Kaila's Pov
Ilang araw ang lumipas at nakalabas na ako sa hospital. Kasama si yaya Mildred na tulak tulak ang wheelchair ko ay palabas na kami ng pagamutan. Katabi ko si Gustavo na nakamasid sa paligid. Wala si Keous dahil may inaasikaso sa opisina.
Sa ilang araw na nasa hospital ako ay palagi niya akong dinadalaw. Kahit paano ay unti unting gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya at natatakot ako na lumalim ang nararamdaman ko.
Nasa parking lot kami ni yaya ng tumawag si Keous sa kanya. Ang sabi nito ay pupunta raw sila sa kompanya nito para sabay silang maglunch.
Kaya ng makasakay kami sa kotse ay agad na pinaandar iyon papunta sa kompanya ni Keous.
Keous' Pov
I was busy signing papers when Zenaida enter my office. May dala dala siyang mga documents mula sa proposal ng ama niya.
"Keous you should unwind. Ang dami mo ng ginagawa. Hindi ka ba pagod?" Tanong nito sabay punta sa likod ko. She start massaging my shoulder.
"Zenaida please stop." Sambit ko sa kajya ngunit hindi siya natinag.
I was about to speak again when she hugged me.
"Ano bang kailangan kong gawin para balikan mo ako?" Sambit niya.
Tinanggal ko ang kamay sa katawan ko. Tumayo ako at tumingin sa kanya.
"Wala kang dapat gawin kasi kahit ano pang gawin mo ay hindi na magbabago ang isip ko. I have Kaila now, and she is my everything."
"Iyon talaga pipiliin mo kaysa sa akin?" Galit na tanong niya.
"Oo siya palaging pipiliin ko." Sabi ko.
"How dare you?!" She said.
"Kung hindi ka titigil sa kakaganito Zenaida, I will turn down the proposal of your father."
"You can't do that!" Sambit niya na di makapaniwala.
"I can and I will Zenaida if you keep pushing yourself to me." I said with warning tone.
Kitang kita ang pamumutla ng mukha niya. She step back and exhale.
"You can leave." Sambit ko. Hindi siya nagsalita at umalis na sa harap ko. Napaupo ako sa swivel chair ko at napasapo sa noo ko. Ilang araw na akong walang tulog ng maayos dahil sa pagbabantay kay Kaila.
Bigla akong napangiti ng maalala ang dalaga. Simula ng maospital ito ay hindi na gaanong masungit.
Ngumingiti na rin ito sa kanya katulad na lang noong nakaraan. Ibinili niya kasi ito ng mami. Tuwang tuwa ang dalaga sa pagkain.
Her smile make him weak. Looking at Kaila with happy face makes his day.
He grab his phone and look at his wallpaper. It is Kaila while eating her mami. Hindi nito alam na may stolen shot ito sa kanya.Nawala na ng tuluyan ang inis niya kay Zenaida. Inilapag niya ang cellphone at sinumulan ulit magpakabusy sa ginagawa niya ng may kumatok sa pinto. It was Gustavo with his fiance and yaya Mildred. Agad siyang napangiti ng makita ang dalaga. Tumayo siya para lumapit rito at halikan sa noo. Bigla siyang nagulat sa ginawa ko.
"Mabuti naman nandito na kayo? Kumusta ang pakiramdam mo Kaila?" Tanong ko sa kanya.
"Okay naman." Simpleng sagot niya. Pumunta ako sa likod niya at itinulak ang wheelchair papasok sa office ko. Kitang kita ang pagkamangha sa mukha niya.
"This is my office baby." I told to her. Tumingin siya sa bintana na kita ang buong view sa labas.
"Ang ganda naman dito." Sambit niya.
Umupo ako sa tabi niya.
"Yeah, like you."
Napangiti siya at namula. She's cute when she's blushing.
"Ahm tatapusin ko lang ito then pwede na tayo maglunch." Sabi ko sabay tayo at balik sa lamesa ko.
Inumpisahan ko ulit ang ginagawa ko ngunit hindi ako makapagconcentrate.
"Fvck." Bulong ko sabay tayo. "Let's go baby, makakapaghintay naman yang mga iyan." Sabi ko sabay hawakaa wheelchair niya at tulak palabas ng office. Nakatitig lang siya sa akin na nagtataka. Nakasunod samin si Gustavo at yaya Mildred na may mga ngiti sa labi.
"What do you want for lunch baby?" I ask her.
"Hmm gusto ko roon sa resto na kinainan natin nung isang araw." Sabi niya na nakangiti na naman.
Hindi ko maiwasang mapangiti.
She's being comfortable with me. Dati rati hindi siya kumikibo pag tinatanong ko.
Maybe someday she would fall for me.
Kaila's Pov
Pagkakatapos ng pananghalian ay umuwi na kami ni yaya Mildred sa masyon. Habang si Keous ay bumalik ng opisina. Nasa kwarto ako habang binabasa ang librong binili niya ng biglang pumasok si yaya Mildred. Tuwang tuwa siyang inilapag ang isang napakalaking kahon sa kama ko.
"Iha, dumating na ang wedding gown mo." Sabi niya. Binuksan niya iyon at bumungad sa amin ang isang napakaeleganteng white gown with sorovski beads.
Kahit gusto kong magandahan sa gown ay hindi ko magawa. Nakaramdam ulit ako ng lungkot at takot. Malapit na ang itinakdang pag iisang dibdib namin ni Keous.
"Iha, hindi ka ba nagandahan? Pwede naman raw ipabago ni Keous ito kung ayaw mo." Tanong ni yaya. Umiling ako at umupo sa kama. Hinawakan ko ang gown.
"Hindi naman ako masaya yaya. Hindi ko gustong ikasal sa kanya." Sabi ko. Inilapat ko iyon sa sarili ko at tinignan ang repleksyon ko sa salamin.
Kung ibang pagkakataon siguro magugustuhan ko si Keous, pero hindi ko na yata alam kung paano sumaya.
"Iha sigurado ka bang tatakas ka? Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?"
"Yaya diba napag usapan na natin ito."
"Pero iha mukhang mabait naman si Keous at mukhang mahal ka talaga niya."
"Hindi tayo nakakasiguro yaya. Matatanggap niya kaya ako pag nalaman niyang winalanghiya ako ng tiyuhin ko? Sambit ko. Nakaramdam ako ng pait sa kalooban ko at sakit. Maisip ko palang na pandirian ako ni Keous ay nawawasak na ang puso ko.
Lumapit sa akin si yaya at niyakap ako.
"Ano mang mangyari iha nandito lang ako." Pag aalo niya sa akin.
"Salamat yaya."
"Oh hala ayusin na natin yung mga gamit mo sa pagtakas mo. Ilagay ko na itong gown sa dresser mo."
Tumango ako at iniabot ang gown sa aking yaya. Siguro naman matapos kung makatakas kay Keous ay mababago na ang buhay ko.
-
A/N: sorry natagalan, daming deadline sa school. Pavote please.

BINABASA MO ANG
Claimed by Him (Breathless Temptation: Series 1)
RomanceBreathless temptation Series 1 Keous and Kaila Claimed by Him Kaila Elira Escaleza bond to love Keous Ezekiel Villegas. She was forced to marry this bachelor man. Ayaw man ng kalooban niyang maikasal sa binata ay wala na siyang magagawa. Naipagbili...