Chapter 7

14 1 0
                                    

"Chelle, pwede ba tayong magusap?"

"Uhm, Cole anong paguusapan natin?" Maang maangan kong tanong.

"Alam kong narinig mo kami sa rooftop. Wag kanang magkunwari." Walang emosyong sabi ni Nicole.

Parang hindi isang Anghel ang nakikita ko ngayon. Cold stares lang ang pinapakita nya sakin.

"Oo narinig ko kayo ni Matt. Bat ganun Cole? Alam mo namang gusto ko si Matt diba? Bat nakikipag balikan ka pa sakanya? Akala ko ba magkaibigan tayo?" Sunod sunod kong tanong.

Ewan ko ba pero ngayon lumalabas lahat ng mga naipong tanong sa utak ko noong nagdaang isang linggo.

"Hahaha. Nakakatawa ka naman Chelle." Sarkastikong tawa nya.

"So you think totoong magkaibigan tayo? Like duh! Kinaibigan lang naman kita kasi gusto ko uling mapalapit kay Tyler! And binabawi ko lang naman kung ano ang talagang akin."

Nagulat ako sa mga sinagot nya. Hindi ko akalaing makakapag salita ng ganito si Nicole. Ansakit lang kasi akala ko totoo sya. Akala ko kaibigan talaga sya. Ginamit nya lang ako? Wow! ang galing naman.

"Cole please! Ayokong masira tayo. Parang kapatid na kita."

"Pwes layuan mo si Tyler! Dikit ka ng dikit eh! Akin lang sya okay? Back off." Sabi nya sabay talikod at lakad paalis.

Si Nicole ba talaga yun? Bakit ganon sya?

Naglalakad ako ngayon palabas ng school ng madaanan ko ang gymnasium.

May naririnig akong talbog ng bola kaya pumasok muna ko para tignan.

Si Raff.

"Einah!" Tamatakbo habang papalapit na sigaw ni Raff.

"Uy" Sagot ko.

"Ang tamlay mo ah? May problema ba?"

"Wala to. Bat pala mag-isa ka lang dito?" Pagiiba ko ng usapan.

"Nagpapractice shooting lang. Mukhang may problema ka ah? May alam akong solusyon dyan!" Sabi nya sabay hila sakin sa gitna ng court.

Kahit kelan talaga ang hyper nitong taong to.

"Shoot ka! Paramihan ng shoot! Kapag natalo manlilibre ng ice cream!"

"Kahit kelan talaga mukha kang pustahan." Sermon ko sa kanya.

"Eh? Sige na! Nakakatanggal yan ng stress promise!"

"Oo na! Oo na!" Pagsuko ko.

"Game!"

After 15 Minutes...

"Wooooo! Nakakapagod!" Sabi ko sabay higa sa sahig. Nanalo sya.

"Talo ka! Tara mag ice cream!" Sabay hila nya sakin patayo.

"Haaaay ano pa nga bang magagawa ko?"

"Teka!" Pigil nya.

Nagulat ako nang punasan nya ang pawis ko sa mukha.

"Pawis na pawis ka. Lalagay ko lang to sa likod mo ah?"

Mas nagulat ako ng ilagay nya ang towel nya sa likod ko. Nakakahiya!

"Yan okay na!" Masaya nyang sambit.

"Di mo naman kailangang sapinan ako sa likod! Nakakahiya Raff!"

"Ano ka ba! Pawis na pawis ka kaya! Gusto mo bang magkasakit?" Sermon nya sakin.

"Hay, tara na nga!" Hinila ko na sya palabas ng school.

Nandito kami ngayon sa Icecream house malapit sa school.

"Ako na oorder. Anong flavor sayo?" Tanong nya.

"Chocolate and vanilla. Ay teka? Diba ako manlilibre?"

"Ano ka ba Einah, di naman ako papayag magpalibre sa kadate ko."

"Hoy! Date ka jan?!"

"Hahaha joke lang. Galet agad to!" Sabi nya at pumunta na sa counter.

"Salamat sa paghatid."

"Wala yun. Pahinga ka na ah?"

"Oo sige good night Raff!"

Ginabi na kami ng uwi ni Raff kasi pagkatapos naming magice cream nag mall pa kami.

"Ingat sa paguwi ha!" Sabi ko sabay talikod.

"Einah!"

"O?"

"Kung ano man yang problema mo, lagi mong tandaan na andito lang ako. Good night!" Sabi nya sabat takbo.

Napangiti nalang ako sa sinabi nya.

"Thank you Raff." Bulong ko habang nakatingin sa tumatakbong si Raffael.

A/n:

Yan na! Hahaha nakakabitin daw yung chapter 6 eh XD Labyow :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Top 1 Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon