September 1, 2022
Lulubog, lilitaw
Sa unang linggo nang makilala kita
Sadyang kay saya ng aking nadama
Sa araw-araw na kausap kita
Nasasanay na ako sa iyong presensiya
Sa ikalawang linggo nang makilala kita
Tila baga nakaukit na sa aking isipan ang iyong pangalan
Hinahanap-hanap na ito ng aking mga mata
Sa bawat paggising ko sa umaga
Ngunit sa ikatlong linggo,
Ikaw ay biglang nagbago
Hindi na ikaw ang unang nakilala ko
Ikaw ay biglang naging ibang tao
Hanap-hanap parin ang iyong presensiya sa ika-apat na linggo
Ngunit sadyang nasasanay na ako
Ito nga yata marahil ang tadhana ko
Ang maging mag-isa sa mundong ito