Chapter 11: Calvin Vs DJ

46 3 0
                                    

Calvin POV

           Nandirito na ako sa loob ng University nag lalakad at hindi alam kung saan pupunta at kung tinatanong n‘yo kung na saan ang mga kaibigan ko? Hindi ko sila kasama ngayon dahil busy sila sa mga ‘club’ na sinalihan nila.



Ako? Wala naman akong napili e tsaka dagdag lang sa schedule ang pag sali sa club na ‘yan. Oo, sabi nila masaya kaso wala naman akong hilig diyan.




At saka wala rin kaming klase busy din lahat ng mga guro dito kaya heto ako nag i-ikot-ikot na lamang, haysstt!




Nang mapansin kong wala ng building akong nakita nabalik ako sa reyalidad ng makita ko kung saang direksyon ako papunta at ng mabasa ang nakasulat.... GARDEN OF GHU.




Kaya dumiretso na lamang ako ng mapansing may mga estudyante rin dito at ng may na pansin akong grupo ng mga estudyanteng naka hiwalay ito sa iba.




Nang makilala kung sino ang mga ito, walang iba kundi ang grupo ni Zayden at grupo ng SSG Members at ng babaeng nag bigay sa akin ng panyo nung araw na binuli ako ng anak ng Dean nitong GHU.




Agad ko namang hinalungkat ang aking bag at ng makita ang bagay na dapat noon ko pa naibalik.





Sinimulan ko ng mag lakad at ng makapasok sa gate nitong garden ay agad na akong dumiretso sa pwesto ng mga ito kahit na nag kakasiyahan sila dahil sa mga ngiti nila habang ang mga estudyanteng naririto ay nakatingin sa akin dahil sa direksyong tinatahak ko ang iba‘y nag bubulungan pa pero hindi ko na lamang sila pinansin at ipinag patuloy ang balak kong gawin.




At ng makarating sa kinaroroonan nila ay bigla na lamang silang tumahimik dahil sa pag dating ko mismo sa pwesto nila at ang dating mga ekpresyon ng mga mukha nila ay nakita ko na naman dahil sa nilingon nila akong lahat pero hindi naman sila yung pinunta ko e kundi ang babaeng nag mamay-ari ng panyong ibabalik ko na ngayo‘y hindi maalis ang ngiti sa labi at nakatanaw sa‘kin.




‘Buti pa siya pero yung mga kasama niya eto seryoso.’ Pag iisip ko dahil kulang na lamang matunaw na ako dito sa kinatatayuan ko.





Walang nag atubiling mag salita ni isa sa kanila bagkus ay nanatili lamang silang nakatingin sa akin kaya nag salita na lamang ako para makaalis na din kasi nakakahiya na rin.




Itinaas ko ang aking dalawang kamay ng may hawak na panyo at saka iniyuko ng bahagya ang aking ulo at nag salita.





“Ahmm... ibabalik ko lamang sa‘yo ito at saka paumanhin kung ngayon ko lamang ito maisasauli saiyo, marami lang kasing ginawa.” Pag dadahilan ko habang nakatingin sa damuhan na kinatatayuan ko.




Naramdaman ko na lamang na may kumuha nito dahilan upang mapatingala ako at ang taong may-ari ng panyo ang kumuha nito, nakangiti pa rin ito sa akin at ibinaba ko na lamang ang aking dalawang kamay at nag salita ito.




“It‘s ok.” Maikling sagot nito ng nakangiti sa akin.






Nang may pumalakpak mula sa aking likod dahilan upang mapalingon ako.






Nang makaharap ako ay agad akong nag taka dahil ang taong kinaiinisan ko lamang ang nasa aking harapan walang iba kundi si Daniel James Custodio Valderama ang nag iisang anak ng Dean namin.





“Alam mo bang sa lahat ng estudyante dito, e, ikaw lamang ang lumapit at kumausap sa kanila?” Sabi ni DJ sa akin ng nakangisi.





The Red Full Moon (Moon Trilogy 1) {BL} [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon