Introduction

27 1 0
                                    


Money can't make you Perfect .

Beauty can't make you Perfect .

Even being Smart won't make you Perfect


But the only thing I know for sure is that, LOVE will make us a BETTER person


I'm Thalia Nicole Perez and this is my Perfectly Imperfect Life




"I'm sorry pero wala na siya" sabi ng doctor kanila Mommy and Daddy


"Doc ano ba! Sabi mo ililigtas mo ang anak ko! Ano kalokohan yang lumalabas sa bibig mo!" galit na sabi ni daddy sa doctor habang umiiyak.


"Sorry Sir, ginawa naman po namin ang lahat" mahinahong sagot ng doctor


"Wth! Ang ginawa ang lahat. Kung ginawa niyo ang lahat hindi mangyayari ito!" galit na sagot ni Daddy habang si Mommy naman ay pinapakalma siya.


"Sorry po Sir. Ma'am" malungkot na sabi ng doctor tapos umalis na din



Ayan ang mga naririnig ko habang nakaupo sa bench at umiiyak. Tama ba ang naririnig ko. Hindi nila nailigtas si Trisha. Hindi nila nailigtas ang kapatid ko.


Lumapit ako kay Daddy at Mommy para yakapin sila pero nagulat ako sa ginawa ni Daddy



"Ikaw!! Kasalanan mo ito!" nagulat ako sa malakas na pag kakahatak sa akin ni Daddy. Kasalanan ko? Oo kasalanan ko, kung hindi dahil sa akin hindi mamamatay si Trisha. Kung hindi dahil sa akin hindi tatakbo si Trisha at hindi siya masasagasaan.


"Ikaw kung hindi dahil sayo hindi mawawala si Trisha!" galit na sabi sa akin ni Daddy habang hawak ang mga braso ko at nang akma na niya akong sasaktan ay pinigilan siya ni Mommy samantalang ako umiiyak lang.



Hindi ko naman gusto ang nangyari. Masakit din sa akin mawala ang kapatid ko. Kung pwede ko lang ibalik ang oras gagawin ko para mailigtas ang kapatid ko. Kung sana ako na lang yung nasagasaan at hindi si Trisha.

Kung maibabalik ko lang sana ang lahat














Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon