Chapter 5: Classmate

57 4 0
                                    

Calvin POV

       Pag katapos ng mga nang-yari kahapon, siguro nag tataka kayo kung anong nang-yari kahapon sa bahay pagka-uwi ko ayun tinanong lang naman ako kung bakit iba damit ko at kung bakit puro pintura ang uniform ko? Sabi ko naman nag pintura kami kaso ang malala si Kuya. Nag pintura lang daw pala kami tapos parang pinang paligo ko daw tapos na pansin pa ni Daddy yung mga sugat ko sa mukha ayun kaya nag sabi na ko ng totoo then si Kuya ayun galit na galit.

Dapat ihahatid n‘ya ko dito kaso nag makaawa ako na ‘wag na pero sa oras na maulit daw ‘yun ita-transfer ako sa school na pinapasukan niya, e ayoko pa naman yun kaya heto ako nasa labas ng GHU iniisip kung papasok pa ba o hindi na dahil sa nang-yari....haystt!

Na pa tingin na lamang ako sa aking cellphone upang tingnan kung anong oras na at ng makita ko ay nanlaki ang mata ko dahil late na ako! Kaya dali-dali akong pumasok at pinakita ang ID ko at lakad takbo takbo ang ginawa ko ng makita ko na ang room ko ay narinig ko na ang boses ni Sir John ang adviser ko kaya agad ko na lang binuksan ang pintuan at napatingin sa akin ang lahat.

‘Anak ng pating self! Ang epic.’ Sabi ko sa isip.

“Mr. Velasco—” tawag nito sa akin ng may sasabihin pa sana ito na agad kong pinutol.

“I‘m s-sorry p-po....sir.....I-I'm late,” sagot ko habang hinihingal.

“Oh, It's ok, kararating ko lang din at sige maupo ka na mag sisimula na tayo.”

Sagot ni Sir kaya agad na akong nag lakad sa aking upuan.

“Ok class, lesson for today is—” pag sisimula ni Sir ng maputol ito ng biglang pabalibag na pag bukas ng pinto na ikinatingin ko at ng lahat dahil sa pag pasok ng apat na lalaking ikinalaki ng mata ko dahil...

‘ ‘Wag n‘yong sabihing, anak ng pusa naman oh! Bakit nandirito sila?’ sabi ng aking isip dahil hindi pwedeng....

“Mag pakilala kayo.” Sabi ni Sir John upang mabalik ako sa reyalidad.

‘Hindi pwedeng.... CLASSMATE KO SILA!?! Ang mga walang hiyang ng bully sa akin.’

“Daniel James Custodio Valderama, 19 years old call me DJ for short.”

Pakilala nung lalaking nang bully sa akin kahapon!

“Daniel James pala name niya huh, maganda nga ang pangalan pangit naman ang ugali, gwapo sana.” Bulong ko sa aking sarili.

“Sebastian Owen Fuentales Montero 18 years old, Sevi for short.” Pakilala naman nung may puting buhok.

“Sebastian, gwapo sana kaso kaibigan n‘ya yung mukhang galunggong na Daniel James ba yun?” bulong ko ulit.

“Hi, William Israel Fuentales Montero twin brother of Sevi, Will for short and 18 years old.”

‘Ah, so kambal pala sila.’ Sabi ko sa aking isip.

“Mark Peter Atienza Fuentales 18 years old, pinsan ng Montero brothers then call me Marky.”

Pakilala nung huli sa mga mukhang galunggong.

“Ok, ngayong kilala n‘yo na sila ay gusto ko lang malaman n‘yong lahat na si Mr. Valderama ay ang nag iisang anak ni Mr. Oliver Custodio Valderama ang ating Dean.” Paliwanag ni Sir John saaming lahat.

‘Ah anak lang pala siya ng Dean— teka? Anak ng— totoo ba!’ sigaw ko sa isip.

“Ok, umupo na kayong apat.” Ngiting sabi ni Sir John sa kanila.

Umupo na yung apat na galunggong sa harap dahil yun na lang ang bakanteng upuan.

“Ok, mag simula na tayo—” pag sisimulang muli ni Sir ng mapahinto ito dahil sa biglang pag tunog ng speaker na nasa labas.

The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon