Prologue

137 2 0
                                    

"Love conquers all."


Prologue


Siesta time sa St. Bernardine Hospital at hindi mapigilan ni Lee-ann ang mapapikit sa sobrang katumalan. Kung minsan, mas gusto pa niya kapag night shift siya - mas "exciting". 'Yon ay dahil sa alerto siya, takot sa mga multo na sinasabing madalas manahan sa mga ospital. Maya't-maya pa ay may isang binatang may katamtamang tangkad, guwapo ngunit gulo ang buhok na biglang pumasok na may tuwalya sa kamay na puno ng dugo.


Emergency instincts at dali-daling tumayo si Lee-ann sa kinauupuan at dinampot ang first aid kit. Ang puti niyang uniporme ay mistulang liwanag na mabilis na nakarating sa sugatang lalaki. Napansin ni Lee-ann ang mga bubog ng salamin sa sugat ng binata kaya't hindi na ito nagtanong. Sa mukha ng lalaki, mukhang hindi rin ito handang makipag-usap. Bakas sa mukha nito ang nagpupuyos na galit.


'Ano kaya'ng nangyari?' isip-isip ni Lee-ann. 'May itsura pa naman s'ya... Nope, I think guwapo siya.' Yumuko na lamang si Lee-ann para itago ang pamumula ng mga pisngi niya.


Mistulan namang kumalma bigla ang lalaki habang pinapanood si Lee-ann na maingat na tinatanggal ang mga bubog sa sugat. Napansin nito na maganda at makinis ang dalaga.


Nang dahil sa kinakailangan, tinanong ni Lee-ann ang pangalan ng binata pagkatapos niyang bendahan ang mga sugat.


"For record keeping, sir, anong pangalan nila? May record na?" malambing na tanong ni Lee-ann.


"Diego Carlos Nuestro. 27, Bloom Gardens, Single," sagot ng binata.


Single. He's single. Madaliang isinulat ni Lee-ann ang mga impormasyon at itinuro na si Diego Nuestro sa naka-istasyong head nurse para sa billing. Pero, tinitigan lamang ni Jigs si Lee-ann at nahiya naman ang babae kaya't humakbang na lamang siya papalayo. Pagkatalikod na pagkatalikod niya ay nagulat siya sa biglang sambit ng guwapong binata. Tinatanong nito ang number niya.


"Ano 'yon, sir?" ang nagtatakang sagot ni Lee-ann.


"Sabi ko anong number mo, Lee-ann? I'm Diego. You can call me Jigs. Gusto ko lang sanang may ma-kontak ako in-case mangailangan ako ng tips para sa mga sugat ko, like topical pain-relievers, antiseptics, or whatever."


May ka-sosyalan ang pagsasalita ng binata na agad namang kinainteresan ni Lee-ann. Nagustuhan din niya kung paano nito sambitin ang kanyang pangalan, 'Lee-Yann'. Malamang sa malamang ay nabasa iyon ni Jigs sa nameplate niya. Napakalamig at napakaganda ng boses nito, at napaka-guwapo pa. Broad shoulders, sexy voice, intense eyes, and that smile - very nice smile. Who is this guy?


Sumagi sa isip ni Lee-ann na baka interesado sa kanya ang lalaki pero pinigil niya agad ang iniisip niya, 'Wag kang assuming, Lee-ann. Baka talagang kailangan lang niya ng tips o tulong,' puna sa sarili. 'Pero ang guwapo talaga niya...'


"Nice meeting you, Jigs. I'm Lee-ann," naka-ngiting sagot ni Lee-ann pero sa propesyonal pa rin na tono. Iniabot niya ang kanyang number sa kapirasong papel kay Jigs Nuestro, ang misteryosong lalaking may intense na mga titig at napaka-mapang-akit na boses. Ngumiti bahagya si Jigs at kinuha ang number. Tumango ito at tumungo na sa head nurse.


Pinagmasdan saglit ni Lee-ann si Jigs habang nakikipag-usap ito sa head nurse - mga importanteng bagay tungkol sa araw ng pagtanggal ng benda, mga kailangang iwasan, at iba pang mga bagay na di na niya naulinigan pa. Gusto pa sana ni Lee-ann na pagmasda ng maigi ang mukha ng binata at pakinggan ang maganda boses nito ngunit kailangan na niyang bumalik sa kanyang nurse duties.


Wala pang ilang sandali, habang ibini-BP niya ang isa pang pasyente ay nakita na ni Lee-ann na umalis si Jigs. Napansin din niya na naiwan nito ang dalang blue-green sports jacket.


Sinubok ni Lee-ann pero hindi na niya naihabol pa ang jacket kay Jigs nang dahil sa mabilis itong nakaalis. Naisip ni Lee-ann, 'Itatago ko na lang pansamantala ang jacket...' Something made her so sure that Jigs will call her, na kay Jigs ang number niya. Iaabot na lamang niya ang jacket pag nagkausap na sila. God knows kung kailan uli sila magkikita but secretly, Lee-ann hoped it would be very soon.


(Thanks for reading Prologue! Will be posting Chapter 1 soon. Most probably next week* :-) Thank you! ^__^ -AC)

Trust and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon