang timpla niya pero binalewala ko na lang muna.

Napatingin naman sa'kin sila ate Sheena at Lowell kaya mabilis akong umiling. "H-huh? Okay lang," Sinulyapan ko saglit si Freen pero walang ekspresyon ang mga mata nitong nakatingin sa'kin. May problema kaya siya?

Right Here WaitingWhere stories live. Discover now