01

7 5 7
                                    

I'm Here, ...Love
Written By: jashley911

Chapter 1:

{ Suzette's POV }

GABI NA nang makauwi ako sa bahay. At ang unang bumungad sa akin ay ang nakabibinging mga sigaw ni Nanay.

"At saan ka naman nanggaling na babae at ginabi ka nanaman ng uwi ha?!"

"M-May tinapos lang pong assignment kasama ang grupo." Nakatungong paliwnag ko, even if I know, she'll never listen.

"Assignment?! Ang sabihin mo lumalandi ka! Nagmana ka sa tatay mong pabigat! Mga walang k'wenta! Perwisyo sa buhay. Letse!" Huling sigaw pa niya bago tuluyang lisanin ang harap ko. Akala ko ay tapos na siya kakatalak ngunit muli itong bumalik mula sa itaas.

"N-Nay.. Nay!" Sigaw ko nang matauhan. She throw my things on the cold floor.

"Oh ano? Hindi mo ba kukunin iyang mga b'wiset na basura mo? Isama mo iyan sa iyo dahil kalat lang iyan sa pamamahay na ito!"

Napatungo ako dahil doon bago isa-isang pulutin ang mga gamit ko.

"Lumayas ka sa pamamahay na ito dahil hindi ko na masikmura pa iyang pagmumukha mo! Nagmana ka sa nanay mong malandi!"

Napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi.

"H-Ho?" Anong ibig niyang sabihin dun?

"Aba! Hindi mo nga pala alam 'noh?" Sarkastiko siyang tumawa bago namaywang na dinuro-duro ako sa nuo. "Kung hindi lang dahil makati iyang nanay mo at heto naman iyang asawa ko na isa ring punyeta sa buhay ko ay nabuo ka! Hindi ko nga alam kung bakit tinanggap pa kita sa pamamahay na ito e anak ka lang naman nang asawa ko sa isang malandi at bayarang babae!" Unti-unting namuo ang mga luha sa mata ko. Bakit... Kaya ba ganito ang turing niya sa akin?

Now.. all the questions I've been searching answers for before are now finally.. finally has it's confirmation. Kaya pala ni minsan ay wala akong maalalang memorya kung saan ay pinaramdam niya sa akin na mahalaga ako sa kaniya, na mahal niya ako bilang kaniya dahil hindi niya naman pala ako totoong anak.

"Hindi ka pa ba kikilos? Letse! Pinagtiisan na nga kita ng halos dalawampung taon, magpapatulong ka pa atang i-empake iyang mga gamit mo? Mahiya ka namang deputa ka! Kahit kailan ay wala kang idinulot na maganda sa pamilya KO!" Madiing sigaw niya sa bawat salita. Napapikit ako kasabay ang muling pag-alpas ng magkaka-sunod na luha sa mata ko hanggang sa tuluyan na akong mapahagul-hol.

"H'wag mo akong maarte-artehan riyan, Suzette! At mas gusto lang kitang sabunutang babae ka! Lumayas ka na sa pamamahay ko!"

Iyak lang ako nang iyak, hindi alintana ang mga matang sa akin ay nakamasid. I don't need their damn pity. Kainin nila iyon kung nanaisin nila. All I just want for now is peace. I badly wanted to rest.

NAGISING AKO kinabukasan na maskit ang mga mata at katawan. Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na pangyayari kagabi dahil nakatulog na ako sa sobrang kapaguran ng katawan at ng mga mata sa sobrang pag-iyak.

"Oh ano? Okay ka na ba, Suzy?" Napalingon ako sa pinanggalingan nang boses na iyon at duon napagtanto na nasa lungga niya nga talaga ako. Disenyo pa lang nang k'warto ay malalaman mo agad na pag-aari niya ito. Parang k'warto nang isang mangkukulam.

"Inah? Anong.. pa'nong—"

"Kung tinatanong mo kung papaano kang napunta rito.. inilipad ata kita gamit iyong malaking walis ko." She sarcastically roll her eyes at me.

"Nagtatanong ng ayos tao rito, tapos gaganiyan mo ako?" Reklamo ko na pumadyak pa ng mahina sa kama niya.

"Tao ka pala?" Parang bigla siyang nawindang. Anak ng!
"Joke lang!" Bawi niya sabay pekeng tumawa. "Ito namam hindi na mabiro, haha. Nagbibiro lang naman ako. Alam kong tao ka, hindi nga lang halata." Muli siyang humalakhak ng tawa. Siraulo.

I'm Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon