Chapter 3

43 0 0
                                    

At last. It seemed like hours of travel pero sa wakas ay narating din ni Lee-ann ang bahay nila Jigs. Madilim ang paligid ng buong kabahayan. Mukhang walang tao. Nagiisang ilaw lamang ang nakasindi sa kuwarto sa ikalawang palapag. Bukas ang pinto.


Natunton ni Lee-ann ang hagdan at madaling pumanhik dala ang isang cooler na laman ang supplies - IV line, bandages, at blood packs. Bagamat naka nightie at sweater lamang siya ay hindi na niya iyon ininda. Kailangan siya ni Jigs, ngayon na.


Pagkabukas ni Lee-ann ng pinto sa kuwarto sa dulo ng palapag, nakita niya na ang nakasinding ilaw ay nanggagaling pala sa isang malaking master's bath. Bahagya man ang liwanag sa kinatatayuan niyang kuwarto, sa paningin ni Lee-ann ay wala namang nangyaring anumang gulo. Malinis at maayos ang kobre kama at kahit saan walang bahid ni ano ng dugo. 


"Lee-ann, nandito ako sa banyo." 


"Jigs?"


Nakita ni Lee-ann si Jigs na nakaupo sa nakasarang toilet seat, walang suot na pang-itaas, may hawak na wine glass at nagbabasa ng maliit na libro.


"Ano 'to, Jigs?" tanong Lee-ann.


Tumayo si Jigs sa kinauupuan at lumapit. Kinuha niya ang cooler na hawak ni Lee-ann at inilapag iyon sa may sahig. Hinawakan niya ang buhok ni Lee-ann at saka ito nagsabing, "Ngayon ko lang nakitang nakaladlad ang buhok mo, Lee-ann. Ang ganda-ganda mo." Matindi at mala-hypnotic ang mga titig ni Jigs.


"Jigs, ano ba 'tong ginagawa mo?" Nagugulumihanan man, mahinhon pa rin ang tugon ni Lee-ann.


"I want you, Lee-ann. I just want you so bad."


"Nasisiraan ka ba, Jigs?"


"Yes, maybe... I get crazy when I don't get what I want."


All of a sudden he lifted her up. Binuhat, dinala sa kuwarto at inihiga sa kama. Hinawakan ni Jigs ang mga braso ni Lee-ann pero hindi ito nagpumiglas. Hindi niya magawang magpumiglas.


Hinalikan ni Jigs si Lee-ann sa leeg sa bibig, hinimas ang mga dibdib, at saka hinimas din ang pagitan ng mga hita.


"No!" sa wakas ay nagawang magsalita ni Lee-ann. Umupo siya mula sa pagkakahiga. "Jigs, please, hindi ito pwede."


Huminahon si Jigs, pinigil niya ang kanyang sarili. Pigil na pigil. Hinalikan niya nang marahan si Lee-ann sa pisngi, tinitigan ang mga labi at saka tumingin sa mga mata nito at nagsabing, "I admire your self control, Lee-ann." Ngumiti sa Jigs at patuloy na sinabing, "I respect you." And then he let go of Lee-ann.


Feeling some kind of sudden loss, Lee-ann stood up and asked, "Ano'ng pwede kong gawin? Obviously, you're... you're somewhat torn. Troubled. Ano ba talagang meron? Bakit mo 'to ginagawa? At anong ginawa mo noon sa kamay mo at bakit? Sorry sa mga tanong, but I don't want you to hurt yourself again, or even fool anyone you're going to hurt yourself again."


"Don't worry, Lee-ann. I am sorry for all these. I won't hurt myself again. Promise."


"Pa'no naman ako makakasigurado?"


Nilapitan ni Jigs si Lee-ann at saka ito niyakap.


"Just stay with me. Stay with me tonight."


"Okay? Okay Jigs, I can do that. Pero..."


"Pero walang mangyayari. Yes, walang mangyayari. I am giving you my word, Lee-ann. You are a respectable woman," he smiled.


"Thank you. Jigs. Thank you."


"Kukuha lang ako ng mga unan mo. Dito ka na sa kuwarto ko matulog. Dun ako sa kuwarto ng kapatid ko. Night shift siya kaya tayong dalawa lang ngayon dito sa bahay."


"Wait, don't leave, Jigs. Takot ako mag-isa. Takot ako... sa dilim."


Napatawa naman si Jigs. "Takot? Sa dilim? So what do you suggest?"


"Pwede bang... dito ka na rin matulog sa kuwarto?"


And he flashed his most mischievous grin. "Talaga? Talagang gusto mo na dito ako matulog?"


"Please, don't tease, Jigs."


Kinuha ni Jigs ang mga unan at comforters sa closet. Pinagtiklop ang dalawang comforters sa isa at inilatag iyon sa carpeted na hardwood flooring.


"Diyan ka na sa kama, dito ako sa baba."


Tinignan lamang siya ni Lee-ann.


"O, bakit parang ayaw mo."


"Hindi, ayos lang," ani Lee-ann.


Jigs smirked his cutest most mischievous smile at napangiti na rin si Lee-ann.


"Sorry again, Lee-ann."


"It's okay, Jigs..."


Nahiga na ang dalawa at ilang sandali pa ay nakatulog na si Jigs, nakahiga sa ibaba ng may kama. Pinagmasdan siya ni Lee-ann nang may halong pagkatuwa at pagtataka. He is a confusing, aggressive and mysterious man. Charming though, he's very sexy and handsome.


Napabuntong hininga na lamang si Lee-ann habang iniisip kung ano ba talagang meron sa naghihilom na mga sugat ni Jigs. Sa pakiwari niya, may masalimuot na sikreto ito kung kaya't hindi nito magawang magsabi sa kanya. Gayun pa man iisa lang ang nasisiguro niya. Napakabilis man, pero unti-unti nang nahuhulog ang loob niya at tiwala sa guwapo at malambing ngunit agresibong binata...


Thanks for reading! Please comment, follow, rate so I'll keep posting. :) Chapter 4 is coming up next! ;) - AC

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trust and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon