I'm Here, ... Love
Written By: jashley911Chapter 2: Butterflies *(🦋)
{ Third Person's POV }
TIK! TAK! Tik! Tak! Tik! Tak!
As she listen to the noise coming from her huge body size clock, she saw how cruel the world can be to her.
This world.. Why does the world has to be this.. cruel? I only want to be free. Gusto ko lang sumaya sa piling ni Mamma.
"Mamma.. Mamma? Nandito na ako.. Na miss mo ba 'ko?" Her sweet yet cold voice can be heard anywhere. It's echoing in the four corners of the room. "Ako kasi.. miss na miss kita." She giggled sweetly. "Tara, laro ulit tayo..."
"Isa.."
Kasabay ng pagbilang niya, ay ang pagdanak ng dugo ng Mamma.
"Dalawa.."
Pati ng tiyuhin na sa kaniya ay sumasamantala.
"Tatlo!"
At pagsapit ng ikatlong bilang, ang lahat ay nawalan ng buhay at sigla.
She.. She killed everyone inside their mansion. She killed everyone who maltreated her. And next, she killed the ones she thought that needs freedom for all this mess.
"Once I come back, the world will be in chaos. As we play hide and seek, I will let you peek to the other side. And when you're near the cliff, I will push you hard till you fall.. off guard."
'Do.. re.. mi.. fa.. so.. la.. ti.. do..~'
{ Suzette's POV }
NAPANGITI AKO ng malaki habang nakatayo sa harap ng isang malaking gusali kung saan ako mangungupahan. Finally, after almost two months na nakikitira ako sa bahay nila bespren ay medyo nadagdagan na din ang ipon ko. Sapat na para makapag-upa ako ng matitirhan.
Ito ang napili ko dahil ito yung pinaka-malapit sa University na pinapasukan ko na may murang renta.
Bitbit ang mga bagaheng dala, ay hinanap ko ang numero ng pinto ko. Room 103, second floor.
Pagkahanap ko sa k'warto ay binuksan ko ito gamit ang susing ibinigay sa akin nang landlady bago ako pumirma ng kontrata. Kailangan daw niyon dahil minsan na silang nagkaroon ng problema sa hindi lang isang aplikante noon.
Medyo natagalan pa ako sa pag-aayos dahil madaming ipinadala sa akin si Inah pati na din ang iba. Akala ko noon ay mahirap pakisamahan ang mga iyon, hindi naman pala. Lalo na iyong si Shania. Parang defense mechanism niya lang iyong pagiging maldita at mataray niya. Mababait naman ang mga ito. Balita ko nga ay kasalukuyang nililigawan ni pareng Oliver si Savy. Na love at first sight daw ang luko. Ito namang si Savy, todo pabebe ang lola niyo. Choss hahahah.
Habang nag-aayos ng gamit ay hindi sinasadyang masagi ko ang isang larawan. Nakuha ko ito sa bahay ni Nanay, ito daw yung tunay kong Ina- sabi niya. Hindi ko alam pero kahit alam kong malabo ay nagbabakasakali pa rin ako na makita siya kahit na matagal na raw walang balita sa kaniya ang mga tao roon malapit sa amin.
Pagkabigay raw kasi sa akin ay bigla na lamang siyang umalis. Hindi pa nga alam nila Nanay kung anak ba talaga ako ni Tatay.
"Doe, a deer, a female deer
Ray, a drop of golden sun
Me, a name I call myself
Far, a long~""Ano ba 'yan! Ba't naman ang tagal mong sagutin ha?!" Medyo nailayo ko pa sa tainga ang cellphone dahil sa lakas ng boses niya. Bakit ganun? Arte muna bago sabihin ang kailangan? Ewan ko sa kaniya.
"Sorry naman, baka nag-aayos ako ng gamit e 'no?" Sarkastikong tanong ko.
"Aba malay ko. Ano, nakarating ka naman ba ng ligtas-"
BINABASA MO ANG
I'm Here...
Mystery / ThrillerWhat will you do if you are being stuck in the middle of the forest with your friends? Will you go inside a house- crap that- a mansion despite of you or your friends having no enough knowledge about your whereabouts? Would you choose to stay longer...