Igor's Beloved

872 48 4
                                    

Note: Reposted with a new title.


Igor's Beloved

© Hraefn, August 2017


WARNING! WITH MATURE CONTENT!

***





*The words have been drained from this pen,

Sweet words that I want to give you...*


"Here's your order, Sir," wika ng waitress na biglang pumukaw sa akin.

"Thank you," pormal kong sagot at inilapag ang fountain pen. Isinantabi ko muna ang pagsusulat sa journal. Hindi ko na rin inabala pa ang sarili kong tapunan ng tingin ang waitress. Lumisan din naman kasi kaagad ito matapos ilapag ang dalawang sweetheart ice cream parfait at blueberry cheesecake na inorder ko.

Lihim akong napangiti dahil muli ko na namang matitikman ang paborito namin ni Claire. Hindi ko muna ito ginalaw at matamang pinagmasdan ang maganda at nakakatakam na ayos nito habang hindi pa ito natutunaw. Hindi ko tuloy maiwasang manghinayang. Napakagandang bagay ngunit napakadaling malusaw.

Mapakla akong ngumiti at napailing habang nagbabalik sa isipan ko ang mga nangyari...

***


"Sorry, love, I'm late. Kanina ka pa?"

Nag-angat ako ng tingin at tuluyang sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang ngiti ng natatanging babae nagpapatibok ng puso ko.

"Hindi naman," sagot ko kahit isang oras na ako rito. Hindi ako galing ng office tulad niya. Umattend kasi ako ng seminar sa isang hotel 'di kalayuan dito.

Mabilis akong tumayo at hinalikan si Claire sa pisngi pagkatapos ay ipinaghila siya ng upuan.

"Thank you," wika niya at masayang inumpisahan ang pagkain sa parfait. Ako nama'y kuntento nang pagmasdan siya.

Nasa fourth year highschool pa lang kami ay niligawan ko na si Claire at walang takot na humarap sa istriktong parents niya para bigyan ako ng permisong ligawan siya. Halos lahat ng panunuyo ay ginawa ko at sa kabutihang-palad ay nakuha ko ang loob ng mga magulang niya 'di kalaunan, pero ang kay Claire, inabot pa ako ng mga ilang taon bago ko nalusaw ang bato sa puso niya. Hindi ako sumuko sa panliligaw sa kanya kahit may mga pagkakataong nawawalan na ako ng pag-asa. Ngunit nagpatuloy pa rin ako dahil nga mahal ko talaga siya at nagbunga naman iyon ng maganda. After graduation no'ng college ay sinagot na rin niya ako sa wakas. At dalawang buwan mula ngayon ay isi-celebrate na namin ang aming second anniversary.

"Hoy, Igor, baka naman mauna pa akong matunaw sa parfait na 'to kakatitig mo sa akin?" wika niyang natatawa. "'Yong parfait mo, 'di mo pa ginagalaw."

"Parang ayoko kasing masira 'yong ayos, sayang lang."

"Mas sayang kung matutunaw na lang 'yang hindi mo kinakain. Naku, kung ibang lalaki, lalantakan na 'yan. Weird mo talaga."

"Love mo naman," ani ko dahilan para pamulahan siya.

"So how's your first week at work?" tanong ko. Kakalipat lang niya sa kompanyang pinapasukan ko pero magkaiba kami ng department. Nasa Sales siya samantalang ako ay nasa Logistics. Dito ako nag-umpisang magtrabaho at sa ngayon ay maganda ang itinatakbo ng career ko. Dalawang taon pa lang ako pero promoted na ako.

"Ayos lang naman. Nag-a-adjust pa ako sa work at sa ibang mga Sales Executive."

Hindi ko man kadepartamento ang mga tinutukoy niya pero nasa iisang kompanya lang kami kaya kahit papaano ay kilala ko ang mga ito lalo't may transaksiyon ako sa Sales minsan.

Igor's Beloved (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon