Chapter 1

79 7 1
                                    

Haaaaaay~ Ang gwapo talaga nya..

Ang talino pa..

Ang Hot pa sumayaw OMG Ang gwa-

"HOY ROCHELLE! KANINA PA KITA KINAKAUSAP, DI MO NAMAN AKO PINAPAKINGAN!"

"Ano ba yan Lei! Makasigaw naman! Ano ba kasing kailangan mo?"

Si Lei yan, isa sa mga bestfriends ko. Lei Angelique Espanto, naniniwala sa Poreber -__- May ka forever kasi sya, Si Darren Smith ang lalaking parang bestfriend ang mic sa ganda ng boses. 7 years na sila, OO since elementary ang relationship nila -___-  grade 3 palang lumandi na HAHA Joke lang! Sadyang magaling lang sila maghandle ng relationship.

"Hinahanap ko si Polin, malelate na kami sa klase ni Sir Panotes!"

"Ah, nakita ko sya, kasama ng poreber nya sa canteen."

"Sige. Ikaw jan! TIGILTIGILAN MO YANG PAGPAPANTASYA MO HA! Malelate ka na din kay Maam Abenoja!"

"HALA! oo nga pala! Sige una na ko!"

Di ko kase sila kaklase ni Polin, section 2 sila eh, 1 naman ako. Si Polin ay isa ko pang Bestfriend. Polin Louise Vistal may ka poreber din yan, si Louis Gonzales ang lalaking pinanganak na yata ng naka ngiti -__- Palagi syang nakasmile haha kala mo model ng toothpaste! Mr. Nice guy at tadhana ata sila eh, parehong Louis ang pangalan may letter E lang yung kay Polin. 4 years na sila, since 1st year nag lalampungan na yan HAHA.

"Rochelle! Tara na pre, malelate tayo kay Maam Abenoja!"

Si Andrew yan, ang best friend ng pantasya ko *_*. Andrew Evans ang bff kong lalaki. At yung pantasya ko? Si Tyler Matthew Park ang pinaka gwapo sa aking paningin *_* sobrang galing nya sumayaw at kumanta. Top 1 pa sya ng klase namin.. Running for Valedictorian at Famous sa campus dahil varsity player ng basketball team. 

Ako? ako si Rochelle Einah Santos, Top 11 ng klase HAHA oo di ako umabot sa top 10 leshe -__- Captain ng Cheerleading team at Dyosa ako HAHA nasa iisang circle of friends lang kami ng pantasya ko at pareho kaming nasa Basketball team, player sya, cheerleader ako. Meant to be ata kami haha.

HAHA mamaya na ko mag dadaldal, baka malate ako sa Physics class.

Top 1 Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon