CHAPTER 13

149 3 0
                                    

A/N: WARNING| RATED SPG 18 |

CHAPTER THIRTEEN


PARA siyang nabunutan nang malaking tinik ng makilala ang may-ari ng boses na iyun. Pero kaagad rin na binalut ng inis ang boung sistema ni Maria dahil sa ginawa nito.

‘I was so damn scared!’

Inis niyang inalis ang kamay nitong humahaplos parin hanggang ngayon sa tiyan niya.

Pero ang walanghiya ay parang wala lang dito na ibinalik ang kamay sa tiyan niya at pinagpatuloy na humaplos na naman doon. Mas lalo lamang kumulo ang dugo ni Maria dito.

“Get your hands off me!” Medyo pumiyok pa ang boses niya dahil sa kagigising palang niya.

Matalim ang mga mata niyang tumingin dito.

Mabuti naman at nakinig rin sa kanya at walang imik na inalis ang kamay nito doon.

Maingat niyang inangat ang sarili at akma sanang tutulungan siya nito ng marahas niya lang sinampal ang kamay nito.

She can't accept the fact the strong desire she was feelings towards him. Kaunting pagdidikit lamang ng mga balat nila ay para na siya tuyong dahon na nasusunog sa kaunting init na hatid niyon.

At naiinis siya sa sarili dahil do‘n.

Walang nagawa ito at sinusundan  na lamang ang pagsandal niya sa headboard ng kama. Napataas ang kilay ni Maria ng ipinatong ni Crisos ang kamay nito  sa binti niya. Para-paraan din talaga ang mokong!

Ibinalut niya ang kumot hanggang sa dibdib niya ng mapansin na napatingin si Crisos doon. Kita ang cleavage niya. Galit itong nag iwas ng tingin roon.

She leered at him. Tumingin siya sa bedside table niya at tiningnan ang oras doon. Binalik niya ang tingin dito.  Her heart jump when her eyes dramatically meet his mysterious one.

He really have a nice eyes to look at. Isa iyon sa nagustuhan niya sa binata. Para kasi siyang nahipnotismo, nakakahalina. Bumaba ang tingin niya sa labi nito. Namula ang pisngi niya ng makitang nakaangat iyon. Kanina pa pala itong nakatingin sa kanya. Inshort nakasunod ito sa bawat galaw niya.

Tumikhim siya.

“What are you doing here?”

Really? Asking him that obvious   question? Pero nagtaka siya kong paano itong nakapasok sa kwarto niya. Alam niyang hindi ito papasukin ng mga kasama niya sa bahay ng ganitong dis oras na nang gabi.  

Matagal itong tumitig sa kanya habang marahan na humahaplos na naman ang kamay nito sa binti niya, parang inaamo siya at nanunuyo, bago ito nag salita.

“I texted you. Did you read it?"

Mahinahon ang tinig nito, nadadala siya.

Umiling siya dito. She won't tell him that she already seen his messaged for her. Mamatay na siya‘t lahat pero hindi siya aamin dito.

Tumingin ito sa balkonahe niya na sinundan naman niya ng tingin na siyang pinagsisihan niya. Namula ang boung mukha niya ng malala ang mensahe nito sa kanya.

From: Crisosthomo

Don't lock the balcony door for me sweetheart.

“Hmmm...” Tumango-tango ito. Pero alam ni Maria na hindi ito naniniwala.

Paano naman kasi ito maniniwala kong may basihan naman ito? Gusto niya tuloy kutusan ang sarili.

His Woman 2: Crisos Silveriou Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon