CHAPTER 1

44 1 0
                                    

Zhi'er POV.

Saan kaya nila ako balak dalhin, parang malayo na ang lugar na pupuntahan namin. Baka eh salvage nila ako, oh jusko ayaw ko pang mamatay ng maaga. Hindi pa nga Ako nagkaka jowa eh.

"Anong iniisip mo dyan, babae?" tanong ng supladong kidnapper

"Mmmmm...." sabi ko habang nakatakip ang bibig ko.

"Tanggalin nyo na yang panyo na nakatakip sa bunganga niya, dahil malapit na din naman tayo." sabi niya sa katabi kong kidnapper. "At ikaw namang babae ka, wag kang masyadong ma-ingay na parang may microphono yang bunganga mo." dagdag niya na habang tinuturo pa ako.

"So what!?" pagtataray ko sa kanya.

"Boss, nandito na tayo." sabi ng driver.

"Sige ibaba nyo na yan, dahil kanina pa naghihintay si Master." sabi niya sa mga Kasama niyang kidnapper.

"Bakit nyo ba ako dinala dito at anong kailangan nyo sakin?" tanong ko sa kanila. "Mahirap lang ako Wala kayong makukuha sa akin." dagdag ko habang bumababa sa sasakyan.

"Kami walang kailangan sayo, pero ang Master namin meron kaya pumasok kana sa loob ng mansion." sabi ng supladong kidnapper.

Kaya pumasok nalang ako sa loob ng mansion para puntahan ang sinasabi nilang master na siyang nagpadukot sa akin. Dahil umalis na din naman sila at yon ngalang hindi ko alam kong saang parte ng bahay na roon ang sinasabi nilang master kaya naglakad-lakad nalang ako baka kasi may makita akong katulong dito.

"Wow!, Empyernes maganda ang mansion tas malaki pa, parang palasyo." sabi ko habang namamangha sa mansion, ng taong nagpadukot sakin. "edi mapapasana all ka nalang." dagdag kong sabi.

"Hello! ikaw po ba si young lady Chiara?" tanong ng katulong.

"Hindi ako yong sinasabi mong young lady Chiara" sagot ko sa katulong.

(What?, napagkamalan pala nila akong si Chiara, so mali pala sila ng dinukot na tao. Oh my brain, may pagkatanga din naman pala sila.) sabi ko sa aking isipan.

"Sino po kayo Ma'am? Kong hindi po kayo si young lady Chiara" tanong ulit ng katulong.

"Ehem! Ako lang naman yung KINIDNAP, ng mga taong KINULANG sa ARUGA Dyan." inis na may pagka diin kong sabi.

"Sino po?" tanong ng katulong.

"Wala"sagot ko. "May pagka slow din naman nito eh." mahina kong sabi.

"Ano po yun Ma'am" tanong ulit ng katulong.

"Ahh wala, tara na dalhin mo na ako sa amo mo para makauwi na ako" sabi ko sa kanya.

"Doon po tayo Ma'am sa pintuang kulay itim " turo ng katulong.

Naglakad na kami patungo sa pintuang kulay itim. Nang makarating na kami sa pituan ay agad ding kumatok ang katulong. At biglang may nagsalita sa loob ng kwarto na pumasok na daw kami.

"Come in" malamig na sabi ng taong nasa loob ng kwarto.

"Tara na po Ma'am" sabi ng katulong.

"Okay" sagot ko sa kanya.

Kaya pumasok na agad kami sa loob ng kwarto. Pagka pasok namin sa loob ng kwarto ay agad ding nagpaalam ang katulong na para umalis dahil madami pa ang kanyang gagawin sa kusina. Kaya kami nalang dalawa Ang natira sa loob ng kwarto. At na realize ko na hindi pala kwarto ang nasa loob kundi opisina. Nang tumingin ako sa harapan nakita ko siya na busy sa pag tatype ng laptap niya.

"Oobs bwuhuu..." kunwari kung ubo pero hindi parin siya tumigil sa pagtatype sa kanyang laptap. "Ooobss bwuhuhuuuuu..." nilakasan ko ang pag ubo ko kaya napatigil siya bigla sa kanyang ginagawa.

"Kung inuubo ka uminom ka ng tubig,..hindi yong nagpaparinig ka dito" sabi niya sabay harap at biglang nagulat.

"Wtf!, Who are you? and What are doing here?" galit niyang sabi sabay talikod at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng mesa niya na parang may tatawagan.

"Sino bang may kasalanan?Diba ikaw!" pataray kong sagot with paturo pa sa balikat nya.

"At tinatanong mo kong sino ako, ako lang naman yong babaeng kinidnap ng kidnapper mong kinulang sa aruga" painis kong sabi sa kanya. "Aalis na pala ako, segi babushh" dagdag kong sabi sabay lakad patalikod.

"Sinong may sabi na pwede ka ng umalis" malamig niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

"At sinong may sabi din na pwede mong hawakan kamay ko" sabi ko habang binabawi ang kamay ko na hawak niya.

"Nandito ka sa bahay ko, kaya kong ano man ang gusto kong gawin wala ka ng pakialam dun" malamig niyang sagot.

"Hindi naman ako mapupunta dito kong hindi lang tanga yong mga kidnapper mo" pagalit kong sagot sa kanya.

"Sinabi ko bang sumagot ka!" sabi niya habang may kinukuha sa kanyang bulsa.

"Eh ano naman may bu-" sabi ko ng may biglang tumurok sakin na karayom at dahan-dahan ng pumikit ang mata ko.

A/n: Hi guys sorry ngayon lang ako naka update naging busy kasi ako sa school namin at sana magustuhan niyo yung story kong ginawa.... Thank you sa pagbibigay ng oras para basahin yong story ko.

KIDNAPPED BY A MAFIA Where stories live. Discover now