Chapter 4

5 0 0
                                    

"Ikaw?!" Sabay naming nasabi na nagpatingin sa mga tao sa sinehan. Napalakas ata yun pagkasabi namin tapos nagkataon pang sabay kami kaya siguro malakas nga.

Narinig kong may nagssshhh at may nagbulungan pero hindi ko pinansin. Naramdaman ko nanaman kasi yung kuryente na naramdaman ko kanina. Oo! tama kayo! Si matthew nanaman. At ngayon malapitan ko na siyang nakita.

Narealize kong nakatitig nanaman pala ako sakanya at narealize ko din na nakatitig siya sakin. Nagkatitigan kami! siguro mga 7-8 seconds. Nahiya tuloy ako at tumingin sa mga katabi ko. Busy sila sa panonood nila kaya binalik ko yung tingin ko kay matthew. Pero nakatingin pa rin siya sakin. Gusto kong hulaan kung ano yung nasa isip niya pero ang hirap. Iba kasi yung timpla ng mukha niya. Hindi siya masaya, hindi siya malungkot, hindi siya naaasar, hindi siya nagagalit. Ang gulo! para siyang straight face pero hindi talaga.

"Ikaw nanaman?" Sinabi ko na para bumalik na siya sa hwisyo niya at pigilan na yung pagtitig niya. "Ikaw yung nakabangga sakin kanina diba?" Pagpapatuloy ko.

Tinitigan niya pa din ako. Kaya mas lalo akong naawkward. Di din nagtagal nagsalita na din siya. "Parang kilala kita?" nagulat ako sa sinabi niya.

Ohmygash! kilala niya daw ako?! gaga! kilala ka talaga niyan. Classmate kaya kayo ng grade school at hindi lang ikaw pati sila yssa! ayan! nabaliw tuloy ako. Kinakausap ko na tuloy yung sarili ko. Kasi eh! nakakabaliw naman talaga siya.

Hindi pa din siya nagbabago. Gwapo pa din siya pero mas gumwapo siya ngayon. Matangkad na din siya. malamang! Grade school pa kaya kayo huling naging magkaklase. Ayan nanaman siya! ayoko na kausapin sarili ko!

"hoy pat! sine pinapanood natin. Hindi kung ano ano. Saan ka ba nakatingin?" Sabi ni jess. Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita tapos sinilip pa niya kung saan ako nakatingin. "Uy matt. Andito ka pala?"

Napatingin ako kay jess nung sinabi niya yun. "Kilala mo siya?" bigla kong tanong sakanya. Ano ka ba patricia! malamang! magkakaklase kaya kayo ng grade school dah??!! ano ba yan! make it stop! nababaliw na ko!

"Oo kaya, ano ka ba pat? classmate kaya natin siya nung grade 5. Hindi mo na ba siya natatandaan?" sabi ni jess na nagpabalik saakin sa katinuan. Tumingin ulit ako kat matthew. Oo naman natatamdaan ko siya. Siya pa ba? Eh crush na crush ko yan noon pa eh hanggang ngayon. Ano ba tong pinagsasasabi ko?! kasalanan to ni matthew eh. Why does he have this effect on me?

"Sabi na nga ba eh! kilala nga kita. Patricia Torres? yung bigla na lang hindi pumasok tapos ang tagal hindi nagpakita? Ano nangyari sayo?" Napatingin lang ako sa sinabi ni matthew. He still know me. Pero anong sasabihin ko? Ayokong sabihin na may sakit ako kaya ako nawala. At hindi na ako pwede lumabas at pumasok sa school kasi makakasama saakin.

"Ahh.... kasi...... ano...... p-pumunta kami sa states kaya aki nawala. K-kababalik lang namin actually last week." Sagot ko. No choice na ako eh. Hinawakan bigla ni jess yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinignan niya ako ng what-was-that-look kaya nginitian ko na lang siya. Alam niya na ang ibig ko dung sabihin.

"Ah kaya pala ang tagal mong nawala. Buti na lang andito ka na. Kasi hinieyyekd kita." Sabi niya pero hindi ko naintindihan yung dulo kasi parang kinain na niya yung salita niya.

"Huh?" Sabi ko sakanya para ulitin yung dulo. Nacurious kasi ako eh. Ano yun? kita? yun lang naintindihan ko kasi eh.

"Wala. Nuod na tayo. Ang dami na natin namiss." Sagot niya sakin sabay pa ng pagturo niya sa harap. Tumungo lang ako at tumingin sa harap.

Ano kaya yung sabi niya? Hin kita? ang gulo!

Nang matapos na movie bigl aakong hinatak ni yssa sa cr. Samahan ko daw siya. Kaya no choice ako, hatakin ka ba daw eh. Ayoko ngang umalis kasi andun si matthew. Sa buong movie nga iniisip ko pa din yung sinabi niya. Ang hirap kasi hulaan. Napakamysterious paman din niya.

Pagkalabas namin ng cinema hinanap namin si jess. Ewan ko ba dito kay yssa kung bakit hindi na lang sinama si jess. Naghahanap pa tuloy kami ngayon.

"Ayun pala eh!" sigaw ni yssa. Yup! sigaw! Ang bungangera ng babaeng ito.

"Asaan?!" Sagot ko naman sa kanya. Ang lakas kasi ng boses eh. Nairita tuloy ako.

"Ayun oh." Sabay turo. "May kasama siya? sino naman yung lalakeng yun?" Dagdag pa niya. Tinignan ko yung direction na tinuro ni yssa. Oo nga. May kasama nga siyang lalaki. Sino ka yun? hindi naman yun si matthew kasi alam ko damit ni matthew. Pero parang familiar sila.

Lumapit kami ni yssa sa lugar kung nasaan sila. "Uy! jacob! tristan! andito pala kayo?" Sabat agad ni yssa pagkadating namin dun. Kilala pala nila to. Sino kaya tong mga to? Nagapir naman sila kaya siguro close sila.

"Kilala niyo sila?" Mahina kong tanong kay yssa.

"Oyeah. Kablock ni jess si jacob tas ako naman si tristan. Since magkaibigan sila at magkaibigan kami nagsama yung group namin sa school. Pero sa school lang. When it comes to outside life, may sarisarili na kami. Katulad ngayon." sagot niya. Nakakaloka ha! ang simple ng tanong ko elaborated na yung sagot niya.

"Actually, tatlo sila si matt yung isa. Kaya pa kami naging close dahil kay matt." Dagdah ni jess sa sagot ni yssa. Odabah! full yung answer nila. Pero speaking of matthew, asan kaya siya?

"ahh.. asan si matthew?" Sagot ko at tinanong ko na din.

"Andito. Bakit namiss mo na ako?" nagulat ako ng bigla siyang magsalita sa likod ko. Nung pagkatalikod ko ang lapit niya sakin. Parang isang dangkal yung layo o more than pero malapit. Hindi ako sanay ng may ganong kalapit saakin kaya lumayo ako ng onti.

"Ang kapal mo!" Sagot ko sabay talikod. Feeling ko namumula na ako.

"Joke lang. Ito naman." sabi niya naman sakin. Sabay lapit sa tabi ko habang nakatingin saakin.

"Feeling close ka. Kanina lang tayo nagkita jinojoke mo na agad ako." Sagot ko naman sakanya. Pero sa totoo lang kinikilig ako. Hindi din kasi ako sanay na may gumaganon sakin.

"Tara! Gala na tayo." yaya na ni matthew.

"Game!" - jacob
"Tara!" - tristan
"Sure!" - jess
"Go!" - yssa

Odabah! may sarisarili silang sagot. Ako? wala. Eh hindi ko naman alam sasabihin ko eh. Pero gusto ko sumama. Sasabihin ko na sana na why not?, nang may bigla akong naramdaman sa dibdib ko. Parang may kumirot.

Tinignan ko sila at napansin kong hinihintay nila yung sagot ko. Gusto kong sumama pero may masakit. Huminga ako ng malalim para pakiramdaman yung sakit kung kaya ko ba o hindi. Tinignan ko ulit sila bago magsalita.

"Hindi pwede eh. Kailangan ko nang umuwi." sabi ko. Nakita kong nadismaya sila sa sinabi ko. Pero tinignan ko sila jess at yssa at naintindihan naman nila yung ibig kong sabihin.

"Sige. Hahatid ka na namin." sabi ni jess at lumapit sakin. Lumapit na din naman si yssa samin. "Sige una na kami." Pahabol ni jess sakanila.

"Bye!" Pagpapaalam ni yssa. Gusto ko din magpaalam pero hindi ko na nagawa kasi baka hindi ko mapigilan yung sakit.

Naglakad na kami nila yssa at hindi kalayuan biglang sumigaw si matthew. "Teka!" lumingon kami sakanya at papalapit na siya saamin. "Sama ako."

Limited DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon