Until now I'm asking myself bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko? Since we're young magkasama na kaming dalawa pero bakit ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito? Hindi kaya tama ang sinabi ni Ate Myrna? Hindi kaya may gusto na ako kay Clinton?
"Noooooo!" I shouted as my hands covered my ears.
"B-bakit po?" One of our nani asking.
Imbes na sumagot ay umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain, baka hindi ko na mahigop ang sabaw ng sinigang kapag lumamig ito. Pagkatapos kumain ay dumeretso agad ako sa kuwarto para magbihis at mag-ayos ng sarili, ngayon ang graduation namin. Ang araw na pinakahihintay ko.
"Are you ready?" Tanong n ni Suzy, bakas sa boses nya ang labis na saya at pagka-sabik. Malapad naman akong napangiti kasunod ng pag-tango, sumenyas ako kay Suzy na bigyan nya ako ng straw para mainom ko ang tubig "Oo nga pala, may nakuha na akong photographer para mamaya." Masaya nyang sabi.
"Talaga?" Excited na tanong ko, tumango naman s'ya "Sino?" Dagdag ko pa bago muling uminom.
"Si Clinto—"
Hindi pa man nya natatapos ang sasabihin ay naibuga ko na agad ang tubig na iniinom ko, hindi ko ba alam kung bakit bigla na lang akong nasamid ng banggitin nya ang pangalan ng kaibigan ko. Nagtatanong pa akong tinitigan ni Suzy pero dinedma ko na lang, ayaw kong mag-kuwento sa kanya dahil alam kong gagawan na naman nya 'yon ng malisya.
Pagkatapos akong ayusan ay agad na kaming nagtungo sa campus, traffic kaya medyo nagtagal kami mabuti na lang at alas dos pa ang umpisa ng program. Eksaktong pagkadating namin dito sa campus ay narito na rin ang mga magulang ko.
"Ang ganda naman ng prinsesa ko!" Papuri ni Daddy, malapad na ngiti naman agad ang kumurba sa labi ko.
"Thank you po!" Si Suzy, napatingin tuloy ang lahat sa kanya "Hindi po kasi marunong mag-thank you ang anak nyo kaya ako na lang," natatawa n'yang sabi.
Lumipas ang ilang minuto at nagsimula na nga ang seremonya, si Daddy ang nag-akay sa akin sa stage para mag-martsa, si Mommy naman ay naroon lang sa dulo nanonood at sumisigaw pa, proud na proud syang sinasabitan ako ng medalya.
"Anak ko 'yan!" Si Mommy sa mataas na boses, mas lalo tuloy lumalakas ang palakpakan ng mga tao dahil sa ginagawa nya.
"Proud na proud kami ng Mommy mo sa'yo!" Bulong ni Daddy na mas lalong nagpalapad ng ngiti sa aking labi.
Pababa kami ngayon ng stage at kahit na nakayuko ako ay nakikita ko pa rin at nararamdaman na kinukuhanan ako ng litrato ni Clinton, sumulyap ako sa gawi nya at eksakto namang nagtama ang tingin naming dalawa. Para akong nawala sa aking sarili, nahinto ako sa paglalakad kasabay ng paghinto ng oras. Unti unting kumukurba ang matamis na ngiti sa aking labi habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Clinton, nabalik na lang ako sa ulirat nang hilahin ako ni Daddy. Napaiwas tuloy ako ng tingin kay Clinton at yumuko na lang dahil sa hiya.
"Ang galing talaga ng kaibigan ko!" Sambit ni Suzy, bakas sa mga mata nya ang labis na saya. Niyakap nya pa ako ng mahigpit bago iabot ang isang paper bag, bubuksan ko na sana ito ng bigla kong hilahin ni Clinton "Sa'n kayo pupunta?" Tanong ni Suzy pero hindi ko na iyon nasagot.
Hindi ko namalayang lumipas ang oras, nagulat na lang ako nang bitawan ni Clinton ang braso ko. Nakatalikod s'ya sa'kin ngayon, hinihintay ko syang magsalita pero ni isang letra sa bibig nya ay wala man lang lumabas.
"M-may s-sasabihin ka ba?" Nauutal kong sabi, nilalaro ko ngayon ang aking mga daliri dahil sa hiya na aking nararamdaman. Unti unting humarap sa akin si Clinton "A-ano?" Tinaasan ko s'ya ng kilay at nag-cross arm pa ako.
"I promise to my self na sasabihin ko na sa'yo ang lahat after your graduation and I think this is the time para malaman mo na........" Napakunot agad ang noo ko nang mapansing kung saan saan napapadpad ang tingin ni Clinton, ni hindi nya magawang titigan ako ng mata sa mata.
"Ano bang sasabihin mo?" May halong inis na tanong ko.
Saglit na katahimikan ang nangibabaw sa pagitan naming dalawa, nakaupo ngayon si Clinton sa ilalim ng punong mangga habang ako ay nakatayo at patuloy pa rin ang pagtitig sa kanya. Naguguluhan tuloy ako, hindi ko mabasa ang isipan nya.
"Krissy!" Si Suzy, napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses nya.
"Bakit?" Pasigaw na tanong ko para marinig nya.
"Kanina ko pa kayo hinahanap," naghahabol hiningang sambit nya.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko, tumango naman agad s'ya kaya muli kong nilingon si Clinton "Sige, susunod ako!" Sigaw ko sabay senyas na umalis na s'ya.
Lumapit ako kay Clinton at naupo sa tabi nya, napabuntong hininga pa ako ng mapansing malayo ang tingin nya.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?"
"Hinihintay ko pa ang sasabihin mo," tugon ko.
"Wala, I just wanted to congratulate you. I'm so proud of you," walang gana nyang sabi.
"Iyan lang ba?" Paniniguro ko pa.
"Yes," maikli n'yang sagot.
"E, bakit 'di ka makatingin sa akin?" Tanong ko, tinaasan ko pa s'ya ng kilay at eksakto namang lumingon s'ya.
"Ayan, okay na?" Masungit nyang tanong, inirapan nya pa ako na parang bakla.
Hindi ko alam pero parang bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot, tumayo na ako at hindi na nagpaalam sa kanya. Naiinis ako, hindi ko alam kung bakit. Gusto ko syang tanungin kung may gusto ba s'ya sa akin o wala, matagal ko ng nararamdaman na may kakaiba sa kanya pero hindi ko magawang itanong dahil natatakot ako na baka masaktan ako at umasa.
Date: June 19, 2027
Dear Self,
Hanggang ngayon ba natatakot ka pa ring mabalewala ang nararamdaman mo? Gusto kitang sampalin ng paulit-ulit pero hindi ko magawa dahil masasaktan ako.
YOU ARE READING
Ang Bestfriend Kong Torpe
RomanceAakalain mo bang ang dalawang magkaibigan na magkapatid na ang turingan ay mahuhulog sa isa't isa at magmamahalan? Si Clinton Cole ay isang torpeng lalaki, hindi nya maamin ang nararamdaman nya sa kanyang kaibigan na si Krissy Villamin dahil natata...