Chapter 6

12 1 2
                                    

Dylan Raffael's POV

Papasok ako ngayon sa main gate ng EFA. Nung nalaman ko na dito pala nagaaral si Einah, ginanahan akong pumasok. Syempre naman! Nandito yung inspirasyon ko eh!

Grabe! Sobrang saya namin kahapon. Sa isang buong araw namin na magkasama ang gaan na agad ng loob ko sa kanya.

Napakaganda nya kasi at napaka hyper. Ansaya nya kasama, di nauubusan ng kwento, di ka talaga mabobored. Tapos pag ngumingiti sya, napapangiti na rin ako.  Para syang happy virus. Nakakahawa ang kasiyahan nya.

Sana nga magkaklase kami eh. Para hanggang classroom may inspirasyon ako!

-----

Nakarating na ko sa assigned room para sakin. 4-A

Wala pang teacher. Kaya diretso pasok na ko.

"OMG! Raff?!"

Teka... Isang tao lang ang tumatawag nun sakin ah?

"Einah?!"

Wow! Ambait talaga in Lord! Akalain mo yun?! Classmate ko yung inspirasyon ko!

Tumakbo sya palapit sa akin.

"Raff! Bat ka nandito?!"
"Ah. Exchange student ako eh."

"Wow! ang astig! clasmatess tayo!" Masaya nyang tugon.

Nakakatuwa naman at magkaklase pa kami, magkakaroon pa ko ng chance na mas makilala pa sya.

Einah's POV

Isang linggo na ang nakalipas mula nung malaman ko na kaklase pala namin si Raff. Mas naging close kami. At napakilala ko na rin sya sa mga kaibigan ko. Napagalaman namin na tatlong linggo silang mamamalagi sa school namin.

Madali naman nilang nakasundo si Raff. Lalo na pag usapang DOTA at LOL. Boys will be boys.

Sila Matt at Nicole? Madalas ko parin silang nakikitang naguusap patago. Ewan ko ba pero nasanay na ko sa sakit na nararamdan ko tuwing nakikita ko sila. Hindi ko pa nakakausap si Nicole tungkol dito. Alam kong may tamang panahon para dyan.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng makasalubong ko si Nicole.

"Chelle, pwede ba tayong magusap?"

Ito na ba ang oras na hinihintay ko?

A/n:

Hiatus ng ilang bwan haha. Sorna busy sa college life eh.  ^_^

Top 1 Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon