October 21, 2022
Sa pagpatak ng ulan sa aming bubong
Alaala ng nakaraang buwan ang siyang nalikom
Masayang alaala ng kahapon
Nakaukit parin sa aking imahinasiyonPilit inaalala kung saan ba nagkulang
Mga katagang, "may mali ba sa'kin?" Ang siyang palaging bukambibig
Palaging tinatanong ang sarili kung bakit sa hiwalayan humantong
Ngunit 'di masagot pagka't ikaw ang siyang unang tumalikodKinalimutan mo na ang mga pangako mo sa'kin
Mga katagang labis kong pinanghahawakan
Na sana matupad subalit ito'y iyong nakaligtaan
Binalewala lahat nang pinagsamahan at siyang tinalikuranAng daming tanong na pumapasok sa isipan ko
Paano nga kaya kung nagkatuluyan tayo?
Magiging masaya ba ng buo?
O iiyak lang ako sa dulo?