Chapter 2 - "Welcome to Westridge Academy"

22 0 0
                                    


Ngayong araw na simula ng pasok sa Westridge Academy na pinamamahalaan ni Mommy. Kaya naman bumangon na ako agad para makapaghanda. Kumain na muna ako pagkatapos ay naligo na. Susuotin ko na din yung bagong Armani blue dress na binili ni Mommy kahapon.


"Iya? Are you ready to go?" tanong sa akin ni Mommy na nasa labas ng kwarto ko


"Give me 5 mins mom" sagot ko naman kay Mommy


"Okay. Hintayin na lang kita sa baba" sabi niya kaya naman nagmadali na ako agad na ayusin ang buhok ko.


Bago ako umalis nagpaalam muna ako kay Trisha. "Kung buhay ka pa sana kasabay ka ni Ate papasok" sabi ko sa picture ni Trisha sabay halik dito.

I really miss you Trish. Hayyy ito nanaman ako. Kaya bago pa ako maiyak ay niyaya ko na si Skippy pababa. "Let's go Skippy baby"


Sabay na kaming umalis ni Mommy papunta sa Academy. Habang nasa biyahe ay naisip kong tanungin si Mommy kung nasan si Dad.


"Mommy nauna na po ba si Daddy" tanong ko


"No anak eh. Aasikasuhin kasi niya yung bagong investor dun sa hotel natin sa Tagaytay eh" sagot naman ni Mommy


"Ahhhh. Samahan ko na lang po muna kayo habang nagwewelcome sa mga new students ng Academy" sabi ko naman kay Mommy


"Thanks anak" sagot naman ni Mommy na nakangiti.


Medyo tahimik sa biyahe. Kung nandito sana si Trish sana may kadaldalan ako habang busy si Mommy. Hayyy...... Sorry Trish ha? Kung nasasagabal kita sa heaven. Pasensya mo na si Ate miss lang talaga kita. Bago pa ako maiyak ay nagpasak na ako ng earphones sa tenga ko para makinig ng music. Oo nga pala, di ko pa nakukwento sa inyo na isa akong music lover. I love playing violin, guitar, drums, piano and I love singing.


"Manong daan muna tayo sa Cafe malapit sa Academy" sabi ni Mommy sa driver. Kaya naman dumaan na muna kami sa Cafe bago dumiretso sa Academy.


Pagdating namin sa gate ng Academy ay bumungad na kaagad ang malaking banner na may nakalagay na "WELCOME TO WESTRIDGE ACADEMY", makikita mo na din sa labas ang mga stalls kung saan pwedeng bumili ng makakain ang mga students at iba pang mga products. Napupuno ngayon ang Westridge ng kulay at ingay ng mga students at music.


Habang naghahanap ng mapaparkinggan yung driver namin biglang may tumawag sa akin.


Yassi Mendez Calling...............................


"Hello Yass"


"Hey girl!!! I saw your family car na. Sama ka sa amin ni Francess kita tayo sa cafeteria"


"Sorry Yass di ako pwede ngayon. Kailangan kong samahan si Mommy sa pagwewelcome sa new students"

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon