Chapter 2.2

16 1 0
                                    

"Doc? how's my daughter?" narinig kong sabi ni mommy. Hindi pa din ako dumidilat simula ng magkamalay ako. Alam ko nanaman kasi kung nasaan ako kaya ayokong dumilat. Amoy pa lang alam na alam ko na.

"She's now stable. You don't have to worry Mrs. Torres. She experience pleural effusion which cause her shortage of breath that cause her unconciousness. But we already drain the fluid from her lungs so she's stable now." paliwanag ng doctor kela mommy.

Huminga ng malalim ang mommy ko bago ulit siya nagsalita. "Thank you doctora."

"It's our duty Mrs. Torres." That's all she said and narinig ko nang bumukas at sumara yung pinto.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinalikan ito. Pagkatapos ay dinampi niya sa pisngi niya. Nung may naramdaman akong basa sa mga pisngi niya may onting kumirot sa puso ko. Umiiyak nanaman kasi ang mommy ko.

Napaka walang kwenta kong anak. Lagi ko na lang pinapaiyak ang parents ko. Wala na nga akong naitutulong, pabigat pa ako.

"The doctor says she's okay na. Wag ka na umiyak." Narinig kong sabi ni daddy to comfort mommy. Nasasaktan nanaman ako.

"Pero hon. Narinig mo ba ung sabi niya kanina? sabi niya kailangan na daw natin masanay na wala sya." Habang sinasabi un ni mommy nanginginig yung boses nya. "Alam ko naman kung ano pwede mangyari pero hindi pa ako handa." Hindi na napigilan ng mommy ko. She break into tears and hold my hand so tight. "I still don't want to lose her."

Hindi ko napigilan sarili ko na lumuha. At ngayon dumadaloy na sila sa mga pisngi ko. Nahihirapan na ako pero alam kong nahihirapan din sila at ayoko nang mahirapan sila.

"Mommy?" Nagulat si mommy nang bigla akong magsalita. Nakasubsob pala siya sa kama ko. Kaya nung tinaas niya ung ulo niya nakita ko ung sobrang lungkot niyang mukha. Mas lalo akong nasasaktan.

"baby? kanina ka pa gising?" tumango na lang ako bilang sagot. Nawalan na kasi ako ng boses na magsalita. Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko. "Gano na katagal?"

Bakit pa niya tinatanong? Wala na ngang boses na lumalabas sa bibig ko. At baka pag nag salita ako hindi ko na mapigilan ung pagiyak ko. Pero kailngan ko mag salita para sabihin ko ang dapat kong sabihin.

"Mommy?" Nanginginig kong simula. "I-is there a-any other way?" Sabi ko na nga ba eh. Nagptuloy na siya. Ngaun di ko na alam kung pano pigilan to. Pero kailngan ko pa din masabi. "I-is there other way that *sob* I can live. *sob* mommy? daddy? *sob* ayokong mamatay *sob* please tell me there's a way." Tuloy tuloy pa din ang luha ko sa pagpatak.

Niyakap ako ni mommy at umiyak na din. Hindi na namin napigilan ung emotions namen at nilabas na namin ngaun. Tinignan ko ang daddy mula sa pagkakayakap sakin ng mommy. Nakita kong may luhang namumuo na sa mga mata nya. Nung nakita niya akong tumingin sa kanya, iniwas niya ung tingin niya. ayaw niya sigurong nakikita ko siyang napapanghinaan din ng loob.

"We'll find a way baby. We'll find a way." sagot ni mommy in between her sobs to reassure me na hahanap sila ng paraan.

Nakatulog ako pagkatapos ng nangyari kanina. Hindi na kasi namin napigilan yung emotions namen kahit si daddy hindi na napigilan at niyakap na din ako.

Naalimpungatan ako ng may biglang umupo sa may bandang paanan ko. Dinilat ko ng onti yung mga mata ko para silipin kung sino yung umupo. Ang mommy kasi hindi umuupo sa kama ko, kahit ang daddy.

Nang makita ko kung sino ung umupo nanlaki agad yung mata ko. Hindi kasi ako makapaniwala na andito sila. Sa 8years ng buhay kong may sakit ngayon lang sila dumalaw sakin. I mean, dumadalaw naman sila pero sa labas lng sila ng room. Bawal kasi pumasok sa room ko ang hindi family related. Kaya hindi ko din sila nakikita. Pero ngayon, hindi ko talaga akalain. Andito sila!

Sinubukan kong umupo para makausap sila ng comportable ako.

"Wag ka na umupo. Humiga ka lang." Sabi ni yssa habang inaalalayan ako. Humiva daw ako pero inaalalayan ako paupo. Ang gulo din nito.

Siya si Yssa ang kaibigan kong kalog. As in, literal na kalog. May kalog sa utak. Magulo yan kausap pero kahit magulo may sense. Hindi mo makakausap ng seryoso maliban na nga lang kung kailangan talagang mag seryoso.

"Humiga? inaalalayan mong umupo tas sasabihin mo humiga lang. Ang gulo mo talaga!" sagot sakanya ni jess.

Siya naman si Jessica, jess for short. Siya naman ang laging kontra at laging bumabara kay yssa. Lagi silang nagbabangayan. Mapasaan pa yan, kahit sa labas, loob, kaliwa, kanan, deretso, atras. Ganyan sila maglambingan. Pero di ko sila nakikitang nagaaway. Lagi pa nga sila magkasama eh. Well, nung simula lang ng nagkasakit ako. Kasi di na ako pwede maglalalabas.

"Eh kasi bumabangon na siya, alangan naman ihiga ko siya at pilitin humiga kung paangat na siya." depensya naman ng isa.

"Edi sana hindi mo na sinabi na humiga na lang siya kung pabangon na pala siya." sagot pa ng isa.

"Edi sana hindi kayo nagbabangayan sa harap ko pa." Singit ko na. Baka saan pa mapunta yung usapan nila. May mapikon pa.

Pero kahit magbangayan sila. Okay lang! Basta andito sila. Nakakatuwa talaga.

"Sorry." sabi nila ng sabay ng may payuko yuko pa.

Niyakap ko sila parehas sa sobrang excitement ko. "Okay lang. Okay lang kahit magaway kayo. Ang importante andito kayo. Pero pano pala kayo nakapasok? diba hindi pwede ang hindi family related? may ginawa kayo noh?" Sabi ko sakanila ng pabiro. Ang saya ko talaga ngaun.

"Grabe! wala noh. Tinext kami ni tita na naconfine ka daw kaya pumunta kami dito." Sagot ni yssa.

"Nung una nga nagdadalawang isip ako kasi alam kong sa labas nanaman kami magstastay. Pero dahil mahal na mahal kita hindi ko na inisip yun. Ang makita kong okay ka ang mas importante saken. Kahit nasa labas pa kami." Paliwanag naman ni jess.

Napangiti ako sa sinabi ni jess pero bago ako makapag react nagsalita na si yssa. "oo nga. Tas pagkadating namin dito pinapasok kami. Xempre hindi na ako nagreact makikita ka na kasi namin. Tapos ngayon andito na kami sa tapat mo. Sa harap mo tapos wala pang harang sa mukha." Para siyang batang binigyan ng candy sa sobrang tuwa.

"Tama. Pero hindi ba to delikado sayo? hindi ba to makakasama sayo?" Tanong naman ni jess.

Bago ako makasagot sa tanong nila bigla ng sumingit si mommy galing sa likod nila. "Xempre hindi na." Nagulat ako sa sinagot ni mommy. Kahit sila yssa at jess mukhang nagulat sa sinabi ni mommy.

"Hindi na? what does that mean?" tanong ko kay mommy. Nakakagulat kasi. Ibig sabihin ba nito magaling na ko? pero ayokong magexpect. Masakit kasi umasa.

Limited DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon