Chapter 3 - "Four Angels"

13 0 0
                                    


Ano kayang gagawin ko para matulungan si Mommy? Hayyy nako bakit naman kasi palpak yung pagkuha ng banda. 1 hr na lang bago yung pagwewelcome ni Mommy sa new students. Kung nandito ka sana Trish matutulungan mo ako.


Habang nakayuko ako at nakikinig ng music nagulat ako dahil yung nagpiplay ngayon sa phone ko ay yung kanta na pinerform namin nila Cess, Yassi, at Trish nung Battle of the Bands sa Academy. Tama!!!! Pwedeng kaming tatlo na lang nila Cess at Yassi ang tumugtog kung wala pa talagang mahahanap sila Mommy na bagong band. Thank you Lord!! Alam ko yung pagplay ng performance namin ay way niyo para matulungan ako. Thanks Trishhh. Pero teka. Hindi pwede. Hindi na ako pwedeng tumugtog. Pinagbawalan na ako ni Daddy na tumugtog. Pero sila Cess at Yassi pwede naman. Kaya naman nila yun ehh.


"Mom?" sabi ko


"Yes Iya" sagot ni Mommy na halatang problemado pa.


"Mom I have an idea po" sabi ko


"Ano yun Iya?" sagot ni Mommy


"Mom naaalala niyo po ba yung Battle of the Bands last year? Yung tumugtog kami?" sabi ko


"Oo naman anak. Kasama mo pa nga sila Cess at Yassi nun dba? Pati si Trish" sabi ni Mommy na parang biglang namiss si Trish


"Mom bakit hindi po sina Yassi at Cess na lang ang ipalit niyo sa banda na hindi makakapunta. Kilala niyo po sila Mom. Magaling po sila" sabi ko kay Mommy. Kaya naman pinatawagan ni Mommy sa akin sila Cess at Yassi.


Maya-maya pa ay dumating na si Cess at Yassi sa office.


"Tita Amanda may plus grade po ba ito?" tanong ni Cess. Aba, plus grade agad nasa isip wala pa ngang lesson.


"Cess ano ka ba! Tita we are willing to help you po" sabi naman ni Yassi


"Nagjojoke lang naman ako" sagot naman ni Cess. Hayyy ito nanaman tong dalawa. Kaya naman sumingit na ako sa usapan. "Girls kailangan ni Mommy ng tulong niyo" sabi ko


"Cess at Yassi kaya niyo naman diba? Kahit 20 mins na practice lang. Pwede niyong gamitin yung music room" sabi ni Mommy sa kanila.


"Po? Kaming dalawa lang po" sagot ni Cess. "Tita as in dalawa lang kami ni Cess? I think we can't do that Tita. Kailangan po namin si Thalia, siya po ang lead vocalist namin, walang mangyayari sa amin kung wala siya" dagdag ni Yassi


"Guyss ano ba hindi ako pwede. Alam niyo yan diba?" sagot ko naman


"Pero Thalia hindi talaga namin kaya" sagot sa akin ni Yassi. "Baka mapahiya lang kami mamaya sa stage" dagdag pa ni Cess


"Okay. Stop it girls. Thalia, anak sumama ka na sa performance mamaya. Wala naman ang Daddy mo so I think it's okay na magperform ka. Tsaka, It's for the sake of our Academy naman. Mas nakakahiya kung walang tutugtog mamaya" sabat ni Mommy sa pag-uusap namin nila Cess at Yassi


Teka? Ako tutugtog ulit? Kaya ko pa ba? Isang taon akong hindi humawak ng instruments.


"Mom I think hindi ko po kaya. Hindi na po ako sanay" sabi ko


"Iya I know you love music so much, kaya hindi mo kailangan masanay. For sure pag nahawakan mo na ulit yung mga instruments. Kusa na lang gagalaw ang mga kamay mo para tumugtog" sagot naman sa akin ni Mommy. "Kaya pleaseee. Iya for me.Kung iniisip mo ang Daddy mo ako na ang bahala. Pleasee" dagdag pa ni Mommy.


"Okay Mom. For you I'll do it" sagot ko na nakangiti


"Okay!!! Let's do this girls!!!" Biglang sigaw ni Yassi Hahahahahaha ito talagang babaeng ito nakakagulat. Kaya naman dumiretso na kami agad sa music room. Ang sarap sa feeling kasi nandito ako ngayon sa kwarto na kung saan nandito ang pangarap ko. Hayyy wala nang panahon para magdrama kailangan na namin mag practice. Kaya naman pinractice na namin ang pinerform namin dati kasama si Trish.


Tama si Mommy pagmahal mo talaga ang isang bagay kusa itong babalik sa kinagawian. Kaya naman after ng 15 mins okay na kami ni Cess at Yassi.


"Mas masaya sana kung nandito pa si Trish" sabi ni Cess


"Cess ano ba palulungkutin mo nanaman si Thalia" saway ni Yassi


"Okay lang Yassi, kahit ako namimiss ko na din si Trish" sagot ko. "Kaya girls kailangan ayusin natin ito okay? Para kay Mommy and syempre para kay Trish" dagdag ko pa sabay ngiti


"Group hug!!!!" sigaw na Yassi. Ayun nga nagyakapan kaming tatlo at dumiretso na agad sa auditorium.


Pagdating namin sa auditorium ay sakto naman na kami na yung kailangan tumugtog. Tinugtog namin yung kanta na We are Family, hindi naman namin nabigo si Mommy dahil natapos kami ng masaya ang lahat. At dahil success kaming tatlo sinabi ni Mommy na ililibre daw niya kami sa Savory. Habang nasa biyahe ay puro flashback ang ginawa namin, kagaya na lang kung paano nabuo ang frienship namin.


"Thank you girls ha? Kung wala kayo ang boring siguro nung event" sabi ni Mommy habang kumakain kami. "Buti na lang mag three angels ako" dagdag pa ni Mommy


"No mom, we are four. Four Angels" sabi ko sabay ngiti. Alam naman niya na si Trish yung isang angel pa na tinutukoy ko.




Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon