...Paalam

74 5 0
                                    

Pero mahal,
Huwag mong sisihin ang sarili mo
Dahil sa palyang katulad ko
Huwag mo sanang isipin na
Hindi kita minahal dahil hanggang dulo,
Hindi nagbabago ang pag-ibig ko sa'yo

Natakot lang ako na baka sa isang iglap
Mawala ang init ng pagmamahal mo at wala ng malasap
Pansin ko kasing nagbago ang kilos at pakikitungo mo sa akin
Hindi mainit, hindi malamig---
Naging maligamgam ang iyong tingin

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko...
Mahal alam kong nahihirapan ka na
Kaya't ako na na ang gumawa ng paraan upang makatakas ka,
Sa kadena na ako mismo ang gumawa.

Tula't Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon