Chapter 4 - Hoping for the Best

5 0 0
                                    

Unang araw ngayon ng aming klase kaya naman maaga akong nagising para hindi malate. Ayaw ko naman na sabihin nila na inaabuso ko yung pagiging anak ng may-ari ng school. Bago maghanda para pumasok ay nagdasal muna ako, kasama na sa mga dasal ko ay ang maging okay na kami ng daddy ko. Pagpunta ka sa dining ay kumakain na si daddy at mommy.


"Thalia. Could you please put down your dog" inis na sabi ni daddy sa akin. Kaya naman inabot ko na agad si Skippy kay Manang Helen


"Ano ba Thomas" sabi ni mom kay dad.


"What? Kakain siya tapos may kargang aso. Mamaya kung anong germs ang nandyan sa aso" sagot naman ni daddy kay mommy. Concern na ba si dad sa akin ulit? Hmm. Don't worry dad malinis naman si Skippy.


"Mom tama naman po si Dad" sabi ko kay mommy. "Good morning po" sabi ko kay daddy at sinagot naman niya ako ng "Good morning". Teka? Totoo ba ito? Binati ako ni daddy? Hindi niya ako inisnob?.


"Sige na Iya kumain ka na, baka malate ka pa" sabi ni mommy sabay ngiti.

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako at nag-ayos saglit, tapos kinuha ko na yung susi ng sasakyan ko. Oo may sasakyan na ako at meron na din akong student's permit.

Westridge Academy

Pagdating ko sa academy ay may naririnig nanaman akong tumatawag sa aking "Ms. Perfect", hay nako kung alam lang nila ang pinagdadaanan ko hindi nila masasabi yun. Pagtapat ko sa pintuan ng classroom namin ay biglang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.


"Thalia!!!!!" sigaw nung babae. Paglingon ko si Frances yung tumawag sa akin, sabi na nga ba eh. Siya lang naman kilala kong mahilig sumigaw.


"Hyper mo naman Cess" sabi ko naman sa kanya tapos sabay na kaming pumasok sa room.


Pagkaupo namin ni Cess ay kinamusta niya ako tungkol sa sitwasyon namin ni daddy. Kaya naman naikwento ko yung nangyari kaninang umaga. Hay nako sana magtuloy-tuloy na nga talaga. Maya-maya pa ay dumating na si Yassi, kaya naman mas naging madaldal itong si Cess. Paano ba naman kasi si Yassi naman talaga ang kapartner niya sa kadaldalan.


"Cess di pa ako nakakapasok rinig ko na agad boses mo" asar ni Jasper kay Cess. Sabay upo sa tapat namin kasama sila John at Mico. Silang tatlo ay ang pinakamagaling na basketball player sa academy namin, malakas mang-asar, habulin ng babae, sikat na modelo at galing din sa mayamang pamilya.


"Eh bakit ako lang? Si Yassi din naman ah" sagot naman ni Cess kay Jasper. Oo nga naman si Yassi din eh maingay eh. Hmmm I smell something fishy.


"Grabe ka naman Jasper, rinig mo na agad si Cess. Iba talaga ang love" asar naman ni Yassi na gumawa pa ng heart shape gamit ang kamay niya. Ayun parehas kami ng iniisip ni Yass.


"Iba na yan tol, ligawan mo na kasi si ate" asar pa nila Mico sabay tawa. Yep, tama ang nabasa niyo kapatid ni Mico si Francess. Nalate kasing mag-aral dati si Cess, kaya nagkasabay tuloy silang dalawa ni Mico.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon