Chapter 1: Enrollment Day

133 8 0
                                    

Calvin POV

Krinnnnnggg!!

Napamulat ako ng mata at kisame ng kwarto ang unang bumungad, tagaktak ang pawis dahil sa panaginip na iyon.

Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa aking kama, bumalik lang ako sa aking ulirat ng may sunod-sunod na katok mula sa labas ng aking kwarto.

‘Tok-tok-tok’

Kasabay noon ang pag sasalita nito sa labas ng aking kwarto.

“Calvin, iho.”

Agad kumunot ang aking noo at inisip kung kaninong boses ang nasa labas.

“Manang Emma?” Paniniguro ko kung siya nga ang nasa labas ng aking kwarto.

“Ako nga iho.” Sabi nito ng tawagin ko ito sa kanyang pangalan.

“Bakit po?” Pag tatanong ko dito.

“Kakain na po.” Sabi nito sa tanong ko.

“Sige po manang bababa na po.” Sagot ko.

Narinig ko na lang ang mga yabag na papalayo sa kwarto ko, kaya agad akong tumayo na at inayos ang aking kama at pag katapos ay lumabas na ng aking kwarto.

Bago ko makalimutan ako nga pala si Calvin Clarence Alvarez Velasco 17 years old, hindi naman payat o mataba sakto lamang, hindi pango o matangos ang ilong at may mapupulang labi at magagandang mata na tulad sa mga babae minsan nga napagkamalan pa e pero hindi, lalaki po ako may pusong babae nga lang po saka maipagmamalaki ko rin na tanggap ako ng mga magulang ko.

Nang makababa na ako mula sa second floor nitong bahay namin ay dumiretso na ako sa dinning area nitong bahay nakita ko naman na nandirito na sina Mommy, Daddy at Kuya na agad naman nila akong binati.

“Good morning anak.” Sina Mommy at Daddy.

“Good morning Lil sis.” Si Kuya.

Agad naman akong umupo sa tabi ni Kuya at saka binati rin sila.

“Good morning” Sabi ko at ngumiti at pag katapos ay pinag sandok na nila ako ng fried rice.

“Nga pala Calvin, hindi ba enrollment ngayon?” Si Daddy ang nag tanong na agad kong naibuga ang sinubo ko.

“WHAT!”

“Anong oras na po ba?” Pag tatanong ko.

“9:00am.” Si Mommy ang sumagot sa tanong ko.

Naibuga ko naman ang iniinom kong tubig dahil sa oras na sinabi ni Mommy.

Agad akong sumubo ng bread at hotdog sabay uminom ng tubig at pag katapos ay tumayo na at tumakbo na sa kwarto dahil sa mga narinig ko dahil 7:00-8:00am ay dapat nandoon ako dahil yun lang ang sinabi sa announcement.

Agad-agad akong pumasok sa banyo at ginawa ang dapat gawin ng matapos na ako ay bumaba na ako at dumiretso sa dinning area para mag paalam sa kanilang aalis na ako.

“Gagamit ka ba ng kotse?” Tanong ni Daddy sa‘kin na agad kong sinagot pag katapos humalik sa pisngi nilang tatlo.

“Hindi na po Dad, taxi na lang po.” Sabi ko at tumakbo na palabas at nag abang ng taxi sa harap ng bahay ng may pumarada ay agad ko itong binuksan at sumakay at nag sabi sa driver kung saan ako dadalhin.

Nandirito na ako sa tapat ng school na papasukan ko ay wala na akong sinayang na oras dahil late na talaga ako at ng makapasok ay agad kong hinanap ang enrollment area para makapag enroll na ng matapos na ako ay lumabas na ‘ko dahil buti daw ay nakaabot ako dahil pauwi na sila.

Habang nag lalakad para makalabas nitong University na ito ay may nakabungguan ako para mapa upon ako ganoon din siya.

“Aray!” Sabi ko dahil ang malas ko ngayon.

“Aray!” Sagot naman ng nakabungguan ko.

Agad ko naman siyang hinarap at nakita kong babae ito kaya naman ay agad akong tumayo upang tulungan siya.

“Sorry.” Hingi ko ng tawad dito.

“Sorry din.” Pabalik niyang sagot at agad na umalis at ganoon na rin ako para maka-uwi na dahil malas ang araw na ito.

The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon