Hello po! Ngayon lang nakapag update ulit. Votes and comments please. I'll try to finish this story by the end of the year. Yun lang.
Enjoy reading! :)
Sabay kamo ni Max pumasok sa school. Isa ng bagong Aeriel Williams ang makikilala nila ngayon. Pero mabait padin naman ako, umayos lang ng konti yung itsura.
Papasok na sana kami ni Max ng gate ng bigla kaming kinausap ni manong guard.
"Oy oy oy, estudyante ka ba rito? Patingin ng I.D mo." Sabi ni manong guard.
"A-ako po?" Takang-taka kong tanong sakanya habang naka-turo sa sarili ko.
"Oo, ikaw nga. Ngayon lang kita nakita dito ah? Bili na, patingin na ng I.D mo." Sabi nya pa at nilalahad yung kamay nya sakin. Agad ko naman hinubad yung I.D ko sa leeg ko at binigay sakanya
Tinignan ni manong guard yung I.D at tinignan ako. Para bang pinag-kukumpara nya yung itsura ko sa I.D at sa itsura ko ngayon sa personal.
Grabe naman to si manong guard, inayos lang naman yung buhok ko tsaka tinanggal yung salamin ko sa mata.
"Weh? Ikaw ba talaga 'to?" Paniniguradong tanong ni manong guard.
"Manong, lahat naman po pangit sa I.D picture, tignan mo ying akin. Oh diba? Manong, male-late na kami." Sabi ni Max na halatang naiinis na.
Para matapos na to, sumimangot ako. At nung tinignan ako ni manong guard at boom! Naniwala na sya.
"Ang o.a naman nung manong na yun." Sabi ko sabay pout.
"Hayaan mo na. Ang laki kasi ng pinag bago mo. Lalo ka kayang gumanda.." sabi nya pero yung huli nyang sinabi hindi ko narinig. Hindi ko na lamg pinaulit dahil mukhang hindi naman inportante.
•••
Naka-upo ako ngayon sa upuan ko at nag susulat ng kung anu-anp sa likod ng notebook ko ng biglang tawagin apilyido ko. Attendance nga pala.
"Present." Malakas ngunit walang gana kong sagot. Nag tinginan naman silang lahat sakin. At lahat sila mukhang takang-taka at gulat. Ano bang meron sakin? Hay nako nakaka-panibago.
"Ms. Williams, hindi mo sakin sinasabi na may tinatago ka palang ganda. Oohh, gandang di mo inakala." Pag-bibiro ng advicer namin. Tumawa naman yung mga kaibigan ko--uhm, kaibigan nga ba? Ay basta tumawa sila chloe at nicole tsaka sila max. Ngumiti na lang ako.
"Sus, inayos lang naman yung buhok."
"Tinanggal lang yung salamin. Si sir talaga, bino-bola nya lang siguro si aeriel."
Bulong-bulungan ng ibang mga babae dito sa room. Sanay na naman ako kaya hinayaan ko na lang.
"Insecure lang sila sayo kase mas maganda ka sakanila." Bulong sakin ni Max at nginitian ako. Ayan na naman yung ngiti nyang nakaka-loko.
"Okay class, hindi mawawala ang prom sa taon na ito. Last year nyo na bilang mga high school students kaya naman pinaghandaan ng editor ng school na ito ng sobrang gandang J.S Prom." Sabi ng teacher namin at lahat ng mga kaklase ko ay na-excite. Except sakin. Dahil mula nung third year, di ako um-attend ng prom dahil wala naman akong gagawin don.
•••
"Aeriel!" Sigaw ni max. Napa-lingon naman ako sakanya at nakita ko yang hapong-hapo. Naglakad sya papunta sakin at inabutan ko sya ng tubig pero tumanggi sya.
"Bakit? Anong problema?" Tanong ko kay max. Para kasing ewan eh. Nag aalala tuloy ako.
"Usap-usapan ka sa buong 4th year! As in, hindi lang sa room natin, sa buong 4th year!" Balita nya sakin. Ano na naman bang problema nila? Hay nako naman! Bukas na bukas mag tatali na ko ng buhok at susuotin ko na ulit yung salamin ko
BINABASA MO ANG
Forever Alone
Fanfiction"Being Alone Is Better Than Being With The Wrong Person" Forever Alone [SLOW UPDATE] Book cover credits to: daylights- kkaebbsong storyline (2014)