Chapter Nine

57 6 2
                                    

Kaila's Pov

Wala si Keous ng araw na ito. Pumasok ito sa opisina niya kaya naman kami ni yaya Mildred ang nasa  masyon kasama ng mga katulong. Habang nag iikot ay hindi ko mapigilang mapansin ang potrait na nasa gitna na papuntang hagdan. It was a family picture of Keous and his parents. Napakaganda ng ina niya ang gwapo ng ama niya.

Tinignan ko ang paligid ng potrait. May mga larawan rin ni Keous. Napukaw ang mata ko isang picture sa komedor. Isa iyong larawan ng babae.

Kinuha ko ang picture at pinagkatitigan ng mabuti. Ang ganda ng babae.

"Hi madam." Sambit ng katulong na si Estella sa akin. Isa siya sa nakilala ko kahapon.

"Sino iyang nasa picture?" Tanong ko.

"Ah iyan po ba? Si ma'am Margarita. Ex po ni sir. Akala nga po namin siya ang mapapangasawa ni sir. Matagal na kasi sila niyan. 6 years ata." Sabi nito na kinuha ang ilang larawan at pinunasan. Nakaramdam ako ng kakaibang damdamin. Hindi ko mapangalan iyon. Parang malaman ko lang ng may ibang gusto si Keous bukod sakin ay naiinis ako.

"Eh nasan na siya?" Muling tanong ko sa kanya.

"Naghiwalay sila ni sir noong mamatay ang magulang ni sir. Hindi namin alam ang dahilan." Sabi ni Estella. "Sige ma'am mauna na ako may gagawin pa pala ako sa kusina." Paalam ni Estella.

Tinuloy ko ang pagtingin sa mga larawan. May kuha na magkasama si Margarita at Keous. Masayang nakaupo sa isang upuan.

Nakaramdam ako ng inggit. Hindi ko pa nakitang nakangiti ng ganoon si Keous. Umiling ako at iwinaksi ang nararamdaman ko. Umikot ako sa kabahayan at naghanap ng pwedeng daanan palabas.

Ang secure ng mansyon. May mga bantay sa gate pati na rin sa paligid. Naiiling akong naupo sa semento at pinagmasdan ang mga bantay ng lapitan ako ni yaya Mildred.

"Yaya sa tingin mo makakalabas ako ng mansyon?" Tanong ko.

"Imposible yan iha. Kita mo naman ang daming bantay." Sabi niya.

"Iyon na nga yaya. Sa tingin ko hindi ako makakatakas rito." Sabi ko na nakapalumbaba.

"Iha siguro ka ba talagang tatakas ka? Ayaw mo ba ng buhay na ganito? Ang malayo sa tiyo mo?"

"Hindi ko naman kailangan ng yaman yaya. Gusto ko ng kalayaan."sabi ko.

Naiiyak akong niyakap ni yaya Mildred.

"Pagod na ko yayang kinukulong at sinsaktan. Hindi natin sigurado kung hindi gagawin sakin ni Keous ang ginawa ng tiyo ko." Sabi ko na naluluha.

"Iha ang dami mo ng pinagdaanan." Sabi niya. "Magpakatatag ka."

Pinahid ko ang luha ko.

"Oo naman yaya. Ako pa ba?" Sabi ko na pinasigla ang boses ko.

Maya maya may biglang dumating. Si Gustavo. Napatayo kami ni yaya.

"Madam, ipinabibigay ni Keous. Suotin niyo raw. May dadaluhan kayong party mamaya." Ibinigay niya sa akin ang pulang gown.

"Party? Hindi naman ako mahilig sa ganoon. Sabihin mo ayoko." Sambit ko.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Keous. Iniabot nito ang cellphone sa kanya.

"If you're not wearing that gown, I will come home and I'll dress you." Sambit niya. Ramdam ko ang galit sa boses niya.

Kinuha ni Gustavo ang cellphone niya. Habang ako ay naiinis na kinuha ang damit.

Sinamahan ako ni yaya Mildred at inayusan.

Hintayin mo lang Keous makakatakas rin ako sayo.

-

Keous' Pov

Nasa isa akong party. It was my engagement party with Kaila. I will announce our wedding with my business acquittance. Marami ng mga tao sa bulwagan. May sikat at kilala sa lipunan. Nandoon rin ang mga kaibigan ko.

"Hey pare!" Sambit ni Cole sabay tapik sa balikat ko. "Congratulations bud."

"Thanks pare." Sambit ko.

"Finally we will see who's the unlucky lady." Sambit ni Keil na sumimsim sa baso nito na may alak.

"G*go anong unlucky?" Sambit ko sa kanya. Tumawa lamang siya.

"It's a joke pare."

"Padating na ba siya?" Tanong ni Hero na prenteng nakasandal sa gilid.

"Yes, sabi ni Gustavo their here in a minute."Sabi ko.

May maya ay dumating na ang mapapangasawa ko. She was wearing the red gown I bought for her. It was off shoulder. Her breast was exposed. Napamura ako. Dapat pala iba ang binili ko. Iyon kasi ang nirekomenda ng designer na iyon.

Agad akong lumapit sa kanya at hinapit siya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Hey my fiance." Bulong ko sabay halik sa labi niya. She was shock. Muntik na siyang matalisod. Buti na lamang at nahawakan ko siya.

-
Kaila's Pov

I was shock of what he did. He kissed me!

"Bakit mo ako hinalikan?" Inis kong bulong sa kanya.

"I'm just can't help it. You're gorgeous." Bulong nito.

"Letse ka! Huwag mo ng ulitin iyon!" Inis kong sambit.

"I can't promise." Sabi nito.

"Ladies and gentlemen, the couple." Sigaw ng emcee pagkatapos ay tinapat sa kanila ang spotlight. Nasilaw ako kaya naman napakapit ako kay Keous na inaakay na ako papuntang stage.

"Thank you for coming on our engagement party everyone. The wedding will be next week. You're all invited" Sambit ni Keous ng iabot sa kanya ang mic. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang dami ng tao. 

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Hey baby, don't worry I'm here." Sabi niya sa akin.

Kinikilig ang mga tao habang nakatingin sa amin. Hindi ko mapigilang mahiya.

"Everyone this is Kaila Elira Escaleza, my soon to be wife." Pagpapakilala s kanya ni Keous. Nagpalakpakan ang mga tao.

Kiming ngiti lamang ang tinugon niya. Nang matapos ang pagpapakilala ay iniabot ni Keous sa kanya ang engagement ring at inilagay sa kamay niya. Gusto niyang tumutol ngunit maraming tao sa paligid.

Niyakap siya nito. Kahit naiilang ay gumanti siya ng yakap sa binata.

"Pretend you're happy. You face doesn't show happiness." Keous whispered.

Bumitaw ito sa kanya siya naman ay niluwagan ang pagkakangiti.

"Letse." Bulong niya.

"Isa pang letse and I'll kiss you." Sambit niya.

"Let-shit!" Sambit ko ng mapagtanto kung masasabi ko na naman ang salitang letse. Ngumisi siya sa akin. Inirapan ko siya at tinignan na lamang ang mga tao na nakatingin sa amin. 

Akmang titingin ako sa gilid ng mahagip ng mata ko si tiyo Gener. Kitang kita ko ang galit sa mata niya. Bigla akong natakot. Nakaramdam rin ako ng hilo. Buti na lamang at nasa tabi ko si Keous.

"Hey are you alright?" Tanong ni Keous. Tinignan ko muli ang lugar kong san ko nakita ang tiyo ko ngunit wala na ito roon. Napabuntong hininga ako at inayos ang tayo ko. Baka namamalikmata lang ako.

-
A/N: Happy engagement couple! Pavote please.

Claimed by Him (Breathless Temptation: Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon