Maaga akong gumising dahil ngayon darating ang mga katulong na ipinadala ng agency na nakausap ko.
"Tulungan na kita dyan" narinig ko ang boses ni Roanne na palapit na sa akin.
"Good morning, ayan haluin mo nalang yan" tinuro ko sa kanya ang kawali na may lamang gulay.
Nasanay kasi kami na kanin at ulam ang kinakain sa almusal, kaya pinag luto ko sila ng adobong sitaw, pritong itlog at hatdog. Hindi pa ako nakakapag grocery ng lahatan para sana may stock at don nalang kukuha ang mga maid na darating.
Narinig kong may nag door bell marahil ay nandyan na sila kaya naman nag punas lang ako ng kamay at lumabas para pag buksan sila.
"Magandang araw po" bati ng dalawang hindi katandaan parang mas lamang lang ng limang taon samin ni Roanne.
May kasama silang isang lalaki ito marahil ang guard, kumuha na rin ako para may bantay sa bahay bukod sa mga makaka sama ni Lola na katulong dito sa bahay.
"Pasok po kayo" naka ngiti kong sabi at pinatuloy sila.
Nang maka pasok at maupo sila sa sala ay saktong pag baba ni Lola marahil ay kagigising lang nya.
"Apo sila ba yung sinasabi mo?" naka ngiting tanong ni Lola tumayo naman sila at tsaka nag mano kaya naka ngiti si Lola.
"Ako po si Rose eto po si Jane at si kuya Jun kami po ang makaka sama nyo Madam" pag papakilala nila samin lumapit din si Roanne samin at tumango sa kanila.
"Ako po si Erin at si Roanne po bestfriend ko at ang Lola Mila namin" turo ko kay Lola at bes
"Kumain na muna kaya tayo" pag yaya ni Roanne tatanggi pa sana sila pero pinilit sila ni Lola.
"Taga Bohol din po ang asawa ko, don po pala kayo galing" sabi ni kuya Jun
"Oo don na lumaki iyang mga bata na iyan, nakaka tuwa at kababayan pala namin ang asawa mo" masayang sabi ni Lola
Nag kwentuhan pa kami para makilala ang isa't isa dahil sila ang makaka sama namin dito higit na si Lola. Mukhang mapag kakatiwaalan naman sila at mababait kaya panatag ako na iwan si Lola sa kanila.
"mag bihis ka samahan mo ako" napa bangon si Roanne pag pasok ko sa kwarto nya
"San tayo pupunta kala ko ba next week pa tayo mag eenroll" sabi nya pero pumunta naman agad sa closet nya
Naisipan ko kasing bumili ng sasakyan na magagamit namin marunong naman ako mag maneho pero wala akong lisensya kaya kukuha nalang ako pag okay na at naka bili na ng sasakyan.
"Basta bilisan mo 10 mins aalis na tayo" sabi ko at iniwan sya mukha namang naka ligo na sya kanina pag baba nya bago mag umagahan.
Nag bihis lang ako ng black shirt at nag short lang na khaki at nag lagay ng cap sa ulo ko, hinayaan kong naka lugay ang buhok ko.
Napatingin ako sa repleka ko sa salamin, bata palang ako lagi na akong kinukuha sa beauty pageant dahil maganda at makinis raw ang balat ko. Minsan ay pinag kakamalan pa akong ampon ng Lolo at Lola dahil hindi ko raw sila hawig.
Hindi ko na nakilala ang magulang ko dahil ang sabi ni Lola ay kasama silang natangay ng alon nang minsang mag karoon ng tsunami sa bayan namin. Maging ako ay biktima neto, wala akong maalala sa nakaraan.
Pero okay lang kung sakit lang din naman mula sa pag kawala ng aking magulang ang aking maaalala ay wag nalang. Masaya akong lumaki sa piling nila Lolo at Lola hindi man kami mayaman pero lahat ng gusto ko ay binibigay nila.
Kaya ng ibenta ni Lolo ang lupa at naging ugat ng pagkawala nya ay sinisi ko ang sarili ko, kung hindi dahil sa kahilingan ko na mag Maynila ay hindi sana nasama sa plano ni Lolo ang pag benta ng lupa namin.
BINABASA MO ANG
Betrayed and Slain
FanfictionThe saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies, I got betrayed by my family, friends and the person I loved. Do you believe in second chance? Do they deserve my forgiveness? Do they know how I suffered alone? It's scary h...